🌸CHAPTER 4🌸

13.3K 252 5
                                    

Chapter 4

Cattleya's POV

Halos liparin ko na ang daan papunta sa table ko nang lumabas ako ng elevator. Late na kasi ako at for sure, magagalit na naman ang boss slash ex ko. Malamang nga nito masaktan na naman ako. Pero subukan lang niya. Lalaban na talaga ako.

'Kaya mo?'

'Bwisit talaga 'tong isip ko. Kontra ka, 'no?'

Hinihingal akong napahawak sa lamesa ko nang makarating ako. Eight: five na nang umaga.

"You're late, Miss Evangelista." Halos matumba ako sa pagkakatayo ko nang marinig ko ang boses ng CEO ng kumpanyang ito. Nasa likuran ko siya kaya dahan-dahan akong pumihit paharap dito.

Halos malaglag naman ang panga ko dahil hindi siya nag-iisa. May kasama siyang babae na aakalain mong model sa sobrang ganda. Maputi ito at medyo blonde ang mahaba nitong buhok.

Ang kaso, parang linta itong nakakapit kay Sir Steve. Bahagya pa nitong hinihimas-himas ang braso ng binata. Nang tingnan ko ito ay masama pala ang tingin nito sa akin.

"Five minutes lang naman po akong late, s-sir," angal ko sa kaniya.

'Ang gwapo naman talaga ng lalaking ito. Ngayon ko lang natitigan ang mukha niya. Nagmatured na siya unlike before na medyo payat pa. Ngayon, mukha na siyang God from Olympus'

"Stop staring at my boyfriend, bitch." Bigla akong napatingin sa babaeng kasama ng boss ko.

"Ano?" tanong ko. Ayaw ko sa lahat ay iyong tatawagin akong 'bitch' dahil hindi naman ako ganoon.

"I said, bitch, stop staring at him." Humakbang pa ito ng bahagya kaya mas malapit na kami ngayon sa isa't-isa ng babae na demonyita.

"Aba't--"

"Enough." Biglang sumingit si Sir Steve sa amin kaya siya ang nakagitna ngayon. Medyo napadikit pa ito sa katawan ko kaya amoy na amoy ko ang mabango niyang perfume. "Get inside after ten minutes. May ipagagawa ako sa'yo," ani Steve bago hinila ang babaeng demonyita papasok sa opisina nito.

"Akala mo kung sinong maganda. Bulok naman ang ugali at matabil ang dila," nasabi ko na lang habang inaayos ang mga papeles at iba pang gamit sa table ko. Kinuha ko ang bag ko at dinampot ang phone ko sa loob nito.

Mayamaya pa ay tumunog ang teleponong nasa table ko. Konektado ito sa loob ng opisina ni Sir Steve kaya alam kong siya iyon. Excited kong dinampot ang awtobido. "Hello, Sir Steve?"

"Coffee, please."

"Ano--" Itatanong ko sana kung anong klaseng kape kaso naputol na. "Bastos," bulong ko.

Tumayo ako at pumunta sa pantry. Maraming kape ang nandoon. May three in one na tubig na lang ang idadagdag. Pero napansin ko na may coffee, sugar at creamer din kaya iyon na lang ang ginawa ko.

Napangiti ako habang bitbit ko ang mug na may kape. Alam ko ang gusto niyang timpla ng kape.

Pagdaan ko sa table ko ay dinampot ng isang kamay ko ang black note book ko kung saan nakalagay ang mga schedule ni Sir Steve. Isa lang tinimpla kong kape. Wala kong pakielam sa babaeng demonyita na iyon. Mamatay siya sa uhaw.

Since, may hawak parehong mga kamay ko ay hindi na ako kumatok. Para-paraan lang kung paano ko nabuksan ang doorknob.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang makapasok ako sa loob. Ang puso ay parang sinaksak ng malaking itak at saka tinadtad. Nabitawan ko rin ang mug na hawak ko dahilan ng pagkabasag nito. Umalingawngaw ang ingay niyon kaya nakuha ko ang atensyon ng dalawang gumagawa ng himala.

Napatayo sa pagkagulat ang babaeng demonyita habang parang disappointed naman si  Steve. Nakatulala lang ako sa kanila. Parang tumigil ang mundo ko.

"What the fuck!? Hindi ka ba marunong kumatok?" tanong nung babae habang sinasara at inaayos ang skirt nito.

"S-sorry, may bitbit kasi ako kaya hindi ko nagawang kumatok." Bumagsak ang mga mata ko sa paanan ko nang tingnan ako ni Steve.

"Bitch, istorbo ka, e." Sabay irap sakin ni babaeng higad.

"Linisin mo na 'yan," utos sa akin ni Sir Steve habang inaayos ang pants niya. Namula ako nang maalala ang nangyari kanina. "Umalis ka na,  Claui. May gagawin pa ko." Nakaharap na ito sa mga papers nito sa lamesa. Lumapit naman ang babae sa kaniya at binigyan ng maalab na halik sa labi nito.

'Damn! Kailangan ba talaga sa harapan ko pa? '

Sa sobrang irita ko sa dalawa ay bwisit kong pinagdadampot ang mga bubog. Hanggang sa maramdaman ko humapdi ang daliri ko.

"Idiot." Rinig kong bulong nung babae. Nakatayo na ito sa harapan ko. Nakasukbit na ang bag nito at mukhang aalis na. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Linisin mo 'yan."

Sasagot sana ako nang biglang magsalita si Sir Steve.

"Umalis ka na, Claui. Magkita na lang tayo next week," anito bago muling dumako ang tingin sa akin. Naglakad naman na ang babaeng higad na iyon palabas.

Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ng pants ko. Malaki pala ang hiwa nung basag na tasa sa kamay ko kaya masyado madugo. Napailing na lang ako.

"Ano yan?" Lumingon ako kay Sir Steve na seryosong nakatingin sa mga kamay ko.

"A... w-wala po. Excuse me lang po, Sir. Kukuha lang po ako ng mop." Mabilis akong tumalikod sa kaniya at pumunta sa pinakamalapit na janitors area. Doon ko pilit na pinatigil ang pagdurugo ng sugat ko. Napangiwi na lang ako sa sakit.

Mayamaya ay bumalik na ako sa loob ng opisina ni Sir Steve.

Nagulat naman ako nang wala na ang mga bubog sa sahig. Wala na rin ang pinagbakasan ng kape at tumulong dugo. Napatingin ako sa table ni Sir Steve at nakita ko siya roon. Abala sa pagpirma ng ilang mga papeles.

Lumapit ako sa kaniya. "Sir, s-sino po ang naglinis nung natapon na kape?" Pilit ko kinumpustura ang sarili ko.

"Malinis na kaya lumabas ka na." Wala manlang tingin nitong sabi sa kaniya.

"S-sige po." Dahan-dahan akong lumabas ng opisina.

MAASYOS NAMAN ang naging trabaho ko sa maghapon. Nandyan iyong magpapa-type siya ng mga dinidikta niya. Buti na lang sanay ako sa mabilisang pagta-type dahil akala mo may hinahabol. Nandyan iyong pabalik-balik kong aayusin ang mga papeles niyang gulo-gulo habang nasa meeting siya.

Good thing dahil hindi na masyado makirot ang sugat ko kung hindi, baka masabihan pa akong pabebe. Salamat sa mefenamic acid na nakita ko sa bag ko.

"Miss Evangelista, sumunod ka sa'kin," sabi ni Sir Steve nang makalabas siya ng meeting room. Kaagad naman akong naglakad pasunod sa kaniya.

"Bakit, Sir?"

"Lock the door," utos na naman nito, "Sit down." Umupo na lang ako sa silya na nasa harapan ng lamesa niya. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Alam ko kasi na nakatingin na naman ang matatalim na mga mata nito sa akin.

"It's been five years, Cattleya." Pag uumpisa nito.
Bigla akong kinabahan dahil mukhang alam ko na ang itatakbo nang usapan na ito. "Anong nangyari sa iyo at bakit nagbalik ka?" untag nito bago tumawa nang peke. Mababakas din sa mukha nito ang galit.

"S-sir," utal kong sagot. Naumid yata ang dila ko. Hindi ko alam kung saan ako mag-uupisa sa paliwanag ko.

Naramdaman ko na tumayo ito at naglakad pa-ikot sa lamesa niya hanggang sa nakatayo na siya sa tapat ko. "Wala kang sasabihin? Nautal ka na. Bakit hindi ka magpaliwanag ngayon?" Seryoso nitong tanong.

Napayuko na lang ako kasi hindi ko kayang sabayan ang mga mata nito.

"I-Im sorry... s-sir Steve," tanging sabi ko na lang sa kaniya. Wala na akong ibang alam na isasagot. Gusto ko magpaliwanag pero paano ba ako magsisimula?

'Sasabihin ko ba sa kaniya ang dahilan ko kung bakit ko siya iniwan?'

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon