SI- Chapter 17

656 10 2
                                    

"Stupidly Inlove" by eyporil

CHAPTER 17

(Guerlain)

Pagkatapos namin manuod ng sine mga bandang seven na ng gabi ay tumambay muna kami sa garden saglit pero dahil malamok na, napagpasyahan na naming umuwi na. Pababa na kami nang makatanggap ako ng text.

'Pauwi na ba kayo? I'm waiting.'

Bakit naman maghihintay 'tong mokong na'to?!

Nagreply ako sakanya. 'Umuwi ka na. Pauwi na rin kami.' Tapos nakipag-usap ako kina Pitchie pero hindi rin naman ako makapagfocus masyado sa usapan kaya nanahimik nalang ako hanggang makarating kami sa second floor.

After ng ilang minuto, tumawag na sya saakin.

(Nakikita kita.) Agad ko naman syang hinanap sa paligid.

"Si Jom?" Tanong ni Arwen. Um-oo naman ako kaya hinayaan na muna nila ako at huminto kami saglit sa event center.

"Hello? Nasaan ka?"

(Basta. Nakikita kita. Kanina pa.) Hindi ko na naman maiwasang makaramdam ng kaba. Napakagat nalang ako sa labi ko dahil sa halo halong emosyon. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil alam kong binabantayan nya ako o maiinis dahil sa nangyari kanina.

"Pauwi na rin kami."

(Alam ko. Pupuntahan kita.)

"O-okay." Tapos binaba nya na.

Nagpaalam na rin kami sa isa't isa. Sabay sabay na silang lumabas, ako naman, nagpaalam na magkikita kami ni Jom. Nang mag-isa nalang ako, agad ko rin namang nakita si my Loves.

"Kanina pa kita hinihintay."

Bakit ang sungit na naman nya? Psh~

"Bakit naman? Dapat umuwi ka na."

"Tch. Dahil nagtampo ka na naman."

"H-hindi naman noh."

"Talaga lang ah. Tara na." Tapos hinatak nya ako kaya...magkaholding hands kami. Oo medyo nainis ako sa nangyari kanina dahil magkasama sila nung babaeng yun. Tapos nakakairita pa kasi sya ngumiti. Yung akala mo may ginagawa silang masama. Akala nya ba papatulan ko talaga sya? Oo nga at nabadtrip talaga ako sakanya pero may tiwala ako kay Jom. Kaya medyo nainis lang ako. Medyo lang talaga.

"Ano na naman yang iniisip mo?"

"Si Janina."

Natigilan naman sya sa paglalakad at tumingin saakin. Saglit nya akong tinitigan tapos napailing. "Oo nga pala..."

"Hi guys!!!"

Napalingon ako sa excited na excited.na babaeng papalapit saamin ni Jomari, pagkatapos sakanya ng may pagtataka.

Tatanungin ko na sana si Jom kung bakit nandito parin yung babaeng hilaw kaso bigla naman akong inakbayan ni Janina. Infairness naman, mabango sya.

"Ano? Uuwi na ba tayo?"

Agad kong inalis yung pagkakaakbay nya saakin. "Teka nga? Anong uuwi na tayo? Wala ka bang ibang pupuntahan?" Pilit kong tinatago yung inis ko dahil kapag napansin nyang naiirita ako sakanya siguradong aasarin nya lang ako lalo.

"Ito naman! Sasabay kasi ako sainyo and nooo...wala na akong ibang pupuntahan. I'll have a beauty sleep tonight for tomorrow's event sooo...uuwi na ba tayo? Cause you know what? We've been waiting for you kanina pa."

Napanganga talaga ako sa haba ng sinabi nya at napatingin ulit kay Jomari. Seryoso?!

Alam nya naman sigurong ayokong makasama ang babaeng ito tapos...tapos...

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon