Chapter 30
Cattleya's POV
INALALAYAN ako ni Jannice ngayon habang nagbibihis. Lalabas na kasi ako sa hospital. Ayaw pa nga nung OBGyne kaso pinilit ko lang. Gusto ko na kasi pumunta sa ospital kung saan naka-confine ang anak kong si Tyrone.
Lalo akong na-excite nang tumunog ang phone ko.
"Hello?"
"Honey, okay ka na ba? Paakyat na ako diyan." Napangiti ako nang malaman kong malapit na siya rito.
"Yes. Excited na ko. Bilisan mo," sagot ko sa kaniya.
"Alright. May pasalubong ako sa iyo." Nakaramdam ako lalo ng pagkasabik.
"Ano 'yon?" tanong ko habang nakatingin kay Jannice na ngayon ay sinasalansan yung mga bag namin.
"Basta. Wait for me."
"Alright. Hurry up!" Malambing kong wika. Narinig kong tumawa siya ng mahina sa kabilang linya.
"Heto na ako," hinihingal pa si Steve nang bumungad ito sa pinto. Nakatapat pa rin ang phone nito sa tainga habang tumataas-baba ang dibdib. "Hi!" Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi.
"Ay, buti naman at nandito ka na. Alam mo bang ako ang inaaway nitong girlfriend mo! Hinahanap ka sa akin," sumbong ni Jannice habang nakanguso.
Ngumiti lang si Steve. Ipinulupot ko naman ang mga braso ko sa bewang niya kaya napayakap ako sa kaniya. "I miss you," wika ko.
"I miss you, too." Hinalikan niya ako sa aking ulo at marahan na hinaplos ang buhok ko. "Let's go?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako.
Habang nasa daanan kami ay hindi ako mapakali. Nasa passenger seat si Jannice na abala sa paglalaro sa phone nito. Habang seryosong nagmamaneho naman si Steve at nasa kalsada ang kaniyang tingin.
"Steve..." tawag ko sa kaniya.
"Hmm?"
"Alam na ba ni Tyrone?" Kinakabahang tanong ko. Masaya ako na malaman na buhay pa pala ang anak ko at si Tyrone pa pala ito pero hindi mawala-wala ang takot at pangamba ko.
"Si Agatha na raw ang bahala magsabi ng totoo sa bata." Tumango lang ako.
"Sana matanggap niya ako kaagad bilang mommy niya," bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib nang maisip kong malabong hindi niya ako matanggap. Alam ko na may tyansang hindi ako matanggap ng anak ko.
Hinawakan ni Steve ang kamay ko at bahagyang pinisil. "Don't worry. Magiging okay din ang lahat." Ngumiti pa ito sa akin na ginantihan ko rin.
Agatha's POV
"BABY, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko kay Tyrone na ngayon ay magana ng kumain. Nakangiti ito habang sinusubuan ni Mommy ng chicken soup.
"Mabuti na po, Mommy. Kailan po ba tayo uuwi? Ayaw ko na po rito sa ospital. Gusto ko na po maglaro kasama yung mga playmates ko sa bahay." Malungkot nito sabi. Hinawakan at bahagya kong ginulo ang buhok niya.
"Uuwi na rin tayo pero magpagaling ka na muna," wika ko. "Baby, may sasabihin sa iyo si Mommy pero promise me, hindi ka magagalit sa akin." dugtong ko.
Nag-isip sandali si Tyrone.
"Baby, hindi ba kilala mo si Tita Cattleya?" tanong ko sa kaniya. Tumango si Tyrone. Nagkatinginan kami ni Mommy.
"Nawala kasi yung baby niya noon," Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang lahat at totoo nang hindi siya nasasaktan at nahihirapan.
"Nawala po? Kawawa naman po pala si Tita Cattleya," Ngumuso pa si Tyrone saka lumungkot ang mukha.
BINABASA MO ANG
LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)
BeletrieDate started: January 20, 2017 Date completed: Febuary 27, 2017 All Rights Reserved 2017 (c) EmpressAffy13