Chapter 25✔

4.2K 77 1
                                    

Bloody Sports Fest II: Gun Shooting

Chase's POV

"So, that's basically the mechanics of the game. Good luck everyone! Show no mercy."

Ngumiti ito at tumalikod na upang pumunta sa upuan nito. Napatingin kami sa screen na malaki na nasa itaas ng stage. Countdown. 10 seconds before it starts.

Nilabas ko ang baril ko at tinitigan. Isang baril na sarili ko mismo ang gumawa. Yari sa pilak ang baril ko at ang mga bala nito na may laman na lason na ako rin ang gumawa. Isang lason na mabilis kakalat sa katawan at ilang segundo lang ay bagsak ka na.

Napangisi na lang ako at sinulyapan ang screen. Three. Two. One.

Mabilis nila kong pinuntirya dahil isa ako sa may pinakamalaking points. Panay ilag lang ang ginagawa ko habang pinuputukan nila ako. Dalawang kulay lila at limang puti. Napangisi ako. Mabilis akong nakalapit at isa-isa silang pinutukan sa ulo. Maya-maya ay bumagsak sila na bumubula ang bibig.

Ngumisi ako nang marinig ang sinabi ng parang robot.

"Game report: Chase Park, 1, 600, 000 points, rank 1."

"Game report: Chade Greene, 1, 060, 000 points, rank 2."

Napatingin ako sa lalaking huling tinukoy ng reporter. Nakangisi ito sa akin na hindi ko na pinansin dahil may mga dumating. Ngayon ay hindi ko na sila mabilang, nasa mahigit bente silang nakapalibot sa akin. Imbes na mangamba ay napangisi ako. Binunot ko ang isa ko pang baril at nagsimulang magpaputok.

Danica's Point Of View

Hindi ko mapigilang humanga kay Chase dahil sa bilis n'yang gumalaw, halos hindi na namin s'ya makita. Sabay sabay na bumagsak ang mga katawan ng binaril n'ya at bumula ang mga bibig.

"Game report: Chase Park, 2, 020, 980 points, rank 1."

Napangisi na lang ako. He's good at this. It's his expertise. Napatingin ako kay Tania na kasalukuyang sumisigaw sa saya. Napunta ang atensyon ko sa isang grupo ng mga babae na kasalukuyang pinag-uusapan si Tania.

"Like what the heck girl? Chase Park will never notice a childish girl."

"Yeah, you're right. She's below his level."

"She's cheering for him like he's going to make pansin her."

Napatayo na ako at handang sugurin ang mga babae kung hindi lang ako pinigilan ni Sean. Kinunotan ito ng noo, umiling s'ya at sinenyasan akong umupo. Napabuntong hininga na lang  ako at umupo. Humanda sila sakin mamaya. Hindi ba nila nakita si Chase kanina dito? Tch.

"Game report: Chade Greene, 1, 909, 580, rank 2."

Nakuha ng atensyon ko ang isa pang nakablack sa bandang dulo ng field nila. Nakangisi ito at binaril ang kahuli-hulihang kalaban. Bumagsak sa sahig ang bangkay ng lalaki at umagos sa dugo mula sa noo kung saan s'ya binaril ni Chade. This man's skillful. His able to outwit his opponents.

Bumaling ito sa gawi namin na tila may hinahanap. Nahagip ko ang paningin n'ya bago balingan ang katabi ko. Saglit akong natigilan nang ngumiti ito at tinitigan si Tania ng may pagnanasa. Nawala ang atensyon n'ya kay Tania ng mabaril ito sa braso ng isang lalaki. Ngumiti ito ng nakakaloko at binaril sa ulo ang lalaking bumaril sa kanya. Tumawa ito ng tumawa. Para s'yang nakatakas sa mental kung tumawa. He's eccentric!

Iilan na lang silang natitira at sigurado ako kung sino ang matitirang dalawa. Chase and Chade. They're both skillful but for me Chase has more advantage of winning. He's both witty and swifty while Chade is just witty.

Demon Academy: The Long Lost Of The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon