Chapter 21

1.8K 26 1
                                    

Nakahinga ng maluwag si Zerathine ng makita ang anak sa harapan ng ice cream parlor. Dali dali siyang tumakbo dito at niyakap ito

"Baby san kaba nagpupupunta bigla ka nalang nawala sa likod ko?" Tanong niya sa anak na mangiyak ngiyak pa
"Sorry mama gusto ko po kasi talaga to eh" sagot ng anak niya sabay taas ng remote control car niya na wala ng lagayan

Sinuri niyang mabuti ito at halatang bago at mamahalin

"Anak saan mo nakuha ito. Hindi kita tinuruan para magnakaw tara ibabalik natin ito" sabay buhat niya sa anak
"Mama nabayaran na po to ng mabait na mama" naguguluhang tumingin siya sa anak
"Sabi niya magiging kaniya po itong mall tatay niya daw po yung may ari nitong mall pinagtanggol niya pa nga po ako eh " paliwanag ng anak niya
"Nasaan siya ng makapagpasalamat ako sakaniya, ikaw talaga anak buti mabait ang may ari nitong mall" tanong niya sa anak sabay ginulo ang buhok nito
"Ewan ko na po kung saan siya pumunta eh" sagot ng anak niya
"O siya sige uwi na tayo ha tapos ipagluluto ka ni mama ng chicken curry favorite mo yun diba?" Tanong niya sa anak sabay buhat sa mga pinamili niya at hawak ang isang kamay ni Xen sa kaliwang braso.
"Yeyyy!! Sige po mama" tuwang-tuwa na sagot sakaniya ng anak sabay nagtatatalon pa ito.

After kumain ng tanghalian ay naghugas na ng plato si Zera at namataan ang anak na nakaupo sa lapag at busy ito sa paglalaro ng bago niyang toy car.

Kinuha niya ang atensyon nito pagkuwan ay inilayo muna ang nilalaro nitong toy car.
"Anak halika lapit ka kay mama may sasabihin ako" kuha niya sa anak sabay pinaupo ito sa hita niya
"Ano po yon mama?" Tanong ng kaniyang anak habang nakanguso at nakatingin sa kaniya
"Anak maiintindihan mo naman siguro kung iiwan muna kita kay tita Rona mo dahil magtatrabaho ako diba?" Tanong niya sa anak
"Opo mama naiintindihan ko po na para rin po yun sakin , satin po diba po mama?" Sagot ng anak niya na parang iiyak

Inalo niya ang anak "shhh...baby don't cry na ha mahal na mahal ka ni mama always remember that okay" pagpapatahan niya sa anak
"I love you din po mama saranghae" pagkuwan ay sabi nito sabay halik sa pisngi niya ginantihan niya din ito ng halik at ibinaba na ulit sa lapag upang makapaglaro ito.

Pagkaalis ni Taxen sa mall kanina ay dumiretso siya dito sa office niya dahil napakarami niyang inaasikaso sa kanilang kompanya. Halos alas nueve na ng gabi ay tambak pa rin ang trabaho niya.

Nakadagdag pa ang pagkairita niya ng hanggang ngayon ay wala pa ring text si Zera kung nasan ito at kung pupunta ito sakaniya.
"Where the hell are you woman" sabi niya sabay putol ng lapis at itinapon kung saan.

Hindi na siya nakatiis at iniopen ang GPS niya pagkasakay niya sa kaniyang sasakyan para malaman niya kung nasaan ang babaeng nagpapabaliw sakaniya.

Hindi na magkandaugaga si Zera sa pagseserve ng mga customer sa loob ng bar pagabi na kasi kaya mas parami pa ng parami ang mga ito.
Sabay hindi pa siya komportable sa kaniyang suot dahil sa ikli ng palda na halos kalahati na ng hita niya ang nakikita at hapit pa ito sa baywang.

"Zera ito oh order sa VIP room pakidala naman doon oh ihing-ihi na ako eh " pakiusap sakin ni Nikka sabay abot sakin nung mga order isa sa mga katrabaho ko dito sa bar
"Sige anong room ba?"
"Yung C " sabi ng kaibigan sabay hawak sa pantog nito. Talaga ngang ihing-ihi na siya sa isip niya sabay napangiti dahil sa itsura ng kaibigan na pigil na pigil ang pag-ihi

Umakyat na si Zera sa room C sa VIP floor.

Taxen RougeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon