Chapter Fifteen

2.7K 102 2
                                    

One year later...

Basketball.

When did I stop playing this game? Siguro after graduation ko ng elementary. Iniwan na kasi ako ng mga kaibigan ko mahilig maglaro sa larong 'to. Then nag high school ako! I wanted to try something new, kaya volleyball nalang.

Karamihan nang naglalaro ng volleyball ay babae, hindi ba? Ayaw ko pa nung una, pero nung makilala ko sila Kim at Victon naglaro na din ako.

Pero ngayon, I'm playing basketball with Andrew. Magaling siya! Lagi akong talo. Kaya 'to gumagapang na naman ako sa pagitan ng mga hita niya.

"Kailan ka ba mananalo?! Ang lampa mo na kuya!" Mayabang niyang sigaw. "Pang bakla lang ang volleyball!"

"Hoy! Pinag bibigyan lang kita! At isa pa," I pointed at his face. "Ang lalakeng ayaw maglaro ng volleyball ang siyang bakla! Ikaw yun!"

"Sus! Ang sabihin mo, nagiging bakla ka na kakaapir mo ng bola sa ere!"-Andrew

"Hampasin kaya kita!"

"Oh!" He laughed, "Kung lalaki ka talaga kuya! Hahamunin mo ako ng sapakan, hindi sampalan!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Inagaw ko ang bola at saka kaagad na tumakbo sa three point shot. Ring. Sinenyasan ko ang kapatid ko na patay siya saakin ngayon. I'll crash him to pieces!

"Three-9!"-Andrew

"Lagot ka saakin ngayon!"

"Puro ka hamon!"-Andrew

"Oo kasi mas bata ka saakin! Hindi ako pumapatol sa mga bata!"

"Kaya pala nakipag sex ka kay Macey na mas bata pa sayo!"-Andrew

Nanlaki ang mga mata ko. Sinabi kong huwag na huwag niyang babanggitin ang babaeng iyon. Kahit ang pangalan niya! Kahit anong tungkol sakanya!

Hindi ko masasabing masamang panaginip ang bakasyon ko sa province namin! It was the best vacation pa nga eh! Kasi I turned 17 duon. My mom allowed me to drink with my cousins. I literally could do anything I wanted!

Pero may isang gabi na gusto kong kalimutan ngunit hindi ko makalimutan.

Flashback...

"Tara na Alex! Malelate tayo sa sayawan!" Tawag saakin ni Genesis, pinsan ko.

I just turned 17. And of course gusto ko ng uminom.

So, sumali nga kami ng sayawan. At may isang babaeng saakin lang nakatitig buong gabi. Maganda siya! Maamo ang mukha at mukhang inosente. Gusto ko siya, Oo. Yung mapupungay niyang mga mata ay ayaw bitawan ang aking mukha. Napatingin ako sakanya, ngumiti siya.

Siya ang last dance ko. Nag kausap kami. Masaya siyang kasama! Sobra! Like matutuwa ka talaga sa mga kwento at galaw niya.

Pero hindi ko alam na sa likod ng maamo niyang mukha ay may binabalak pala siya.

We were drunk. Pero sober pa ako. Kaunti palang nainom ko. She pulled me into someone's house. Bestfriend niya din ata.

Sa banyo nga nangyari. I still could remember what she did with me. Ewan kung bakit hindi ko siya napigilan. Siguro dala din ng kalasingan at ng kagustuhang makaramdam ng bagong pakiramdam na matagal ko ng inasam-asam.

End of flashback...

Nag three point ako ng limang beses. Hindi na naagaw ni Andrew ang bola. He clapped his hand while staring at me with awe on his face. Napapunas ako ng noo at saka naglakad papunta sa backyard namin.

HS PromTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon