Chapter 13✔

5.9K 149 14
                                    

Sorry for the late late update! Dedicated to: louissay15

Bloody Sports Fest I: Archery

Selena's POV

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ng matamaan ng liwanag. Noong una'y malabo ngunit unti-unti namang umayos ang paningin ko.

Natigilan ako nang mapagtantong nasa ospital ako. Anong ginagawa ko dito?

Dahan-dahan akong umupo at biglang napadaing ng makaramdam ng kirot sa may bandang buto-buto ko.

"Hu'wag ka munang masyadong magalaw. Hindi pa tuluyang humihilom iyang bali mo sa buto-buto mo."

Napalingon ako sa pinto nang may nagsalita.

It was Sean holding a tray of hospital foods.

Ngumiti s'ya sa akin at nilapag ang tray sa hita ko. Napatingin naman ako doon. Ngumiwi ako ng makita ang mga pagkain. Gross.

Napatingin ulit ako sa kanya ng may mapagtanto.

"How about the game?"

Tumawa naman s'ya sa tanong ko kaya't napakunot ang noo ko.

"The game's rescheduled two days from now. Are you feeling better?"

Napatango naman ako. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang.

"Where are the others?"

Tanong ko nang mapansing wala sila Danica. Umupo naman siya sa couch na malapit sa kama na hinihigaan ko. Pagod n'yang sinandal ang ulo sa pader.

"Danica's talking with the doctor,  Chase and Tania are with her."

Tumango naman ako at hindi na umimik. Kinain ko na lang ang pagkain kahit masuka suka na ko sa lasa nito. Buhat-buhat ko na ang tray at sinubukan ilagay sana sa lamesa sa tabi ng maibagsak ko 'to at mapasigaw sa sakit ng ulo ko.

"Ahh!"

"Selena!"

Narinig ko ang boses ni Danica na tumatawag sakin ngunit hindi ko magawang pagtuunan ng pansin dahil matindi ang kirot ng ulo ko.

Nakaramdam ako ng pagkamanhid ng buong katawan ko ng may iturok sa akin. Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko at tuluyang kinain ng dilim.

Danica's POV

Fucking shit!

Nadagdagan ang galit ko kay Eins nang mabungaran ko si Selena na sumisigaw at nasasaktan.

Tinurukan s'ya ng doktor ng pampatulog. Nasa labas kami ngayon at hinihintay na lumabas ang doktor sa silid ni Selena.

Kausap ko ang doktor kanina at sinabing mabuti na lang at nadala agad sa ospital si Selena at naagapan ang pamumuo ng dugo sa kanyang utak. Kritikal na ang lagay ni Selena.

Hindi parin nagpapakita ang lalaking 'yo—speaking of the devil.

"I-Is she okay?"

Sinamaan ko s'ya ng tingin at akmang susugurin ulit nang pigilan ako sa balikat ni Sean. Galit akong lumingon sa kanya at natigilan nang makita ko ang seryoso n'yang mukha. Bihira ko lang makita ang ganitong ugali ni Sean.

"Wala magbabago kung susuntukin ulit si Eins kaya mabuting pigilan mo na lang ang galit na nararamdaman mo."

Demon Academy: The Long Lost Of The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon