Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari sa pagitan ni Taxen at Zerathine.
Patuloy pa rin sa pagtatrabaho si Zera sa C.A Cafe at gabi-gabi pa rin siyang umuuwi sa condo ng binata at gabi-gabi rin siyang bigo na masilayan ang gwapong mukha ng minamahaal.
Hindi niya mawari kung bakit nang may namagitan sakanila ng gabing yon ay hanggang kinabukasan bago siya pumasok sa trabaho ay hindi na ito bumalik.
Naisip niya ganon ba diring- diri ito na ayaw siyang makita matapos ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.
Naginat-inat si Zera pagkabangon sa sofa ng condo ng binata sa may sala.
"Wala pa rin siya" bulong niya sa sarili.Ito ang ikalabing-limang araw na hindi pa rin ito umuuwi gabi-gabi nalang siyang nagpupuyat kakahintay dito sa sofa at nauuwi sa pagkatulog nalang.
Napatakbo siya sa lababo sa kusina nang maramdamang may kung anong hinahalukay sakaniyang sikmura na kailangan na talagang mailabas.
Humahangos na umalis sa harap ng lababo si Zera matapos magsuka ng paulit-ulit pakiramdam niya ay naubos lahat ng tubig sakaniyang katawan. Ang totoo niyan ay halos isang linggo na siyang palagiang nagsusuka tuwing umaga wala naman siyang matandaan na nakaing kakaiba para sumama nalang ng ganoon ang kaniyang tiyan.
"What's happening to me?" Pagtatanong niya sa sarili. Para na siyang baliw kinakausap ang sarili.
Nagtimpla nalang siya ng kape at nagpalaman sa tinapay ng honey. Nakailang pares siya ng tinapay.
Nang tinignan niya ang isang pakete ng tinapay ay nakalahati niya na ito.
"Ohmygas!ang takaw ko baka magalit si Taxen hihi!" Kinikilig pang turan niya.Napatigil siya ng may mapagtanto
"Kailan ko pa nagustuhan ang honey ?" Pagkausap niyang muli sa sarili.Natutop niya ang bibig nang may mapagtanto siya "Hindi kaya buntis ako?"
Hindi imposible dahil ilang beses siyang inangkin ng binata na walang ginagamit na anomang proteksyon. At delayed din ang menstruation niya dapat noong isang linggo pa siya nagkaroon bakit ngayon niya lang narealize."Tungak ka talaga Zera " sabay tampal niya sa kaniyang boo at dali-daling pumasok sa banyo para umihi.
Hinihintay niya ang resulta ng maipatak niya ang ihi sa pregnancy test.
Di niya maipaliwanag ang sayang lumukob sakaniyang pakatao.
Napaiyak na lamang siya sa sobrang saya nang makitang nagdalawang pulang linya ang PT."I'm pregnant... *sniff* I'm pregnant with his child"
Dali-dali siyang nagtungo sa opisina nito alam ni Zera na nandoon lamang ang binata gusto niyang sabihin ang magandang balita kahit hindi pa sila nagkakaayos.
Naisip niya na maaaring ito ang dahilan ng paghilom ng sugat na nilikha niya.
***
Sa kabilang banda naman si Taxen ay hindi mapakali sakaniyang opisina.
Dalawang-linggo na siyang hindi umuuwi sa condo niya at dito natutulog sa private room ng kaniyang opisina.
Hindi niya pa kayang harapin ang babaeng labis niyang nasaktan.
Kailangan niya munang ayusin ang lahat bago magtapat dito."Sir she's here" pagkuway saad ng sekretarya niya sa intercom sa gilid ng desk niya.
"Let her in" utos niya sa sekretarya niya kasabay ng pagbukas ng pinto ng kaniyang opisina.
"Hi babe miss me?" Matinis na pagtatanong ng isang babaeng pinagkatiwalaan niya sa mahabang panahon. Na siya rin pa lang sumira sa masayang buhay 'nila' noon.
Naikuyom na lamang niya ang kamao sa galit dito habang nakaupo sa desk niya.
Ngunit laking gulat niya ng bago pa siya makatayo ng maayos ay nilakumos na siya ng halik nito.
Napatulala na lang siya sa gulat hindi dahil sa gusto niya ang ginawa nito kundi nandidiri siya dito."What the fuck Mikee?" Bulyaw niya sa babaeng kaharap.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Taxen Rouge
General FictionWarning R-18/ SPG I want you to taste the hell that I felt after knowing that you and your fucking ex boyfriend had sex. After that tell me who's better in bed." -Taxen