SI- Chapter 10

715 14 4
  • Dedicated kay Tonette Gutierrez
                                    

"Stupidly Inlove" by eyporil

Chapter 10

(Guerlain)

"I think he's gay. Ang arte nya ha grabe. Hindi ka dapat pumapayag na ginaganun ka nya." -Mich

"Ganun lang talaga sya." Matipid kong sagot.

"So hahayaan mo nalang sya?"

Hindi ko nasagot si Mich, I just pout all the way to Manila. Kidding aside, nasanay na rin siguro kasi ako na ganoon makitungo saakin si Jomari.

"Hay naku! Magpalit ka na nga ng panligo. Show your sexy body off to that freak." Mich stated. Rolling her eyes, she strolled inside the bathroom.

Oo nga pala, pag-alis namin kanina doon sa hall, agad kaming dumiretso sa kwarto ko kanina para kuhain yung mga gamit ko at lumipat sa kwarto nina Mich. So ayun, inilabas ko na yung swimsuit ko sa bag ko at pagkatapos ni Mich ay nagpalit na rin ako.

Ilang minuto lang, after naming magselfie ni Mich ay dumating na rin sa kwarto sina Jean, Verna, Eileen, Pitchie at si Arwen para magpalit.

"Ang lamig pa naman!" Reklamo ni Arwen pagpasok palang. "Ayokong magswimming. Kayo nalang." Sabay hilata sa kama.

Hinampas ni Eileen sa behind si Arwen. "Sinasayang mo yung pagkakataon eh. What if may guy doon na magustuhan ka?" Biro nito.

"Bakit Eileen? Ikaw siguro may type ka doon kaya gusto mong magswimming!" Sabi ni Verna at lahat kami napa-ayiee at nagtawanan.

"Tumigil nga kayo. I'm still not yet over with my beloved Jiyong."

"Move-on girl. Hindi na babalik yun." Sabat ni Pitchie.

"Babalik sya! Naku! Magpalit na kayo!" Sabay diretso ni Eileen sa banyo.

---

Sabay sabay na kaming lumabas ng kwarto. Siguro isang oras rin kaming nasa loob kasi si Arwen pinilit pa namin na magswimming na.

Eksakto naman na paglabas namin ay nakasalubong na namin sina Jomari my Loves. At nang makita nya ako, agad syang tumigil at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit ganyan yung suot mo?" Straight-faced nyang tanong.

"Bakit? Ano ba'ng mali sa suot ko? Pangswimming naman 'to ah."

"Magpalit ka! Isa pa gabi na noh! Hindi ka ba nilalamig?!" Then he walked out, leaving his friends with us.

"Pfft! Ayaw lang nun na ganyan yung suot mo kasi maayadong revealing eh. Ang sexy mo pal~"

Hindi natapos ni Billy yung sinasabi nya kasi binatukan sya ni Chris. "Sira ka talaga. Tara na nga! Bye Verna. Kitakits nalang doon." Sabay kindat kay Verna at nauna na nga sila.

"Revealing? Hahaha! Baka na-L lang sya sa'yo. Naku!" Sabi ni Arwen.

"Loko 'to! Hahaha!" Si Eileen. At nagtawanan na sila. Ano ba'ng nakakatawa? Tinignan ko yung sarili ko. Anong mali sa two piece? Eh may tshirt pa naman akong suot.

Ang sungit sungit nya lang eh lahat naman kami nakasuot ng two piece under our shirts. O baka naiinggit sya sa katawan ko? Omg. Wag naman sana.

"I told you. Tatablan sya nyan cause he's a He. And a He will forever have their pervy side of them." Mich said.

"Pervy side? So ibig sabihin may naiisip syang... omg."

"Napakadense. Tara na nga girls!" Aya ni Pitchie.

Nang makarating na kami sa paroroonan, agad na lumusong sa dagat sina Eileen, Arwen, Pitchie, Verna at Jean. Si Mich dumiretso sa isang cottage kasi may tatawagan rin raw sya. Ako? Anong gagawin ko? Sa cottage o sa dagat? Hmmm...pero hinahanap ko kasi talaga si my Loves e.

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon