SI- Chapter 3

867 16 0
                                    

“Stupidly Inlove" by eyporil

CHAPTER 3

(Guerlain)

Nandito lang kami sa isa pa naming tambayan tuwing vacant. Sa tabi lang naman ng canteen. At matapos yung incident noong isang araw, wala pa namang masyadong nagbabago sa buhay ko.

Except for Mich na madalas badtrip dahil halos araw-araw eh nakakareceive ng flowers at chocolates na galing raw sa lead guitarist ng Insignia na si Joey Hugh.

Kay Pitchie naman, may mga nagstart nang mangbully sakanya dahil sa nababalitang may something raw between her and Billy doon sa dome. Kung ano man yun, I still don't know. Hindi naman kasi sya nagkukwento pa saamin.

Ito namang si Verna at Jean, panay ang paganda! Maybe because of that Chris and Karlo. Ewan ko pa. Hindi rin kasi namin masyadong napag-uusapan yung nangyari.

Si Eileen, walang pagbabago dahil wala syang pake sa mga ganun. Isa syang KPop fan at wala syang care kung sinong mga sikat na nilalang sa Pilipinas ang dumating. Tulad nya, si Arwen ay nagsusulat na parang walang nangyari.

Bigla kong naalala, nakita ko kasi si Josh, yung bahista ng Insignia na nakatitig kay Arwen hanggang sa pag-alis nya nang magpaalam na bibili ng inumin. Si Josh, kilala syang babaero. As in sobrang babaero talaga. Di kaya, naaattract sya kay Arwen?

 "Arwen?"

 "Hmm?" She answered without looking at me, still writing something on her notebook.

"May kakilala ka ba sa Insignia?"

Natigilan sya sa pagsusulat, saglit na sinulyapan ako pero hindi nya naman sinagot yung tanong ko. Ilang segundo pa, nagpatuloy sya sa pagsusulat.

"Bakit mo naman yan tinatanong sakanya? Eh ikaw lang naman ang fan ng Insignia dito. Haha!" Pang-aasar ni Verna.

"Naku! Yan napapala ng napagttripan ng boyfriend kuno eh. Pati tayo gusto nya fan na rin. Tara gutom na'ko. Bili nalang tayo ng pagkain." Si Eileen.

"Sige sama rin ako." Sabi ni Jean.

Sumama na rin si Mich at Pitchie kaya naiwan kami ni Arwen dito.

Ang weird nya talaga ngayon. Bakit kaya? After kasi nung nangyari, nawalan kami ng madaldal na friend. Bigla syang naging discreet. Di kaya may ginawa sakanya si Josh ng hindi namin nalalaman?

"Bakit mo pala natanong?" Saglit akong nagulat sa tanong nya na para bang nafefeel nyang sobrang nacucurious ako.

"Ahm... kasi napansin ko noong isang araw, sa Linear. Ano... si Josh, may ginawa ba sya sa'yo?"

Halatang nagulat sya sa tanong ko. At kahit saglit ko lang nakita yung mga mata nya, alam kong malungkot sya. May ginawa nga kaya si Josh sakanya? Omg. Baka... baka... nagkakilala na sila dati? Tapos sinaktan sya? Tapos... tapos... haaay... poor Arwen. Nahulog kaya sya sa kalokohan ng lalaking yun?

She then started writing again, not answering me. Maybe she's not yet ready to spill it out. So, hindi ko nalang sya tinanong pa. Nacucurious talaga ako. Hmm...

"You know what Guerl, sometimes, there are words better left unspoken."

Words better left unspoken? Tatanungin ko na sana sya nang bigla nang dumating yung iba.

---

(Jomari)

"I can't believe you pare! Kaibigan pa ni Arwen. Hahaha!" -Lloyd

"Hindi ko din alam yun noh! Atsaka sino bang nakakaalam satin na nandito pala si Arwen sa university na'to?" Depensa ko.

"Sabi ko naman sainyo parang nakita ko sya last time. Ayas nyo maniwala sakin." Sabat naman ni Karlo.

Stupidly Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon