Chapter 19

1.8K 38 1
                                    

Nakarating ng maayos si Zerathine sa kanilang inuukupang apartment. Akmang kakatok na siya ng mapansin ang itim na ford di kalayuan sa kanilang bahay

Di nalang niya ito pinansin at inisip na baka may bisita ang kabilang apartment.

Nakailang katok siya bago bumukas ang pinto ng apartment siguro ay tulog na si Ronalyn dahil nakapatay na ang mga ilaw.

"Zera?" Hindi makapaniwalang tanong nito habang kinukusot ang mata. Halatang inaantok pa ito dahil halos ala una pa lang ng madaling araw.

"Oo ako nga tara pasok" sabi niya dito

"May pakiusap sana ako, pwede bang ikaw muna ang mag-alaga sa anak ko nakahanap na ako ng trabaho at anim na buwan akong mawawala " paliwanag niya dito

"Pwede naman na ako ang mag-alaga kay Xen dahil wala naman na akong pamilya o kaibigan maliban sainyo pero yung trabaho ko kasi" pag-aalangan ng kaibigan

"Seswelduhan kita ipapadala ko buwan-buwan sa Quezon"
"Quezon? As in Province?" Tanong ni Ronalyn sakaniya

"Oo may kaibigan ako doon na siyang makakasama mo sa bahay ka edad lang natin kaya madali kayong makakapagpalagayan ng loob isa siyang doktora nalipat lang siya ng pinagtrabahuhang ospital sa ngayon" paliwanag niya

"Payag ako pero kailan ba ?" Tanong nito
"The day after tomorrow ako na personal magpapaalam sa anak ko" aniya
"O siya sige pahinga ka na mukhang pagod ka"
"Sige mauna ka na salamat sa pagbantay kay Xen" turan nito bago tuluyang makaalis ang kaibigan

Nasuma na ni Zerathine na halos anim na buwan ang itatagal bago niya mabayaran ng buo ang utang kay Taxen. Hindi niya kailangan ng pera nito para mabayaran ang utang niya dito.

Nakahanap siya ng trabaho sa isang bar sa kabilang bayan bilang isang waitress malaki daw ang tip na ibinibigay ng mga customer kapag maayos ang pakikitungo mo dito.

Kinabukasan..
Maagang gumising si Zera para ipagluto ang anak at nang makapamasyal sila sa mall at mabili ang mga gusto nito bago sila maghiwalay.

Halos alas dyes na ng umaga ng matapos si Zera sa lahat ng gawaing bahay at pagluluto ng kanilang agahan.

At nabayaran niya na rin sa landlady ang upa dito sa apartment dahil saktong isang buwan pa lang sila dito.

"Baby gising na kakain na tayo" bulong niya sa anak habang mahina itong tinatapik sa balikat para magising.

"Mommy?" Halata ang gulat sa mukha nito habang kinukusot ang mga mata

So cute.

"Yes baby?" Turan niya sa anak
"Bakit ngayon ka lang po? Hinahanap po kita kagabi pero sabi ni tita Rona nasa work ka daw?" Inosenteng tanong nito sakaniya
"Bakit baby namiss mo ba agad si Mama?" Tanong niya dito sabay kiliti sa tagiliran
Humagikgik naman ito ng tawa
"Opo.hahaha... Mama tama na po hahahhahaha"
"Namiss din kita anak tara kain na tayo" aya niya sa anak

Hinayaan niya muna si Ronalyn na mahimbing pang natutulog napuyat ata ito kakabantay sa anak niya.

Habang sarap na sarap kumain si Zera biglang ng beep ang cellphone niya at nakitang may unknown number na nagtext sakaniya

"Who's that mama?" Tanong agad ng anak niya
"Ahm..ano sa work? Oo tama anak sa work wait lang ah replyan lang ni mama"
"Shige po .. Mama" sagot naman ng anak niya na ngumunguya pa

Pagkabasa niya sa text nasira agad ang araw niya.

'I need you here in my office . Come here now ' Taxen

I don't care may pa I need you I need you ka pa diyan. Naisip na lang niya

Saktong pagbalik niya sa hapag kainan ay nakita niya si Ronalyn na kakabangon lang at nagmumumog sa lababo

"Oh Rona kain na gusto mo pa lang sumama ngayon pupunta kaming mall ni Xen?" Tanong niya dito
"Hindi na magpapaalam din ako kay aling miling dyan sa pinagtatrabahuhan kong karinderya para makuha ko na din ang sweldo ko saktong isang buwan na ngayon" pagtanggi sakaniya ng kaibigan

"O sige baby tara na " aya niya sa anak
"Ikaw na bahala dito ah " paalam niya sa kaibigan sabay sukbit ng bag sa balikat.

Pagkalabas ng bahay ay naglakad sila hanggang kanto at pumara ng Taxi papuntang R.Mall

Mamaya pa naman ang unang gabi niya sa bar kaya may oras pa siyang nakapagpaalam sa anak ng maayos.

A/n: thank you po sa mga nagbabasa feel free to comment para alam ko po kung maganda ba yung ginagawa ko hehe!

Taxen RougeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon