SI- Chapter 18

601 10 0
  • Dedicated kay Verna De Leon
                                    

"Stupidly Inlove" by eyporil

CHAPTER 18

(Jomari)

Dumaan muna kami sa studio dahil sinabi ko sakanyang may kukuhain ako. Hindi na sana sya sasama sa loob dahil sasaglit lang naman ako pero sabi ko sumama na sya dahil siguradong hindi nya gugustuhing maiwanan mag-isa sa kotse ko. Sumama naman sya.

Yung sinabi ni Janina kanina ang nagparealise saakin kung gaano ako katang@. Hindi ko naman gustong mawalan sya ng tiwala sa sarili nya. Kasalanan ko nga talaga kung bakit sya nagkaganun. Selosa at naging insecure pa tuloy sya.

"Uy Jom. Buksan mo naman yung ilaw!"

Naramdaman kong lumapit sakin si Guerlain. Bigla naman akong nakaramdam ng hindi dapat. Takteng yan. Bakit ngayon pa?!

"Hoy ano ba yung kukunin mo? Buksan mo kaya yung ilaw para makita mo diba??"

Hindi ko parin sya pinapansin sa reklamo nya at naglakad papunta sa hagdan. Umakyat kami sa recording studio sa taas at madilim nga talaga. Mas madilim kaysa sa baba kaya nilabas ko yung cellphone ko para may liwanag kahit kaunti.

"Jom! Buksan mo na yung ilaw please!" Tapos napakapit na sya ng mahigpit sa braso ko kaya naramdaman ko yung ano nya. Pucha.

"W-wag na. Sayang kuryente."

Pumasok kami sa loob ng studio. Wala naman talaga kasi akong kukuhain pero nilapitan ko nalang yung instruments at sya naman ganun parin...nakakapit parin ng matindi saakin.

"Ano ka ba?! Ang dilim dilim kaya paano mo makikita yung kukunin mo!"

Hindi ko parin sya pinansin at nagpatuloy sa paghahanap kuno ng kukuhain ko. Naramdaman ko nalang yung panginginig ng kamay nya. At naramdaman ko naman ang panginginig ng katawan ko...pero hindi sa natatakot ako dahil alam kong ito yung trip ng mga mokong. Nanginginig yung katawan ko dahil...lalaki ako.

Sa hindi pa malamang dahilan bigla nalang syang pumunta sa harap ko at napayakap ng mahigpit saakin. Lalo lang tuloy akong nahirapan. Peste. I certainly got a taste of my own fcking medicine.

"Jom naman eh!!!" Sabi pa nya.

"Ano na naman ba?!" I hissed.

"May kumalabit kasi saakin! Buksan mo na yung ilaw please."

"Bumaba na tayo. Wala dito eh."

Maya-maya pa, may sumisitsit na. Tapos may kumalabog pa dun sa may drum set banda.

"Waaah! May multo dito! Umalis na tayo!!!"

"Hindi pwede. May kukuhain pa nga ako."

"Ano ba kasing kukuhain mo ha?" Nakayakap parin sya saakin kaya hindi tuloy ako makagalaw para makaalis na kami dito at nang makababa na.

"Umayos ka nga. Bababa na nga tayo." Lumayo naman sya ng kaunti kaya nakapaglakad na kami pababa pero nakakapit parin sya ng mahigpit sa katawan ko...nakayakap pala instead.

Pagbabang pagbaba namin dumiretso kaagad kami sa entertainment room at kahit ako hindi ko maiwasang magulat dahil bigla nalang bumukas yung ilaw and there stood infront of me...the most epic face of Billy.

Syempre pinagtawanan nila ako. I actually wanted to punch him right there pero sya ang pinaka tumulong saakin para maayos 'to.

When I looked at Guerlain, she was...shocked of course.

"O bakit kayo nandito? Hala! Akala ko umuwi na kayo?"

"Akala rin namin eh. Kaso may van na white na pumarada sa harap namin!" -Arwen

"Akala namin yung kumikidnap ng mga bata eh napasigaw pa tuloy ako nung bumukas yung pinto." -Pitchie

"Sabi ba naman ni Pitchie, OMG! Hindi na fresh ang livers namin dahi sa katol!!!" Sabi ni Verna, syempre lahat kami nagtawanan na.

"Itong mga mokong na'to lang naman pala. Tapos sabi nila may party raw." -Jean

"Syempre kami go rin since kasama na nila sina Eileen at Jiyong. Ang weird nga eh. Paano nyo sila nakuha? I mean...paano nangyari yun diba? May background ba kayo sa kidnapping? Really?" -Mich

"Hindi naman kasi sila lumabas ng Trinoma eh. Basta everything's planned. Bawat isa sainyo may bantay kaya walang makakatakas." Ngiting ngiting pag-explain ni Billy tapos tinignan nya ako...at alam ko na gusto nyang sabihin saakin na ang galing galing nya kaya nginisian ko lang sya. "Si Jom talaga ang nagplano nito. Para makabawi raw sa pinakamamahal nyang si Guerlain na may period ata dahil sa mood swings."

They all laughed at her misery when she blushed all the way. Binatukan ko naman si Billy. Sira ulo talaga.

Siniko ako ni Guerlain pero halatang nahihiya parin sya. "Bakit mo naman sinabi? Tsismoso ka." Bulong nya.

"Eh hindi ko na alam yung gagawin ko sa'yo eh. Nalilito na ako sa kinikilos mo. Kaunting kibot nagtatampo ka." Nagpout naman sya.

"Nakakahiya."

"Psh~ mahiya ka talaga noh. Inistorbo ko sila para dito." And as if her life depended on me, she hugged me tight that I can hardly breath. Kung minsan naiisip ko, sa liit ng babaeng 'to, saan nanggagaling yung lakas nya?

"Thank you my Loves!"

I hugged her too. "Okay na ba tayo?"

Humiwalay sya kaunti, curiosity filled her face. "Hindi ba tayo okay?"

Hinilamos ko yung mukha nya. "Ang gulo mo talaga."

Hindi ko na rin siguro ginagamit yung utak ko dahil niyakap ko rin sya ng mahigpit. Nakakagigil sya sa totoo lang. At ewan ko ba...parang ang sarap sa pakiramdam na kayakap ko sya.

"Ehem! May nagmomoment na! Kumain na nga tayo!" -Chris

"Anong movie ba gusto nyong panuorin?" Tanong ni Lloyd kaya si Eileen lumapit sakanya at iniwan yung koreanong hilaw na feeling ko naaout of place na.

"Basta kami kahit ano lang. Diba Arwen? Tsaka ang importante nandito tayong lahat at magpapakabusog! Kaya mag-enjoy nalang tayo! Cheers!!!" Sabi ni Josh na todo kung makaakbay kay Arwen.

And yes, we did enjoyed the night. Not until...I realised and asked these monkeys kung sino yung tao sa taas...na kumalabit kay Guerlain, sumitsit at nagdabog sa may drum set when in the first place all of them are here inside the entertainment room.

***

>>> maiksi ang isang ito hahah hanggang dito palang yung naeedit ko so hintay hintay lang ha? Salamat sainyo :))) -ey

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon