Epilogue

815 19 4
                                    

Stupidly Inlove by eyporil

EPILOGUE

Sabi nila ang Crush, paghanga. Saglit lang yang nararamdaman. Mabilis mawala.

Ang Love, paghabangbuhay. Yung tipong kahit anong pagsubok pa ang ibato sainyong dalawa ng partner mo, walang makakatibag sa pagmamahalan nyo. Kahit pa against yung buong mundo sainyong dalawa basta magkasama kayo, walang makakatalo.

Ganun. Ganun ko sya naexplain sa sarili ko.

"Jom! Kumuha ka ng gravy. Oh dito sa baso ko." Binigay ko sakanya yung baso ko, nainum ko na rin kasi yung softdrinks ko. Dumiretso kami sa gravy station pagkabigay ng order namin dito sa KCF.

"Nakakahiya!" Reklamo nya sabay kamot sa ulo pero pinagtulakan ko parin sya. Kukuha na si Jom ng gravy sa munting baso ko na 8onz lang naman...

"Sir bawal po yan. Kung dine in po pwede kayong kumuha ng marami pero sir pag take out may bayad na po." Sabi ni manong guard. Nainis naman ako sa kadamutan nila.

"Aba! Anong pinagkaiba aber?! Mas malaki ba yung tax na binabayaran pag dine in kesa take out?!"

"Guerlain nakakahiya." Bulong ni Jom. Hinahatak nya na rin ako palabas.

"Hindi eh. Unfair yun. Mas marami pa kaming binili kumpara kay kuya oh!" Sabay turo sa isang kumakain na one piece chicken lang naman with rice ang binili pero sandamukal sa gravy! "Tapos bawal kami kumuha ng gravy kahit na tatlong bucket ng chicken ang binili namin, may sampung spaghetti pa, isama mo na rin yung mga fries at may kanin pa at kung anu ano pa na halos bilhin na namin lahat ng meron dito pati na ikaw kuya! Tapos ano yun? Bawal?! Kadamutan! Sana yumaman kayo sa gravy nyo!"

Tapos naglakad na ako palayo. Grabe ang damot sa gravy!

"Nakakahiya yung ginawa mo. Ano ka ba?" Sabi ni Jom nang nasa parking lot na kami.

"Gusto ko lang naman ng gravy."

"Edi ibibili kita. Hayaan mo na yun. Next time yun nalang bibilhin ko para sayo." Halatang naiinis sya. Haaay...

"Ito naman. Tsaka ang damot nila. Mali ba yung sinabi ko? Pareho lang naman ang binabayaran ng take out at dine in ah?"

"Oo na. Oo na. Tara na nga." Dumiretso na kami sa kotse nya at nilagay yung ibang paper bag tapos may binalikan pa pala sya dun sa loob. Bigla akong naguilty. Syempre nakakahiya yung ginawa ko sa part ni Jom.

Hinintay ko lang sya sa loob ng kotse. Nang nakabalik na sya...omo!!!

"Nagsorry yung guard tsaka nakausap ko yung manager. Nagsorry rin. Kaya ito, binigyan nila tayo ng tatlong baso ng gravy. Happy now?"

Ngiting ngiti ako. Oo sobrang saya ko! Shet! Tatlong baso ng gravy?! Akin lang ito! Asa naman sila Arwen na bibigyan ko sila. Wahahaha!

Nilagay nya na sa likod yung gravy at nagdrive na. Ako naman hindi ko mapigilang ngumiti. Naeexcite na ako sa gravy ko eh.

"Aray!!!" Ayun lang nasabi ko ng pisilin ni Jom yung pisngi ko.

"Ngiting ngiti ka ah. Ganun ba kaimportante sayo yung gravy na yun ha?"

"Oo naman!"

"Mas importante pa saken?"

"Asa! Hindi noh. Tsaka yun nakakain, magkaiba kayo.”

"Pwede naman."

"Huh? Anong sinasabi mo dyan?! Ang bastos mo Jom ha! Bata pa tayo!"

"Ikaw ang bastos. Kung anu anong iniisip mo. Ang sinasabi kong pwede naman eh yung pwede namang magkatulad kami na importante sayo."

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon