Chapter 32

2.1K 32 1
                                    

Di mapuknat ang ngiti sa mga labi ni Zera habang nakasakay sa elevator papunta sa opisina ni Taxen.

Mabuti na lang at hindi siya nahirapang makapasok dahil kilala naman siya ng gwardiya ng kompanya.

Napagdesisyunan niyang huwag munang pumasok sa trabaho nagdahilan na lamang siya na may sakit ng tumawag ang isa sa mga staff ng cafe.

Papasok na sana si Zera sa opisina ng binata nang mapansing nakaawang ng bahagya ang pinto ng opisina nito.
Kung kaya sumilip siya nang bahagya.

At may narinig siyang matinis na boses ng isang babae.
"Hi babe miss me?" Matinis na pagtatanong ng isang babaeng nakatayo ngayon malapit sa pintuan at naglakad papalapit sa binata at walang anu-anong nilakumos ng halik ang binatang animo'y naging tuod sa kinauupuan nito.

Natutop nalang ni Zera ang bibig at tumalikod kasabay ng walang tigil na pag-agos ng kaniyang luha at impit na paghikbi.

Tumakbo siya papuntang elevator at dali-daling pinindot ang botton sa loob nito pababang ground floor ng naturang building.

Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga empleyado habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kaniyang luha na animo'y waterfalls sa pag-agos.

Napagdesisyunan na lang niya na pumasok. Agad naman siyang pumara ng bus para magtungo sa cafe na pinagtatrabahuhan.

***

"What the fuck Mikee?" Bulyaw ni Taxen sa babaeng kaharap.
Umalingawngaw sa buong opisina ang kaniyang pagsigaw.

"What's wrong I thought you miss me kaya mo ko gustong makita" malanding tugon nito sakaniya habang pinaglalandas nito ang daliri sakaniyang balikat pababa sakaniyang braso.

"What's the meaning of this bullshit!" Bulyaw niyang muli sa babae na siya namang ikinapitlag nito sa kinatatayuan.

Inihagis niya dito ang video tape ng isang digicam.

"What's this?" Pagtatanong nito sakaniya na animo'y kinakabahan

"Tingin mo ganoon ako kabobo para hindi mapanood ng buo ang TUNAY na video inedit mo ang pinapanood mo sakin noon DAMN YOU FUCKER. You ruined us how dare you bitch!" Bulyaw niya dito na siya namang kinaputla ng babae.

"A-a-ano bang p-pi-pinags-sa-bi mo babe? " uutal-utal na tanong nito sakaniya

"Huwag mong pabilugin ang ulo ko Mikee" sagot niya dito ng may pagtitimpi.

Pagkuway pinapasok niya si Clyde.
"Clyde?" Halata ang gulat sa mukha nito habang binabanggit ang mukha ng pinsan niya.

"Sorry couz I thought you only like Taxen but this is crazy ... YOUR CRAZY OVER HIM.. akala ko ikaw ang unang minahal niya kaya ayaw mong lumalapit siya kay Zera not until I found out about the video."

"HOW DARE YOU DO THIS TO ME CLYDE I TRUST YOU" galit na galit na sigaw ni Mikee sa pinsan

"I'm sorry but I promise that I will help you in everything but not as bad as this couz " paliwanag ni Clyde sa pinsan.

"NOW.GET.OUT" sigaw ni Taxen kay Mikee

"I will not let that bitch to be happy. Kung hindi ka mapapasakin hindi ka magiging kaniya. Were not yet over baby" mapang-akit ngunit may pagbabanta sa boses nito.

Pagkalabas na pagkalabas nang magpinsan ay pinaharurot na ni Taxen ang kotse niya papunta sa pinagtatrabahuhan ni Zera.

Nakarating siya doon ng may pinagkukumpulan ang mga trabahante ng naturang cafe...

***

Nakarating na si Zera sa pinagtatrabahuhan pababa na siya ng bus ng makaramdam ng hilo.
"Naku miss ok ka lang?" Tanong sakaniya ng konduktor ng bus habang nakaalalay sakaniyang braso nang muntik na siyang ma out of balance habang pababa ng bus.

"Ok lang po salamat pasensiya na po" paghingi niya ng paumanhin sabay baba na ng bus.

"O siya sige miss ingat" sabi ng di naman katandaang konduktor bago nawala ang bus sa kaniyang harapan

Pagpasok niya ng cafe bumungad agad sakaniya ang mga katrabaho.
"Oh Zera akala namin hindi ka papasok ?"Sabi mo may sakit ka?"

"Okay lang ak---" pero hindi niya na natapos ang nais sabihin nang makaramdam siya ng pagkahilo at pagdidilim ng paningin.

Nakarinig siya ng mga sigaw ng mga kasamahan sa trabaho.
"Halla buhatin niyo dali "
" OMG! ang init ni girl juice colored" sigaw ni Rea nang dinama ang kaniyang noo.

Nakarinig pa siya ng mga taong nagsisigawan dahil sa pag-aalala sakaniya.

Pero bago siya mawalan ng malay narinig niya ang boses na hindi niya inaasahan.
"Fuck what happened give her to me"

At nawalan na siya ng ulirat.

Taxen RougeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon