Chapter 22

1.7K 30 1
                                    

Pagkadating ni Zera sa VIP room nakita niya ang may hindi katandaang lalaki na kung susumahin siguro ay nasa 30 ito pataas halos maubos na nito ang isang case ng beer na nakakalat sa ibabaw ng mesa.
"Ahm... Sir ito na po yung order niyo" pagkuwan pukaw niya sa atensyon nito
"Ilagay mo nalang diyan" sabi nito sakaniya

Paalis na sana siya ng bigla siyang hiklatin nito sa braso at pinaupo sa kandungan niya sabay himas sa labas nitong mga hita.

Nagpupumiglas si Zera habang nagsisisigaw "sir.. ano ba bitiwan niyo ko "
"Magkano ka?" Tanong nito sabay himas pa din sakaniyang hita
"Sir waitress po ako dito at hindi call girl" pagtatanggol niya sa sarili habang pinipilit makaalis sa mga bisig ng lalaki

Binitawan siya ng lalaki at napasubsob siya sa couch sa tabi nito .
Agad siyang tumayo at inayos ang nalislis niyang palda
"Look at yourself mukha kang call girl napakaikli ng palda mo sinong hindi babastos sa'yo ha" bulyaw nito sakaniya

"Aalis na ako sir hahayaan ko kayo sa ginawa niyo dahil customer pa rin namin kayo"sabay tungo niya dito

Akmang aalis na siya ng...

Nakatayo na si Taxen sa harap ng 'Knight Club' dito ang red dot na nagtuturo kung nasan si Zera nagtagis ang bagang niya ng pagpasok niya ay nakakita siya ng mga lalaki at babae na halos mag sex na sa bar counter at maging sa lapag.

May lumapit namang babae sakaniya
"Sir table for?" Tanong nito sakaniya
Napatingim siya sa name plate nito
"Are you familiar with Zera?" Pagkuway tanong niya
"Zera sir? Naghatid po siya ng drinks sa VIP room sa taas" paliwang ng babaeng nagngangalang Nikka
"What room?" Tanong niya dito
"C sir " nagtagis na talaga ang bagang niya at kumuyom ang mga kamao ito ba ang sinasabi ng babaeng yon na trabaho nito.

Waitress?? Pero nakita niya sa suot nong Nikka na halos makitaan na ito ng kaluluwa
"The fuck" bulong ni Taxen sa sarili sabay takbo sa taas ng VIP floor. Kahit maraming bouncer ay hindi niya ito alintana madali niya itong napatumba mga walang kwenta sa isip-isip niya.

Patuloy pa rin sa pagpupumiglas si Zera habang pilit na itinutulak ang lalaking nakapatong sakaniya dito sa sofa.
Mangiyak-ngiyak na siya habang nagsisisigaw kahit alam niyang wala namang dadaan dito dahil restricted ang areang ito dahil hindi pwedeng basta bastang may makapasok o makapunta sa floor na ito.

"Bitiwan mo ko ano ba!" Sigaw niya habang itinutulak ang lalaki ngunit napakalakas nito

Bukas na ang mga butones sa sakaniyang blusa at punit punit na ang palda dahil sa kababuyan ng walanghiyang lalaking to.

"Bitaw sabi " sigaw niya ulit sabay sampal sa lalaki
"Ahhhh"napahiyaw siya sa sakit dahil sinikmuraan siya ng lalaki at unti-unting napapikit

Pero bago siya tuluyan mawalan ng malay narinig niya ang pintong kumalabog
"Let go of her you fucker" narinig niya ang matigas na boses ng isang lalaki na hindi niya mawari kung sino at kasaliw nito ang pagkawala ng kaniyang ulirat.

Nagdilim ang paningin ni Taxen ng makita ang lalaking nakapatong kay Zera at nang makita niyang wala ng malay ang dalaga ay nangitngit ang galit niya at pinaulanan ng suntok at tadyak ang lalaki.
Hindi niya ito tinigilan pinipigilan na siya ng mga taong nandoon sa VIP room halos mapatay niya na ang lalaki.

Putok ang kanang mata nito puro dugo ang labi at namimilipit sa sakit ng tiyan dahil sa mga suntok at tadyak na natanggap nito mula sakaniya.

"Kulang pa yan you son of the demon" duro niya sa lalaki habang pinagtutulungan siyang awatin ng mga nandoon
"Dalhin niyo na yan sa labas" sigaw nong manager ata ng bar
"Sorry sir " paliwanag ng manager sakaniya
"Sorry? Pathetic nakita mo ba ang ginawa ng lalaking yon? Halos halayin niya na ang mga waitress mo" bulyaw niya sa manager
"I'm gonna file a case for that bastard and I'm gonna close this fucking bar" sigaw niya sa manager sabay buhat kay Zera na hanggang ngayon ay wala pa rin malay.

Taxen RougeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon