🌸CHAPTER 29🌸

10.5K 188 13
                                    

Chapter 29

Agatha's POV

KATATAPOS ko lang magdasal dito sa loob ng chapel. Nasa loob na si Steve upang matingnan kung ka-match ba niya ng dugo si Tyrone. Sa aking pagdarasal, napagtanto ko ang mga kamalian ko.

Ang pagiging wala kong kwentang kaibigan.

Ang pagiging makasarili.

Lahat ng pinagsamahan namin ni Cattleya ay tinalikuran ko. Kinalimutan ko ang mga nagawang maganda sa akin ng kaibigan ko.

Ngayong nalaman na nila anf tungkol sa bata, marahil ay kailangan ko na rin siyang ibigay sa tunay niyang mga magulang. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanila at hindi na makatarungan kung ipagdadamot ko pa si Tyrone.

Naluluha akong napasandal sa upuan. Napapikit ng mariin habang hinihilot ko ang sintido ko.

"Ang hina mo!" Napatayo ako bigla nang mabosesan kung sino ang nagsalita.

"T-tita Cynthia?" Nauutal kong tawag sa pangalan niya. Ngumisi ito saka dahan-dahan na lumapit sa akin. Nanatili ako sa pwesto ko.

"O, bakit parang gulat na gulat ka?" Natatawa itong humalukipkip sa kaniyang mga braso. "Natatakot ka ba na saktan kita dahil nilaglag mo ko?" Mababakas sa mga mata niya ang labis na galit.

"H-hayaan na lang po kasi natin 'yung bata sa mga magulang niya. Wala namang kasalanan si Tyrone sa inyo." wika ko. Pinilit kong patatagin at kalmahin ang loob ko kahit nangangatog na ako sa sobrang tensyon.

"Iyon ang alam mo, ang wala silang kasalanan. Pero wala kang alam, Agatha!"

"Bakit, ano bang kasalanan namin sa iyo? Ni Cattleya?" Napalingon kaming pareho ni Tita Cynthia sa lalaking nagsalita sa may bukana ng chapel. Si Steve. Madilim ang aura niya at walang emosyon siyang nakatitig sa madrasta.

"S-Steve?" Halatang nagulat ang babae. "W-wala 'yon. Nasaan ba si Catt--"

"Huwag ka na magpanggap pa na concern ka kay Cattleya. Sinabi na niya sa akin na ikaw ang kumausap sa kaniya na ipalaglag ang anak namin at nung hindi siya pumayag ay inutos mo na iwanan ako!" Nanggigigil ang mga ipin ni Steve habang binibigkas ang mga salitang iyon.

Tila naging maamong tupa naman si Tita Cynthia dahil biglang bumait ang itsura nito. "A-Agatha, sabihin mo nga sa step-son ko na nagkakamali lang siya. Na nagsisinungaling lang si Cattleya." Tiningnan niya ako ng makahulugan. May halong pagbabanta ito.

Kinakabahan naman akong napalingon kay Steve na ngayon ay galit na galit na nakatingin sa amin.

Gagawin ko na ang tama. Pagod na akong magsinungaling!

"N-nagsasabi ng totoo si... si Cattleya."

"How dare you! Sinungaling ka!" Akmang susugurin niya ako't sasabunutan pero mabilis ang paggalaw ni Steve at nahawakan nito ang mga kamay nitong nagwawala. "Bitawan mo ko! Kailangan turuan ng leksyon ang babaeng 'yan! Sinungaling!" aniya kay Steve.

"Tama na! Alam ko na ang totoo at huwag mo pa ipasa sa iba ang kasalanan mo, sinabi na sa akin ni Cattleya at naniniwala ako sa kaniya!" Matigas na sabi ng binata.

"What? Naniniwala ka sa babaeng yon, e nagawa ka nga niyang iwanan noon, e!"

"Dahil yon ang pinagawa mo sa kaniya!"

Magsasalita pa sana si Tita Cynthia nang may babaeng biglang lumitaw sa entrada ng chapel.

"Steve... C-Cynthia?" Mahahalata sa kaniyang mukha ang pagkagulat. Dahan-dahan itong lumapit.

"Carnation?" bulong nito. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Steve sa kaniyang kamay dahilan upang mabawi nito. "B-buhay ka? Hindi ba't patay ka na? Paanong --"

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon