SI- Chapter 11

769 12 0
                                    

"Stupidly Inlove" by eyporil

Chapter 11

(Guerlain)

"She's Jomari's mom."

"H-his mom?" Pero I thought...

"Yes. His biological mom."

"You mean..."

"I'm his step-mom. Yes. But I love them both. They're... special."

Tinignan ko ulit yung malaking painting. Yung magandang babae. Oo nga, she somehow resembles Jomari. I think, it's the eyes and her lips. Kaya pala nang una kong makita si Tita Agnes, hindi sila magkamukha ni Jomari.

"Pero Tita nasaan na po sya?"

"She left them. For some reasons. Selfish reasons." Bitterness is obvious in her voice. Siguro dahil mahal nya silang mag-ama.

Ano naman kaya yung selfish reasons na yun? Hay naku. Nacucurious ako kaso nakakahiya naman makitsismis kay Tita.

"Ahm. Tita, bakit mo nga po pala ako gustong makausap?"

"Para ipaalam saiyo na hindi ko hahayaang gamitin ang anak ko sa kung ano mang kalokohan mo. Just like what his mom did to his dad."

Sa gulat ko, hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat sabihin. Isa pa, ako kaya yung ginamit. Luh? Sabihin ko kaya sakanya? Kaso... dapat si my Loves ang magsabi nun.

"Kung ganoon rin lang, mabuti pang layuan mo na ang anak ko. I'm sure he doesn't want another person enducing displeasure to his life anymore."

Wait. What? Ang lalim naman ata ng english na yun! Someone to enduce displeasure to her son's life?

"Tita, ano po ba'ng ibig nyong sabihin? Pwede po'ng pakitagalog?" I think nainis sya dahil tinaasan nya lang ako ng kilay. "Biro lang po. Syempre po... hindi naman po ako user."

Tinignan ko si tita Agnes and I guess she's waiting for my explanation. Kaya nagsalita pa ako.

"Ang totoo po nyan... matagal ko na pong crush si Jomari. Super fan nga po nila ako at crush na crush ko po talaga sya. Kaya nga po nang makita ko sya sa lagoon one time na nalate ako, sobrang tindi po nag kaba ko noon at hindi na nga po nakapagfunction ng maayos yung utak ko. Kaya rin po siguro kahit anong ipagawa nya, basta kaya ko, ginagawa ko lang. Para lang po, makasama ko sya. Kahit na ang sungit sungit nya, okay lang saakin kasi atleast kahit sa ganoong paraan lang nakakausap ko sya tsaka nakakasama. "

Bigla, nakaramdam nalang ako ng lungkot. Kapag nagtagal, magsasawa rin si Jom. Iiwanan nya rin ako sa ere. Lalo na kapag hindi nya na ako kailangan. Parang ang sakit naman nun. Pero yun naman talaga ang purpose ko sa buhay nya. Yung kapag kailangan nya ng ihaharap sa mga babaeng naghahabol, dapat nandyan lang ako. At kapag hindi naman, nganga nalang ako sa tabi.

"Mahal mo na ba ang anak ko?"

"Mahal ko po sya." sagot ko.

---

(Jomari)

"Jomenggoy! Ano yang nginingiti ngiti mo ha?" Tanong ni Billy. Hmm... magkasama sila ni Pitchie sa living room. Kawawang Pitchie. Napailing nalang ako.

"Huy! Ano na?" muki nyang tanong.

"Ano?" Tanong ko sakanya.

"Sabi ko, bakit ka ngiti ng ngiti?"

"Masama ba?"

"That's bad when you're all alone."

"Well, I ain't alone dahil nandyan naman kayo. Nasaan na nga pala yung ibang unggoy?"

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon