"Kailangan mong I-congrats si mommy." Bulong ni Alex mula sa likuran ko. "Happy si mommy since vacation. Iba na mundo niya."
Napangiti ako at saka humawak sa braso niyang nakapulupot sa katawan ko. We stayed as we stared in our reflection on the mirror.
"Did you make her happy? Gawain mo eh, ang magpasaya ng mga babae!"
"Haha. Grabe ka! Of course lagi ko kayong pinapasaya nila mommy. Pero iba naman ngayon, kasi ako yung parang hindi masaya!"-Alex
"Awe. Bakit naman po?"
"Kasi, I never thought she'll hide this from me!"-Alex
"Bummer lang?"
"Parang ganun." Sagot naman niya at saka pinaharap ako sakanya. "Dinner ka dito, okay? I want to spend the night with you."
I blushed, but I brushed the feelings off my chest as I gave him a cheeky smile. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at saka hinalikan sa noo.
"Lorenzo is being clingy tonight..." I sang.
"Hmm, bawal bang maglambing sa girlfriend ko?"-Alex
"Sobrang lambing naman na ata yan para sa lalakeng kagaya mo."
"Ouch! Sinasabi mo bang bakla ako?"-Alex
"Hahaha! Ikaw nagsabi niyan, hala, sigeee!"
"Hindi ko naman po sinabi. Tinanong po kita."-Alex
"Mag woworry na ba ako, Lorenzo?"
Tumawa siya. Sa loob ng isang taon andaming nagbago. Feelings, emotions, affections and things that I never expected to change and grow further as I expected. Physically din naman, nag change kami pareho.
Though nung last ko siyang makita ay two months ago. He was still skinny. Yung buto't balat pero ma-muscle. Ngayon kung anong binago ng boses niya mas naman ang pinagbago ng katawan niya.
His voice sounds manly. Broad chest na din siya. Nag ka muscles ang legs and arms. Tapus tumangkad pa. Mas gusto ko na din ang kulay niya. Chocolate. Maputi si Alex, kaya I know babalik din yung dati niyang kulay.
"I can't believe official na tayo."-Alex
"Why not? Hindi mo ba talaga inexpect na magiging tayo?"
"Nope. Ikaw yung buwan ako yung araw."-Alex
"Anong makata na naman meron ka?"
He shrugged. "Wala naman. It's just obvious that I'm hot and you are cold!" Sabi niya na nagpatawa saakin.
"Hahaha! Grabe siya oh!"
"Malabong magsama ang araw at buwan. Pang umaga ako pang gabi ka."-Alex
"That's a fact."
"Top one ka pang top 100 ako!"-Alex
Tinampal ko siya ng mahina sa pisngi. He immediately put his hand on the part where I slapped him. Nakanganga siya habang nakakunot ang noong nakatitig saakin.
"Don't tell me nakikinig ka na sa mga chismis sa school!"
"Totoo naman kasi."-Alex
"Yun yung nakikita nila. Hindi ang nalalaman nila." Sabi ko naman at saka hinila ang kamay niya sa pisngi niya. "Kung tutuusin mas matalino ka pa nga saakin eh."