🌸CHAPTER 23🌸

9.1K 170 6
                                    

Chapter 23

Cattleya's POV

MASAKIT ang alaalang iyon sa akin. Iyon na yata ang pinakamasakit at pinakamapait na pangyayari sa aking buhay. Akala noon mawawala ako sa katinuan.

Ang anak ko ang nag-iisang alaala sa akin ni Steve. Masakit man aminin pero mas pinili ko ang buhay ng aking anak kaysa sa kaniya.

'Pero-- anong magagawa ko? Pareho silang-- nawala sa akin.'

"Cattleya?" Isang boses lalaki ang tumawag sa aking atensyon. Nakaupo ako ngayon sa garden kung saan natatanaw ko ang mga bata na abala sa paglalaro. Parang pamilya siya sa akin.

'Saan ko ba siya nakita?'

Ang tagal kong inisip kung saan ko ba nakita ang lalaking ito.

'Saan nga ba--'

"Gelo?" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya sa akin saka naupo sa inuupuan kong bench. Bale magkatabi na kami ngayon.

"Ako nga. Teka, anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin habang nakataas ang isang kilay.

"Pumasyal lang ako. E, ikaw? What are you doing here? Saka bakit ka ba tumatabi sa akin? Close ba tayo?" tanong ko sa kaniya. Natatawa naman itong napakamot sa kaniyang ulo.

"Ay sorry. Akala ko kasi pwede akong maupo. Ang laki naman kasi nitong bench. Ang damot." Halos pabulong na lang 'yung huling salita niya pero narinig ko pa rin. Tumayo ito at nakahaba ang nguso.

"Sinong madamot?" sigaw ko sa kaniya.

"Ikaw." Ganti naman niya.

'Aba't sumasagot pa siya talaga.'

"Hindi ko naman sinabi na umalis ka. Tinanong lang kita kung bakit ka naupo e hindi naman tayo close," turan ko habang nakataas ang dalawang kilay sa kaniya. Natatawa itong umupo ulit sa tabi ko.

Napadako amg tingin namin sa mga bata. Napapangiti ako sa tuwing makikitang nagtatawanan ang mga ito at enjoy na enjoy sa pakikipaglaro.

"Sabi mo napasyal ka? Bakit, isa ka rin ba sa mga batang tumira rito?" Bigla niyang tanong. Tumango ako.

"Oo. Dito ako lumaki at si Sister Anna ang nagpalaki sa akin kasama ang iba pang madre rito sa orphanage." Hindi ko alam pero parang maluwag sa dibdib ko ang magkwento sa kaniya.

"Gano'n ba? Mabuti at maganda ang buhay mo ngayon. Mayaman din ba ang umampon sa iyo?"

Umiling ako bago tumingin sa kaniya, "Walang umampon sa akin. Libre nila akong pina-aral sa elementary. Nung highschool naman ay naging scholar ako ng Mayor nung mga panahon na iyon na sakto namang kapatid ni Sister Anna."

"Swerte ka pa rin," aniya.

"Teka, lumaki ka rin ba rito?" Ako naman ang nagtanong sa kaniya. Umiling siya.

"Hindi ako rito lumaki kasi teenager na ako nang mapunta ako rito. Bata pa lang ako ay ulila na ako pero nasa tita ko ako nakatira. Kaso namatay nung 15 years old ako kaya kinailangan na rito na ako manirahan dahil wala naman kaming iba pa na kamag-anak."

"15 years old? Buti may umampon pa sa iyo no'n?" Nakangiti kong tanong. Tumawa siya bago sumagot.

"Bakit, bata lang ba ang pwedeng ampunin? Grabe ka naman."

"Hindi naman sa ganoon pero kadalasan kasi bata ang gusto ampunin ng mga mag-asawang hindi magka-anak, 'di ba?"

"Iba kasi 'yung kaso ko. Matandang mag-asawa na 'yung umampon sa akin at dahil may edad na't walang anak, nag-ampon sila ng medyo matanda na. At ako ang gwapong 'yon."

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon