SI- Chapter 7

709 16 1
                                    

*** Si Jomari ulet sa side XD

“Stupidly Inlove" by eyporil

CHAPTER 7

(Guerlain)

Three days na mula nang mangyari yung sa wildlife. Eh sa nakakatawa eh ayun nagalit tuloy si my Loves Jomari at nilayasan kami. Hindi nya pa rin ako tinatawagan o tinetext. Omg. Hindi kaya... dahil hindi nya na ako kailangan? Waaah! Hindi pa ako ready! Hindi ko pa nga natsatsansingan yung lokong yun eh! Kainis naman!

Wala naman kasi talaga akong nakita noong araw na yun. Kasi... sa upper part naman ako nakatingin... sa face nya. Eh nung sinabi kong may maputing ano akong nakita, ang priceless talaga ng mukha nya. Kaya mas natawa ako. At si Justin naman, syempre alam nyang pinagtripan ko lang si Jomari that time dahil kilala nya ako at may pinagsamahan naman kami kaya alam na alam nya kung seryoso o hindi ako.

Pero si Jomari... haaay. Bakit ba kasi pinagtripan ko sya? Ayan tuloy.

Naalala ko tuloy yung sa birthday party ni Justin. Hindi na kami nagkakilala ni Jomari kasi paglabas ko ng cr ay hindi naman rin ako nakapagpalit. Eksakto namang tumawag rin yung mama ko na may emergency daw. And since naibigay ko naman na kay Justin yung gift ko, kaya nagpaalam na'ko kagad. Isa pa, halos mga lalaki kaya sila dun at konti lang babae. Yung ibang couples, may kung ano ng ginagawa eh.

"Well! may BOB (Battle ofthe Bands) raw mamaya ah." Si Verna. 'Well' ang tawagan nila ni Arwen kasi yun ang madalas nilang expression kapag bumibilib na naman sila sa sarili nila. Malakas rin kasi sila mangtrip eh kaya kapag may kalokohan sila, napapa-'Well' nalang sila.

"Talaga? Nood tayo." Sagot ni Arwen.

Si Arwen at Verna, mga aspiring basist at lead guitarist kasi. Oo, plano nilang bumuo ng banda. Kaso dahil sa busy sched, wala pa ring nangyayari.

"San raw pala yun?" -Arwen

"Sa oval raw well... excited na'ko! Hahaha!" -Verna

"Ba't ka naman naeexcite?" Sabat ko.

"Eh? Nandun Insignia! Hindi mo ba alam?" -Verna

"T-talaga???"

Teka nga! Bakit alam nya yun at ako hindi? Omg. Napag-iiwanan na ata ako ng balita tungkol sa Insignia. Waaah! Kasalanan 'to ni Jomari eh. Sya ng sya kasi naiisip ko these past few days. Haaay~

"Eh Verna... hindi ka naman fan ng Insignia diba?" Pagtataka ko.

Bakas naman sa mukha nito ang pagtataka. "Sinong nagsabi?" -Verna

What!? Pero ang alam ko hindi talaga sya fan eh! Sya pa nga madalas yung nanlalait sakanila kapag nagkukwento ako sakanila. Siguro dahil...

"Si Chris?" Panghuhula ko.

Hindi naman ito sumagot pero ngumiti ng sobrang sweet. Omg. Anong nangyayare sa mga kaibigan ko?!

Biglan may lalaking lumapit saamin, si Billy pala.

"Girls, nakita nyo ba si Pitchie? Oh, hi Arwen!" Pagkatapos ay nakipaghigh-five pa kay Arwen. Hindi naman nagdalawang isip si Arwen na sagutin yung high-five na yun.

"Long time no talk Bil ah!" Bati ni Arwen.

"O nga eh. Ikaw kasi hindi nagpapakita. Miss ka na ng mga unggoy." Ngumiti lang si Arwen pero isang malungkot na ngiti.

"Oo nga pala, nakita nyo ba si Pitchie?" Muli nyang tanong.

Ako na ang sumagot. "Kanina pa namin sila hinihintay eh. Bakit~"

"Ganoon ba? Sige una na ako. Nood kayo mamaya ha! Bye bye!"

Si Verna kay Chris at si Pitchie kay Billy naman. O. M. G.

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon