SI- Chapter 16

619 9 0
  • Dedicated kay Joyce Macapagal
                                    

"Stupidly Inlove" by eyporil

CHAPTER 16

(Guerlain)

“Uy pwede ba kayo mamaya after class?” tanong ko kina Eileen, Jean, Mich at Pitchie. Dahil wala kaming first class ngayong araw na’to kaya napagpasyahan naming magkitakita sa madalas naming tambayan everytime na walang klase.

“Bakit G?” –Jean

“Kasi gusto ko sanang ayain kayo na magmall. Wala lang.” tapos nagkibit balikat ako. Si Pitchie naman napatingin saakin na parang isang baliw na nilalang.

“Anong nangyari? Good mood ka ata?” –Pitchie

Napangiti nalang ako bilang sagot. Sino bang hindi magu-good vibes sa mga pinaggagawa namin kahapon ni my Loves?

“There’s something you’re not telling us.” –Mich

“Kahapon kase...nagpictorial kami ni my Loves.” Sabay tawa ko. Hindi ko talaga mapigilang matawa sa pinaggagagawa namin kahapon pati yung wacky shots namin kahit na ako lang naman talaga yung naka wacky face at sya as usual, straight faced. Pero may mga pictures rin naman kaming matino. As in yung nakasmile talaga sya. Kapag naaalala ko yung smile nyang yun, feeling ko matutunaw ako eh.

“Hoy! You’ve got your dreamy eyes again. Gross. Eh ano ba yang pictorial na yan ha? For what?” –Jean

“Wala lang. Para saamin lang. Kasi nagtampo ako sakanya dahil sila nung babaeng hilaw may picture at nakakiss pa sa cheeks nya. Ako hindi man lang nya mapagbigyan kahit isang take lang.” then I pouted.

“Ang drama girl!!! Ikaw na pinagbigyan ng bonggang bongga!” –Pitchie

“Patingin naman ng pictures nyo!!!” –Jean

Pinakita ko sa kanila yung cellphone ko...syempre bumungad agad yung pinakapaborito kong shot namin...yung nakaakbay sya saakin habang nakasmile at saakin sya nakatingin habang ako sa camera nakatingin. O diba? Ang ganda ko!

“Wow ha. Mukhang napilitan yung isa eh!” tapos natawa si Pitchie. “Pero yung fact na pumayag sya...hmm...totoo na ba ito ha G?” dagdag pa nya.

“Siguro...sana…” nakangiti kong sagot.

“Tingin ko naman oo eh. Kasi diba last time sa lagoon? He asked us kung sino bang may sabi na wala syang nafefeel for you? Ayiiie…” sabi ni Jean. Syempre kinilig na naman ako to the bones.

“Goodness!! Look at this one! Tamang wacky ito si Guerl pero look at Jomari’s face. I think nabwisit sya sa idea na magwacky kayo.” Sabi ni Mich kaya pati kami nahawa sa tawa nya.

“Totoo, nabwisit talaga sya dyan eh. Kasi bakit raw may wacky wacky pa. Pero sabi nya kasi saakin magpapapicture kami hanggang sa magsawa ako kaya ayan napilitan nalang sya.”

“Well I guess hindi lang tayo ang nakakakita ng pictures nyo sa pictorial na yan.” Sabi ni Eileen. Then pinakita nya saamin yung laptop nya. Of course laging updated si Nini dahil online writer sya, she’s always on the internet. Pinakita nya saamin yung fanpage ng Insignia Lovers tapos nandun nga yung pictures namin ni Loves!

Ang caption pa ng admin is, ‘This is legit girls! Don’t feel bad though. Maging happy tayo for them!’

May isa pang nagcomment kung saan raw galing ang pictures and the admin replied na galing mismo...kay Jomari.

“Wow. Sya pa mismo ang nagpadala ng pictures nyo sa fanpage na yan ah?” –Jean

“Well...that’s the indication. They’re a real thing now.” -Mich

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon