SI- Chapter 13

694 12 0
                                    

"Stupidly Inlove" by eyporil

CHAPTER 13

(Guerlain)

"Sino ba'ng may sabing wala?"

O. M. G. Bigla akong pinagpawisan ng matindi. Pero parang malamig naman. Feeling ko nawala lahat ng dugo ko sa katawan eh. Buhay pa ba ako?

Lahat kami, tahimik lang. Walang nakapagsalita sa sinabi nya. Hanggang sa hinatak nya ako paalis ng lagoon.

"U-uy... s-saan na tayo pupunta?"

Pero hindi parin sya nagsasalita. Patuloy lang sya sa paghatak saakin. Tsaka ko lang napansin yung sugat nya sa kamay. Siguro dahil sa pagsuntok nya kay Justin. Kahit na nakakaawa si Justin... wala eh... si Jomari... sya lang talaga.

Agad akong napatingin sa gwapo nyang mukha. Bakit ang gwapo ng nilalang na'to? Akala ko puro lang sya kalokohan dati pero may dahilan naman pala kung bakit sya ganyan... he's broken inside. Hirap syang magtiwala sa iba pero heto ako at pinakatiwalaan nya kahit paano.

"Wag mo akong titigan ng ganyan."

"Naalala ko, sinabi mo saakin dati na after ka tantanan ng mga crazy fans mo, ititigil na rin natin ito." Agad syang huminto sa paglalakad at humarap saakin.

"Gusto mo ba'ng tigilan na natin?" Seryoso nyang tanong. Ang totoo, masyadong seryoso.

Umiling ako kaagad. "Syempre ayoko."

Naglakad na ulit sya kaya nahatak na naman ako. "Ayoko rin naman."

Dahil sa sinabi nya, kinilig na ako ng bongga. Hindi ko na nga napansin na nakarating kami sa isang mall malapit sa school namin dahil sa kilig ko eh at pati na sa pag-iisip sa future naming dalawa ni my Loves.

"Anong gagawin natin dito???"

"Basta." Hinatak nya lang ako ng hinatak hanggang sa mapunta kami sa harap ng isang jewelry store. Omg.

"Bibili na ba tayo ng engagement ring?" Biro ko. Nagsmirk lang sya at pumasok na nga kami sa loob ng store.

And guess what? He bought me something.

***

(Ericka)

Hindi man naging effective yung naging plan namin ng palpak na Justin na yun... atleast kahit paano nakaganti na ako sa Jomari na yun through his fake girlfriend. For sure, magsisisi sya na dinamay nya pa ang babaeng yun sa kalokohan nya dahil hindi basta basta titigilan ng mga baliw nilang fans ang Guerlain na yun. Goodluck nalang sakanya.

Isa pa, sinabi rin saakin ni Justin na may plano pa raw sya at maghintay lang raw ako ng signal nya. kung ano man yun, ipagdarasal kong hindi sya pumalpak.

***

(Guerlain)

“Hindi ko parin magets kung bakit anklet?” –Pitchie

“Oo nga? Bakit anklet pa? Ang dami namang pwede dyan.” –Mich

“Malay naman natin kung may meaning yun diba?” –Eileen

Hindi na ako nagsalita. Nakanguso lang akong nakatitig sa anklet na binili saakin ni my Loves. Bigla naman akong napangiti nang maaalala ko yung sinabi nya saakin paglabas namin ng Jewelry store dahil halatang nalungkot ako sa thought na hind engagement ring ang binili nya.

“Don’t tell me umasa ka talagang engagement ring? Assuming ka rin talaga eh noh? Ito na muna. Atleast, nakatago. Hindi nila mapapansin na pareho tayo ng anklet. Hindi rin nila tayo aasarin ng aasarin.”

Oo, medyo nadisappoint ako pero yung fact na pareho kami ng anklet… naging sobrang saya ko rin naman. Wala man makakaalam na nagmamahal kaming dalawa, alam ko namang saakin lang sya.

Ako na talaga ang sobrang assumera diba?

Naputol naman ako sa pag-iisip nang itulak ako ng mahina ni Eileen.

“Parang baliw na tong isang to oh. Ngingiti ngiti ngayon ng mag-isa.”

“At least ako masaya. Kayo ba?” Sabi ko habang ngiting ngiti sa kanila.

“Ako? Okay naman.” Si Mich sabay tawa ng parang may masamang plano. Parang hindi sya eh pero ito siguro ang nagagawa ng may Joey Hugh sa buhay?

“Well… ako okay lang rin naman. Dean’s lister naman ako kaya bakit hindi ko magiging masaya diba?” Si Verna pero mukhang hindi naman sya masaya. Isa pa, hindi naman nab ago saamin na Dean’s Lister sya eh. Napanguso nalang ako.

“Kayo Eileen, Arwen at Pitchie?”

“What about us?” –Pitchie

“Masaya ba kayo?”

Nagkibit balikat lang si Pitchie sabay nagpasak ng earphones sa tainga nya. Si Arwen naman itinaas ang dalawang kamay nya na para ba'ng sinasabing I’m-not-gonna-say-anything at nagpatuloy sa pagtetext. Si Eileen naman, tinignan lang ako.

Okay? Tingin ko naman masaya sila. Siguro?

“Eh diba okay naman kayo ni Josh ha Arwen?” biglang tanong ni Mich

“Huh? Hindi ah. I mean, hindi naman kasi kami nag-away nun.”

“So anong meron? Anong nangyari sainyo?”

“Wala naman. Kayo ba ni Joey? Kamusta naman? Kailan kasal nyo?” at dahil dito, natigilan na sa pangiinterogate si Mich kay Arwen.

“Pero oo nga, ano ba'ng nangyari sainyo?” tanong ko

“Wala. Basta bigla nalang akong hindi nagpakita sakanila. Ganun.”

“Ganun lang?” –Verna

“Mahirap kasi kapag sikat na sila. Basta magulo. Isa pa, bata pa kami nun. Syempre immature talaga ang mga tao sa paligid nyo. Immature pa kayo. Ang daming nagagalit sa’yo. May mga mabait rin naman kasi kailangan ng number ng bawat member ng banda. Kasi gusto rin nilang sumama tuwing makikipagkita ako sa pasikat na Insignia. Pero yun pala, iniisip na nila na epal ka. Na feeling close ka sa kanila. Na feeling sikat ka rin kahit ang ginawa mo lang naman ay sumuporta sa mga kaibigan mo.”

Natigilan kami sa narinig namin dahil saw akas nalaman na namin ang nangyari. Bigla akong napaisip, kinuyog rin kaya dati si Arwen dahil kay Josh?

“Naalala ko pa dati, may mga babaeng lumapit saakin galing sa Fastest Earning Academy na tinanong ako kung kaano ano ko raw ba si Josh. Maayos naman sila nung una pero nung nagtagal na, naging bayolente sila. Hindi ko na maalala kung paanong napunta sa ganoong sitwasyon basta sinaktan nila ako phsysically.”

Dagdag pa ni Arwen na parang sagot na rin sa unspoken question ko.

“Nalaman ba nila yung nangyari sayo?” tanong ni Jean na halatang nainis sa nangyari kay Arwen. Sino ba naman ang hindi? Kahit ako alam ko yung experience na yun. Yung bigla ka nalang sasaktan ng mga taong hindi mo naman inaano at hindi mo kilala.

“Oo. Nalaman nila yun. Nagalit si Josh. Nagalit sila. One month silang huminto sa pagtugtog. Hindi nila pinapansin yung fans nila dahil sa galit. Hanggang sa isang araw kinausap ako nung president mismo ng may hawak sa kanila na Recording Company. At napaisip ako pagkatapos noon na bakit ko nga ba pinipilit yung sarili ko?”

Hinintay pa naming ipagpatuloy nya yung kwento pero mukhang wala na syang balak ituloy pa. Siguro dun na nga natapos.

Natapos yung araw namin nang ganun. Walang masyadong tawanan since alam naming masakit yung nangyari sa kanila. Nasira yung friendship nila eh.

***

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon