Chapter 3
Cattleya's POV
"Anong ginagawa mo rito?" Napapitlag ako nang magtanong ito. Baritono ang boses nito na puno ng awtoridad. Napayuko ako saglit. "I'm asking you, anong ginagawa mo rito?" Muling tanong niya. This time, mas lalong iritable ang boses nito.
"I-Im here beacause... because I am your new secretary, s-sir." Pinasigla ko ang boses ko at sinalubong ang mga mata niya. Hindi ko sigurado pero bakit kinakabahan ako ng ganito. Bakit wala manlang ako makitang emosyon sa mga tingin niya.
"And who told you?" Nakakunot ang kilay nitong tanong sa akin.
'God! How I missed this man. Ako kaya, na-miss kaya niya?
'Shut up, Catt!'
Umiling ako upang iwaglit sa isipan ko ang tanong na iyon.
'Tanga ka ba? Bakit ka niya mamimissed e galit iyan sayo for sure'
"A-ah, sila--"
"Leave," anito sabay talikod. Dumiretso ito papunta sa katabing pinto ng table ko. Tumayo naman ako at mabilis na hinabol si Steve.
"W-wait," hinawakan ko siya sa braso pero nagulat ako nang bigla niyang bawiin ito.
"Don't touch me. Ano bang kailangan mo?" Malamig na tanong nito.
"I-I'm just here for... f-for work. Y-yes. For work," nauutal kong sabi. Nahihiya ako sa kaniya and at the same time, natatakot.
"Then, you're fired," anito bago tuluyang pumasok sa pinto ng opisina. Ilang saglit din akong natigilan.
'Damn! Mas masakit pa ito sa inaakala ko'
Naramdaman ko ang unti-unting panunubig ng mga mata ko. Napatingala na lang ako para kahit paano, maiwasan ang pagbagsak ng mga luha ko. Bumalik sa table ko at ilang minuto na kinompustura ang sarili bago magsimula ang trabaho. Hindi naman siya ang naghired sa akin kaya hindi ako aalis sa trabaho. Saka, malaki na ang hirap ko. Ayaw kong masayang lahat ng pagod at effort ko.
TUMUNOG ANG teleponong nasa table ko. Biglang kumalabog ang dibdib ko nang sagutin iyon at marinig ang boses ni Steve sa kabilang linya.
"Nandiyan ka pa rin?" Kahit sa telepono ay mahahalatang galit ito.
"Y-yes, Sir."
"Get inside." Nawala na ito sa linya at naputol iyon.
Sumulyap muna ako sa salamin ko na nasa bag. Sinigurado ko na maayos amg make-up ko at hindi magulo ang buhok ko. Nag spray din ako ng afficionado para kahit paano mabango akong kausap siya.
Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang seradura ng pintuan ng opisina ni Steve.
Mas lalo yata akong nangatog nang makapasok ako nang tuluyan dito sa loob. Nilibot ko ang opisina niya. Very manly ito. Kulay blue ang theme nito at may touch of Thailand dahil may mga pigurin at paintings na mga budha ang disenyo. Very masculine rin ang pamilyar na amoy.
'Iyon pa rin ang perfume niya'
Napangiti ako nang palihim. Natuon ang pansin ko sa table niya. Malaki ito at kulay itim na gawa sa kahoy. Medyo magulo ito dahil may mga iilang nakakalat na papel at kung anu-ano pa. Ang swivel chair niya ay nakapatalikod sa akin. Nakaharap ito sa glass wall kung saan matatanaw ang mga buildings.
Umikot ito dahan-dahan at tama ako. Tiningnan na naman niya ako nang nakamamatay na mga tingin. May hawak itong signpen at tila nag-iisip. Gaya kanina ay wala ni isang emosyon akong nababakas sa mga mata nito. Madilim ang awra at mahahalatang poot na poot ito sa akin.
Hindi ko nakayanan ang tingin na iyon kaya nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Maglilibot na lang ba iyang mga mata mo? Aren't you going to say anything?" Pakiramdam ko ay nanigas ang buo kong katawan lalo na nang tumayo siya at humakbang papunta sa harap ng table niya. Naupo siya roon at tila nag-iisip na tumingin sa akin.
"B-bakit ninyo po ako pinatawag?" tanong ko. Gusto ko na takbuhin ang pinto dahil natatakot na ako sa kaniya.
Hindi ito sumagot bagkus lumapit ito sa pintuan at narinig ko na lang na ini-lock nito iyon.
Mas lalo akong kinakabahan. Nanginginig ang mga laman ko sa mga oras na ito. Ano bang gagawin niya?
'Help me, God!'
"Bakit ka narito?" Napapitlag ako nang tanungin niya ako. Kinilabutan ako dahil naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking batok.
"Kagaya p-po nang sinabi ko kanina, S-sir. Nandito ako dahil sa t-trabaho," nauutal kong sagot sa kaniya.
Napangiwi na lang ako nang marahas niyang hawakan ang isang braso ko. "Hindi ka na sana bumalik pa." Parang sinaksak ng kutsilyo yung puso ko nang marinig iyon. "If I were you, aalis na ako kaagad. Dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa iyo kapag nanatili ka pa rito. Leave. NOW!"
Hindi ako nakakilos kaagad nang marinig iyon. Alam ko any moment babagsak ang mga luha ko. Nasasaktan ako. Ang sakit isipin na ganito ang magiging reaksyon niya sa muli naming pagkikita.
'Ano pa bang iisipin mo, Catt? Yayakapin ka niya? Tatanggapin at mamahalin? Accept the consequences sa mga ginawa mo sa kaniya'
Bigla niyang binitiwan ang braso ko na ngayon ay sobrang sakit. Hindi ako makapaniwala na masasaktan niya ko. Napayuko na lang ako nang maramdaman kong umiiyak na pala ko.
"I-Im sorry," bulong ko. Hindi na ako makatingin sa kaniya.
"Leave. I'll talk to Niccolo. H'wag ka na babalik dito at magpapakita pa." Iyon lamang at tumalikod na ito. Nakaharap ito sa glasswall at nilagay sa bulsa ng slack pants nito ang kamay.
Mabibigat ang mga paa na lumabas ako ng opisina. Umiiyak pa rin ako kasi ang laki ng pinagbago niya. Hindi na siya yung lalaking mahal na mahal ako.
'Expect the worst, Cattleya. Sinaktan mo siya dati. Iniwanan mo. Kaya huwag ka umasa na tatanggapin ka niya nang ganun kadali'
"GUSTO KA niya alisin sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit pero may nagawa ka bang mali? Natapunan mo ba siya ng kape? Mali ka ba nang naitype habang nagdidictate sya sayo? What?" tanong ni Niccolo habang nakaupo lang ako s harapan ng table niya. Dumiretso ako dito pagkatapos nung nangyari kanina sa office ni Steve.
"Mas malaki ang kasalanan ko sa kaniya, Sir Nicco. Mas malaki kaysa sa ano mang pwedeng maging kasalanan ng isang secretary," nakayuko kong sabi.
"What do you mean?"
'Sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol sa amin? Umalis na lang kaya ako sa trabaho? Pero, nanghihinayang talaga ako'
"I-Im his e-ex-girlfriend," turan ko sa kaniya.
"Ex? Meaning nakaraan?" Tumango ako. "E, ex ka nalang naman pala niya. Bakit ka niya papaalisin nang basta-basta? Not unless, maha--"
"N-naku, Sir Nicco hindi po sa ganun." Putol ko sa sasabihin nito.
"Alright. Sabi mo, e. Pero, Cattleya hindi ko tatanggapin ang request ni Steve na alisin ka. Kung ano man ang nakaraan ninyo, baka pwede ninyong ayusin. Pero kung talagang gusot na gusot at hindi na kayang ayusin, e, h'wag ninyo na lang idamay ang trabaho sa opisina."
Napatingin ako rito. "Sir, bakit hindi niya ko pwede alisin? CEO po si Sir Steve, hindi ba?" tanong ko.
"Yes. But, hindi sa lahat nang oras ay siya ang masusunod. May karapatan din naman ako na magdesisyon." Nagtataka ako kung bakit ganon sya magsalita. Magtatanong pa sana ako pero hindi na lang ako kumibo.
"Pumasok ka pa rin bukas. Ako'ng bahala sa'yo. You may leave," wika nito. Humarap na itong muli sa mga papeles na kaninang binabasa nito.
Isinukbit ko ang bag sa aking balikat at saka tumayo. "S-sige po, Sir." Malapit na sana ako sa pintuan nang muling magsalita ito.
"Catt," napalingon ako sa kaniya. Hinintay ang mga susunod na sasabihin. "Kung ano man yung nakaraan ninyo, sana h'wag maging dahilan yan upang umalis ka sa trabaho. Habaan mo na lang sana ang pasensya sa kapatid ko."
BINABASA MO ANG
LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)
General FictionDate started: January 20, 2017 Date completed: Febuary 27, 2017 All Rights Reserved 2017 (c) EmpressAffy13