SI- Chapter 9

724 13 0
                                    

“Stupidly Inlove" by eyporil

CHAPTER 9 

(Guerlain) 

Medyo tinanghali ako ng gising dahil wala naman akong pasok ngayon. Isa pa, ang sarap matulog eh. Lalo na't napanaginipan ko yung nangyari noong isang araw. Haaay~ 

I checked my phone after kong mag-ayos ng sarili. Puro group message lang naman kaya dinelete ko na agad. Pero... may dalawang text si Jomari! 

From: Jomari<3 

March 17, 2012 1:43am 

Text mo'ko kung bored ka na sa buhay mo. Ge. 

My golly!!! He texted me at 1:43am? Waaah! Bakit?! Bakit kinikilig ako ng bongga? 

Eh ano kaya itong pangalawang text nya? Hmm... agad ko namang binuksan. 

From: Jomari<3 

March 17, 2012 7:13am 

ANG TAGAL MO GUMISING! KANINA PA AKO NANDITO!! 

Huh? Nandito? Saan?! Dito sa bahay namin?! 

Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala o hindi pero agad naman akong bumaba. Kinakabahan ako kasi baka mahurt na naman ako sa pag-aassume. 

Pero nang makababa na'ko, napalitan ng sobrang saya yung kaba ko. Nandito sya! Kausap nya ang mama ko at nakangiti pa sya! Omg! Kinikilig na naman ako eh! 

Pinuntahan ko na rin sila para naman makita ko ng harapan si my Loves. Shocks! Bakit ang gwapo gwapo gwapo naman ng lalaking 'to?! 

"O anak, nandyan ka na pala. Ikaw na ang bahala sa bisita mo. Aalis muna ako." 

"Huh? Saan ka pupunta ma?" 

Pero imbes sagutin ako ay kumindat lang ito saakin. Ang weird ng mama ko ngayon. 

"Sige ma. Ingat nalang." 

"Sige. Oh Jomari, ikaw na ang bahala." Sabi nya kay Jom. 

"Opo. Ingat tita." 

Omo! Ano kaya'ng pinag-usapan nila? Alam na kaya ni mama? Pero sabi nya naman kanina ako na ang bahala sa bisita ko. 

Hinatid ko si mama palabas ng gate at nang makaalis na sya syempre nilock ko yung gate. Walang ibang tao ngayon dito saamin dahil Friday at may pasok pa ang mga kapatid ko at papa ko. Ako naman, wala talagang pasok pag ganitong araw. 

Pagbalik ko sa loob ng bahay, tinignan lang ako ni Jom ng masama. 

"Ano na naman?" 

"Bakit ang tagal mo naman gumising ha?!" 

"E-eh... kasi~" 

"Nagpuyat ka?" 

"Hindi ako makatulog eh." 

"Siguro kasi iniisip mo ako noh?" Tapos nagsmirk sya. 

Hala? Paano nya nalaman? Haay~ nahirapan lang naman ako makatulog mula nang mangyari yun eh. Phew! 

"Mag-ayos ka na! Pacute ka na naman eh." 

"Eh saan naman tayo pupunta?" 

"Pupunta tayo samin." 

O. M. G. Ipapakilala nya na ako sa parents nya!!! Aww~ 

"What?! Para kang timang dyan. Kumilos ka na kaya? Dalawang oras na nga ako naghintay dito sa paggising mo palang." 

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon