Chapter 14

1.8K 29 1
                                    

Maagang umalis ng hospital si Zerathine para maghanap ng trabaho at binilin muna si Zeraxen sa kaibigan niyang si Antonette.

Inuna niyang pasukan ang mga bar na nakapalibot sa hospital pero sa tuwing sasabihin niya ang pangalan ay para siyang pulubi na agad pinagtatabuyan ng mga ito.
Ganoon din sa mga boutique o mga karenderya na nakapalibot sa hospital at malapit sa apartment nila pero walang gustong tumanggap sa kaniya. Nagtataka siya kumpleto naman ang mga hinhinging requirements sa mga pinapasukan niya pero hindi siya tinatanggap ng mga ito.

Hapon na ng makabalik siya sa hospital at naabutan si Antonette na chinicheck ang anak niya.
"Ano kamusta may nahanap ka ng trabaho?" Tanong nito sa kaniya
"Lahat ni isa walang may gustong tumanggap sa'kin" paliwanag niya

"Imposible may pinagaralan ka kahit sa mga boutique sa labas o karinderya wala ni isa?" Naguguluhang tanong sakaniya ng kaibigan
"Oo" sagot niya na maluluha nanaman

"Saan ako kukuha ng isang milyon para sa heart transplant ng anak ko?" Hagulgol niya
"College graduate ka at napakatalino imposibleng hindi ka matanggap bilang sekrtarya ni Mr.Taxen Rouge rinig ko kasi on hire sila ngayon"

Para siyang hinagis sa kumukulong mantika hindi nga pala alam nito na si Taxen Rouge ang ama ni Zeraxen ito lang talaga ang kaisa-isang building na di niya pa napupuntahan halos lahat ng mga building dito ay nasubukan niya ng applyan pero kung hindi siya qualified wala ng slot.

At halos gumuho ang mundo niya isipin palang na nahihirapan ang anak niya bakit hindi nalang siya ang nagkasakit sakaniya naman galing ang sakit nito eh.

"Hello Zerathine on planet earth?" Pukaw sakaniya ng atensiyon ni Antonette

"Pasensiya na bukas na tayo mag-usap puntahan ko lang si Xen" pagpapaalam nito sa kaibigan

Isang tao na lang amg pwede niyang lapitan kaya niyang lunukin ang pride niya para sa anak. Para mailigtas ito kahit alam niyang may posibilidad na hindi siya paniwalaan ng taong yon at saktan nanaman siya at husgahan katulad ng dati.

Kinabukasan maagang umalis si Zerathine sa ospital at nagtungo sa lumang apartment na inukupa nila at nagsuot ng presentableng kasuotan. Buo na ang desisyon niya na mag-apply sa  "Rouge Magazine Industry" pangalan pa lang alam mo ng magaganda ang kalidad ng magazine ito lang naman ang pinakasikat na supplier ng magazine sa buong asiya na pinapatakbo ng lalaking yumurak sa pagkatao niya.

Pagkatapos ng halos tatlong oras ng paghihintay

"Ms. Zerathine Romero please come in" tawag sakaniya ng isang empleyado kung hindi siya nagkakamali ito ay isa sa mga branch manager ng naturang magazine industry

"Kaya mo to Zera!" Pagpapakalma niya sa sarili.
Pero wala atang epekto yun ng oras na nakapasok na siya sa opisina ni Mr.Rouge halos maligo na siya sa sariling pawis.
"Have a sit " pagkuwan ay napatingin sa kaniya ang binata "Ms.Romero or should I say Mrs.Arevalo " nanginginig ang mga daliri at nanlalambot ang mga tuhod niyang lumapit sa binata na parang pinapatay siya sa talim ng tingin nito sakaniya.

Nang makalapit siya ay biglang pinindot ng binata ang intercom sa gilid ng lamesa nito at pagkuwan ay sinabing " Interview ended I already chose a secretary who will fit to me " sabay tingin sakaniya at gumuhit ang malademonyong ngiti nito sa labi

"May na-napi..li na kayo?' Tanong niya sa binata
"Oo she's here in front of me" sagot naman nito sakaniya

"Talaga ?" Lumiwanag ang mukha ni Zerathine ng makapasok ng walang kahirap hirap pero yun ang akala niya

"In one condition" he said while grinning devilishly

She gulped "a-ano?"

"Be my slaved..Oh I mean SEX SLAVE " pagkarinig ng salitang yon parang ilang ulit niyurakan ang pagkatao niya at binaboy ang katawan niya.

Taxen RougeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon