🌸CHAPTER 16🌸

9.9K 164 2
                                    

Chapter 16

Cattleya's POV

SA MAGHAPON na nagdaan, puro linis lang ang ginawa ko. Puro kasi kalat sa condo ni Sir Steve. Gusto ko rin sana maglaba kaso sabi niya, dalhin na lang namin sa laundry shop.

Alas-singko na nang hapon nang maisipan kong maligo. Ang lagkit ng katawan ko sa pawis.

Basa pa ang buhok nang maupo ako sa sala. Binuksan ko ang t.v at prenteng naupo sa sofa. Ilang lipat ang ginawa ko sa remote kaso wala akong makita na magandang palabas. Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ni Sir Steve.

Pagkatapos naming kumain kanina ay pumasok na agad siya sa kaniyang silid. Hindi manlang ako tinulungan sa paghuhugas ng mga pinggan. Wala ngang 'thank you' e. Pero bakit ba ko magtataka?

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto nito at niluwa siya. May nakasukbit na towel sa balikat niya. Maliligo siguro. Nagpatuloy ako sa panunuod ng tv. Wowowin ang palabas. Nagpanggap akong hindi siya napansin at nakatuon lang ang mga mata ko sa pinapanuod.

Dumeretso siya sa banyo at ilang sandali pa ay narinig ko na ang lagaslas ng tubig mula roon.

Biglang tumunog ang phone ko at nabasa kong si Janice ang tumatawag kaya sinagot ko kaagad. "Hello?"

"Ang boring! Tara, gimik tayo!"

"Nakakatamad."

"Kaya nga gumimik tayo. Magclub tayo. Party-party lang."

Napaisip naman ako.

'Kungsabagay, wala naman sigurong masama kung makipagbonding ako sa friend ko.'

"Alright. Text mo sa akin kung saang club." Iyon lang at binababa ko na ang tawag. Tumayo ako at pumasok sa loob ng kwarto upang magpalit ng damit.

Isang floral dress na mint green ang napili kong isuot. Nag-apply din ako ng kaunting make-up. Medyo nagcurl ako ng lagpas balikat kong buhok saka isang white flat sandals naman sa aking paa.

"Where are you going?" Nagitla ako nang tanungin ako ni Sir Steve nung lumabas ako ng kwarto ko. Nakasuot ito ng boxer short at nagpupunas ng buhok.

"Nag-aya si Janice na gumimik," sagot ko habang inaayos ang bag ko.

"At sasama ka naman?" Nakasimangot na tanong niya.

"Yes, bakit?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at dumeretso sa kwarto nito. Nagsara ito ng pinto pero mayamaya rin ay dumungaw doon. "Wait. For. Me!" Maawtoridad niyang bilin.

Wala naman akong nagawa kungdi ang maghintay nga sa kaniya. Naupo na lang muna ako sa sofa at nagkutikot sa aking phone.

"Let's go." Napalingon ako sa kaniya. Isang polo shirt na lacoste ang suot niya at jeans with black leather shoes. Para naman akong nahipnotismo sa itsura niya.

'Ang gwapo!'

HABANG NASA daan kami ay wala kaming imikan. Pasimple ko siyang sinusulyapan.

'Bakit kaya siya sumama?'

Ang amoy ng pabango niya ay sumasama sa amoy ng sasakyan. Fresh na fresh.

"Bakit ba naisipan mong makipagclub sa kaibigan mo?" tanong ni Sir Steve sa akin. Tumingin ako sa kaniya. Sa kalsada pa rin nakatuon ang atensyon niya.

"Gusto ko lang. Nakakainip kasi sa unit mo,"

"Sana sinabi mo para naman ako na lang mismo ang nanglibang sa'yo." Pormal ang pagkakasabi nito. Pero ako? Shems! Namumula na ako. Ramdam ko kasi nag-iinit yung pisngi ko.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon