SI- Chapter 21

548 9 0
  • Dedicated kay Angelica Garcia
                                    

"Stupidly Inlove" by eyporil

CHAPTER 21

(Guerlain)

"Put@ngin@ naman Guerlain!"

Sabay kaming napalingon ni Justin kay Jomari. Kasama nya ang Insignia at halatang galit na galit sya.

Agad nya akong hinatak palayo kay Justin. Sa sobrang higpit ng kapit nya sa braso ko, agad rin itong namula.

"Diba sabi ko sa'yo wag ka nang makikipag-usap sakanya?! Bakit ba ang kulit mo?!"

Agad akong nakaramdam ng inis. "Bakit Jomari? Natatakot ka ba na may sabihin sya saakin against sa'yo at kay Janina?! Natatakot ka ba'ng baka may alam si Justin sa nangyayari sainyo ng Janina na yun kaya ayaw mong kausapin ko sya? Jomari ano ba? Ano ba ako sa'yo? Pekeng girlfriend? Stupd na babae? Pabigat? Lahat lahat na ng negative pero please naman Jomari...mahal kita. Pero kung hindi mo naman ako kayang mahalin wag mo nalang akong paasahin please? Kung may namamagitan sainyo ni Janina, pwede sabihin mo naman saakin na wala nang pekeng girlfriend na dapat magpanggap kasi may totoo na? Pwede ba 'yun?"

Nanginginig na ako sa halo halong emosyong nararamdaman ko. Hindi ko na nga mawari kung ano pa'ng matatawag dito. Hindi ko na rin napigilang maiyak kasi tang!na ang sakit lang talaga.

"Ano ba'ng sinabi nya sa'yo ha?! Naniwala ka naman? Guerlain naman! Napaka~" hindi nya tinapos yung sasabihin nya pero I know better.

"Stupd? Stupd na naman? Oo na. Palagi naman diba? Si Janina, sya yung maganda, sya yung matalino, sya yung mas close sa'yo. Nasasabi nya kahit ano sa'yo pero ako? Parating bobo sa harap mo pati ng ibang tao!"

"Put@ngin@! Bakit ba dinadamay mo si Janina?! Wala syang ginagawa sa'yo! Tinutulungan ka pa nga nya diba?!"

"Tulong?! Oo tinutulungan nya akong magalit sa'yo!"

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at naglakad na ako palayo. Nakakahiya. Nakakabwisit. Nakakagago.

Pinagtanggol nya pa talaga yung babaeng yun!

---

(Jomari)

Kanina ko pa sya sinusundan at mukhang hindi sya aware. Medyo malayo rin kasi ako sakanya. Hindi ko alam kung saan sya papunta at mukhang hindi nya rin alam kung saan sya pupunta.

Bwisit na Justin yun kung ano mang sinabi nya kay Guerlain. Ito namang isa, utouto talaga. Inaway pa ako. Tsk.

Papunta na kami sa may intersection. Agad kong napansin yung stop light. Orange na, papunta na sa pula. Nagmamadali na sa pagtawid yung mga tao. Malayo si Guerlain saakin. Tinignan kong muli yung stop light, kulay pula na. Huminto na yung mga tao sa pagtawid, ganun na rin ako. Pagtingin ko kay Guerlain, nakayuko sya at nagdiretso sa pagtawid. Malayo sya saakin. Sobrang layo.

Hindi ko alam kung makakalapit pa ako sakanya ulit. Hindi ko alam kung...kailan sya babalik.

---

(Third person's POV)

One week after...

Walang nakakaalam kung bakit ang tanga niya. Pati ba naman sa pagtawid ang tanga tanga nya.

Sa layo ng pagitan ni Jomari kay Guerlain na hindi nya ito napigilan sa pagtawid kahit pula na yung ilaw sa stop light. Walang nakapigil dahil walang nakapansin. Lahat kasi sila, may kanya kanyang buhay.

Walang nakapigil sa mga sasakyan...sa isang kulay pulang sasakyan na hindi rin napansin si Guerlain na patawid mula sa kabilang side ng daan.

Isang linggo na matapos ang nangyari kay Guerlain pero hindi parin ito nagigising. Comatosed raw ito pero naniniwala silang magigising sya. Hindi matatagalan at magigising na sya.

"Hoy babae. Bakit hindi ka pa gumising dyan? You think this is funny?" Bulog ni Jomari Aguirre habang titig na titig na natutulog na si Guerlain Anne Cruz. Silang dalawa lang ang nasa kwarto. Umuwi na ang iba dahil gabi na rin. Pero sya...nagpaiwan sya at sinabing kinabukasan na sya uuwi sa kanila.

"Bakit ba ang tagal mong gumising? Naiirita na ako sa'yo." Bakas sa boses nya ang kalungkutan. Kalungkutang hindi maiiuugnay sa kahit anong lebel ng lungkot. Pakiramdam nya, mas masakit pa ito kaysa nang iwanan sya ng kanyang tunay na ina.

Ilang araw na ring bumabalik si Jom para sa babaeng ito. Hinihintay na magigising sya. Gusto nyang magising ito habang naroon sya sa tabi nya.

Hindi alam ni Jomari na gustong gusto nang dumilat...gumising ni Guerlain. Naririnig nya ang mga sinasabi nito. Pero katulad ng sa mga nababasa nya, mahirap pala talaga.

Mahirap pilitin ang sariling gawin ang mga bagay na hindi pa para sa panahon o oras na yun. Kaya naman sa ngayon, hinayaan muna ni Guerlain ang sariling magpahingang muli.

Dinala sya ng kanyang sarili sa isang puting puting daan. Hindi nya alam kung saan sya magpupunta. Nagdirediretso lang sya sa paglalakad. Hanggang sa nakaramdam sya ng kaba.

Nagising nalang si Guerlain na sya ay nasa garden. Maraming bulaklak sa paligid. Iba't ibang klase. Pero ang pinakapaborito nya ay ang mga bulaklak na hawak ni...Jomari. Roses.

Nakangiti ang my Loves nya sakanya. Papalapit sakanya. Hindi nya mapigilang ngumiti. Hindi nya mapigilang maging masaya. Sa wakas...makakasama nya na ulit si Jomari. Ang my Loves ni Guerlain.

Papalapit na sya...kaunti nalang. Kaya agad nyang hinanda ang mga kamay para sa boquet ng bulaklak na dala ni Jomari.

Pero nilagpasan sya ng binata. Sa pagtataka...hindi nya maiwasang tignan kung saan ito papunta.

Kay Janina. Magkayakap sila. Masaya.

Hindi pwede. Saakin si my Loves eh!

Sabi ni Guerlain sa isip nya. Hindi nya maiwasang masaktan sa nakikita nya.

Panaginip? Oo. Panaginip nga lang 'to. Gising! Gising Guerlain!

***

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon