SI- Chapter 8

696 14 1
                                    

*** Si Guerlain Anne yung nasa side.. KAWAII!! :)

“Stupidly Inlove" by eyporil

CHAPTER 8

(Guerlain)

Nakahilata lang ako sa kama ko nang biglang tumawag si Mich. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello?"

"Guerl, emergency! Punta ka raw sa studio nila Jomari, kanina ka pa nila hinahanap! Si Jomari daw Guerlain... kasi... omg."

"Sabihin mo na Mich. Malalaman nya din naman." Rinig kong sabi ni Eileen. Tatanungin ko sana kung bakit pero biglang binaba ni Mich.

Omg! What's happening?! Ano ba nangyari sa hayup na yun?! Kinakabahan ako!

---

(Jomari)

Nakakatamad ang araw na'to. Gusto kong itext o tawagan yung panget na yun kaso bakit ko naman sya itetext?! May kasalanan rin naman ya saakin eh.

Habang nakatitig ako sa cellphone ko, biglang tumawag si Billy.

"Ano boy?"

"Hoy unggoy nasaan ka ba?! Pumunta ka dito sa studio! Pre yung girlfriend mo!"

"Ha?! Girlfriend?! Anong~"

Hindi pa ako tapos magsalita ay binaba na agad ni Billy. Siraulo rin talaga yun eh! Bahala sya.

- To: Billyboy Hindi ako pupunta. -

Nagreply naman agad sya saakin.

- From: Billyboy PRE PAG DI KA PA PUMUNTA DITO, SHE'LL BE DEAD IN NO TIME! Nagpang-abot sila ni Ericka! -

Hah! Seriously? Dead in no time? At isa pa, bakit sya pumunta sa studio after nya kong sungitan. Tapos nandun na naman si Ericka?! Gaaah. Ang sakit talaga sa ulo ng mga babae!

---

Wala. Pumunta rin ako sa studio dahil curious ako sa sinabi ni Billy. Pagpasok ko, wala naman silang lahat. Naglakad ako papunta sa main room pero wala rin naman sila doon. Umakyat ako sa taas to check on the studio nang bigla akong nakarinig ng malakas na kalabog.

"Sinong nandyan?"

Walang sumasagot. Tsk. Napagtripan na naman ako ng mga unggoy na yun. Kaya bumaba na ako and you know what I saw?

Isang babaeng sa sobrang katnghan nya ay pwede nga syang mawala sa mundong ibabaw in no time.

Hindi ko alam kung paano sya napunta sa posisyon nyang nakadapa at may mga panglinis ng bahay sya sa likuran nya. May walis, dustpan, bunot, mop at kug anu-ano pang nakatago sa lalagyanan ng mga gamit sa ilalim lang ng hagdanan.

"Anong ginagawa mo dyan?!"

"H-hoy! Tulungan mo kaya muna ako dito!"

"Napakatnga mo talaga!"

Pinuntahan ko sya kaagad at tinulungang tumayo. Walking disaster ata 'tong babaeng 'to eh. Naku naman!

"Grabe ang sakit ng balakang ko!" Sabay hawak sa baywang nya. Psh~ ang arte eh hindi naman mabibigat na bagay yung nakadagan sakanya.

"Nasaan sila?" Tanong ko.

"Malay ko! Pumunta ako dito tapos walang tao tapos nagulat nalang ako na may nagbukas ng pinto at sa kaba ko nagtago ako sa maliit na kwartong yan na lalagyanan pala ng cleaning materials kaya nangmagsumiksik ako at ayun na!!!"

Whew. Tuloy tuloy syang nagsalita kaya hindi naman nakapagtatakag hingalin talaga sya. Grabeng babae 'to.

Hindi ko nalang pinansin masyado yung gulo-gulo nyang damit at madumi nyang mukha. Pumunta ako ng main room at naupo lang.

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon