SI- Chapter 14

669 12 0
                                    

"Stupidly Inlove" by eyporil

CHAPTER 14

(Guerlain)

Mag-isa akong umuwi dahil magcucubao si Verna at ako naman ay magpapapureza pa. Kaya tuloy libre akong makapag-isip ng mga bagay bagay.

Pero akala ko lang pala yun. Dahil may tumawag na naman saakin na unknown number. Hindi ako palasagot sa mga ganito pero dahil natuto na ako dati na maaring importanteng tawag ito kaya sinagot ko na rin.

“Yes? Sino ito?”

(Guerlain right?) ay shet inglesera.

“Yes. Who’s this please?” badtrip naman. Sana nagtatagalog.

(That’s not really the reason why I called. I just wanted to tell you that you have to be careful. Justin’s been lying to you guys. He’s done this before. Lying about his health just to get what he wanted. Whatever it takes, don’t let yourself fall for his trap.)

Then the call ended. The ef? Inglesera much. Hindi ko pa masyadong magets dahil sa accent nya. Pero hindi na rin ako masyadong nag-isip tungkol sa accent nya…

Si Justin. Nagsisinungaling nga kaya sya? Parang isang baliw lang ang makakagawa nun.

Tinext ko yung babaeng tumawag saakin.

Are you sure? Can we meet?

Kahit pa magdugo ng bongga ang ilong ko sa kakaenglish, malinawan lang sa mga pangyayari okay na ako.

---

Nakauwi na ako’t lahat pero hindi naman nagreply yung babaeng yun. Tinry kong tawagan pero hindi sinasagot. Ano kaya yun? Hinayaan ko nalang rin. Syempre tinext ko si my Loves.

Nakauwi na ako my Loves. Hart hart.

Pero as usual, hindi naman sya nagreply saakin kaya hinayaan ko nalang rin. Sanayan lang yan kumbaga. Nag-online nalang ako tutal hindi pa ako nagugutom eh. Eksakto naman pagbukas ko ng facebook ko nakita ko yung Jomari Aguirre is now friends with Janina de Casto. Mukhang foreigner ito. Sino naman kaya yun??? Napaka unusual naman kasi na nag aadd ng friend si Jom dahil hindi naman sya pala online. Huling tingin ko nga sa timeline nya eh ang last post nya ay last year pa. O diba? Tamang namumundok lang sya.

Minessage ko sya sa fb para tanungin kung sino yun kahit na offline sya.

Sino si Janina haaa? Ikaw talaga my Loves!!! </3

Hinayaan ko nalang rin tutal naman hindi masyadong mahalaga si Janina dahil baka pinsan nya naman pala at mapapahiya pa ako. Pero syempre bilang girlfriend hindi mawala sa isip ko na baka hindi nya kamag-anak lalo na nang makita ko yung tagged picture kay Jom... picture nilang dalawa nung Janina na yun at talaga… kakaiba. May caption pang… “Remember when we were still together?”

Nilike ko yun. Para naman malaman nilang dalawa na nakita ko yun.

---

“Baka naman friends lang? Taga ibang bansa sabi mo diba? Liberated lang siguro.” -Jean

“Katanggap tanggap ba yun? I mean… lalandi rin sya porque liberated?”

“Lalaki sya girl. Anong ineexpect mo? Virgin pa sya?” –Mich

“Patingin nga ng picture nila?” –Arwen. Nang ipakita ko sakanya ang piture kung saan magkayakap sila at nakakiss sa cheeks ni my Loves yung Janinang hilaw na yun at ngiting ngiti pa talaga yung Aguirre, biglang nanlaki yung mga mata ni Arwen. “Sya pala yun? Yung madalas nilang pag-usapan dati nung high school pa kami. Pero sa pagkakaalam ko kase childhood friend sya ni Jomari. Hindi ko nga alam na may ganyan pala silang picture?”

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon