SI- Chapter 6

734 13 0
                                    

"Stupidly Inlove" by eyporil

CHAPTER 6

(Guerlain)

"I'm not." Bulong ko.

Ang wirdo nya talaga. Kahapon, nang tanungin ko kung okay lang sya, tinignan nya ako at sinabing paano kung katulad ako ng mama nya. Nabigla ako sa tanong nya. Pero bago nya ako tuluyang iwanan, hindi ko napigilan yung sarili kong sabihin na magkaiba kami ng mama nya.

Pero siguro tama nga si Arwen. That there are words better left unspoken. Kasi iniwanan nya parin ako sa park.

Haay... ang aga ko pa namang nagising ngayon pero nakahilata parin ako sa beloved kama ko kakaisip. Saturday ngayon kaya pahinga day. Pero yung utak ko, pagod na pagod kakaisip kung ano kayang possible na ginawa sakanya ng mama nya.

Biglang namang tumunog yung phone ko. Nang makita ko kung sino yung nagtext, napatayo ako kaagad mula sa pagkakahiga dahil sa excitement.

- From: Jomari<3: Nasan ka? -

Nagreply naman kaagad ako.

- To: Jomari<3: Sa bahay lang. Why? -

Ano naman kayang kailangan nya? Hmm... nakatitig lang ako sa phone ko, waiting for his reply. Kaso, mamumuti na ata yung mga mata ko ay wala pa ring nagrereply. Psh~ tetext text kung nasaan ako tapos hindi naman magrereply kapag tinanong kung bakit! Kakainis ka Jomari Aguirre!

Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok. Whew! Tinatamad pa akong bumangon.

"Pasok."

"Ate, may lalaking naghahanap sa'yo."

Napabalikwas ako sa kama ko. Omg. Hindi kaya? Waaah! Agad agad akong nagpunta sa banyo, nagtoothbrush at naghilamos. Nagpalit na rin ako ng damit. Omg. Omg. Omg. He's here!

Tumingin ako sa huling pagkakataon sa malaking salamin sa kwarto ko and voila... ang ganda ko na! I chuckled. Nababaliw na naman ako at kasalanan nya 'to.

Pababa na'ko ng hagdan nang marinig ko yung boses ng lalaki. Wait. Iba yun ah. Hindi yun kay Jomari.

"Mabuti naman at napadalaw ka Justin."

Justin. Justin. Justin?! Sht. Haay... nag-assume naman kasi ako kaagad. Bigla, nawala yung excitement ko. Feeling ko lalagnatin ako.

Si Justin, ex-boyfriend ko.

"What brings you here Mr. Yambao?" Pagtataray ko sa walang kwentang ito.

"Hi Guerlain." Sabay ngiti. Aba! Parang walang nangyari ah! Kapal nito.

"Bakit ka ba nandito kasi?!"

"Naistorbo ba kita?"

"Hindi naman. Pero ba't ka ba kasi nandito?"

"For you." Then he gave me a boquet of flowers. "I missed you so much." Dagdag pa nya.

"No way! Ikaw? Mamimiss ako? Hahaha!" Nakakatawa talaga sya eh.

"Guerlain, I'm sorry."

Bakit ba ang gwapo parin ng hayup na'to?! Tch. Kaya babaero eh. Nakakahiya naman kung hindi sya gwapo diba tas mambababae sya.

"Okay. Apology accepted."

Atleast, nagsorry na sya. Kasi naman sya pa galit nung nagbreak kami. Kapal diba? So ayun, walang closure. Isa pa, wala na akong nafefeel na kahit ano sakanya. Siguro kasi masaya talaga ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko.

"Ahm, Guerlain, pwede ka ba ngayon?"

"For what?"

"A date."

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon