🌸CHAPTER 15🌸

9.9K 163 10
                                    

Chapter 15

Cattleya's POV

MASAYA KONG tinanaw ang batang si Tyrone habang naglalaro sa slide. Nasa park kami ngayon kung saan katabi lang ng simbahan. Ang saya sa pakiramdam kapag nakikita ko siyang masaya. Galak na galak at giliw na giliw ako sa kaniya.

"Ang hilig mo talaga sa bata," narinig kong wika ni Agatha. Sa akin siya nakatingin. Nakangiti siya pero parang may lungkot sa kaniyang mga mata. Kumunot ang noo ko nang mapansin na nanunubig iyon.

"Anong problema?" Mas lalo akong tumabi sa kaniya habang hinawakan ko ang kamay niya. Hindi na ako nagtaka nang hilahin niya yung kamay niya.

"W-wala," aniya sabay punas nung luha na sigurado akong bumagsak. "A-aalis na kami." Tumayo na ito at inayos ang blusang suot.

"A-agad? Naglalaro pa si Tyrone e." Tumingin akong muli sa bata. "Mayamaya na, magkwentuhan muna tayo." Ngumiti ako sa kaniya. Hindi ako naiilang sa kaniya dahil matalik ko siyang kaibigan. Kahit na bigla na lang siya nawala nung panahon na kailangan ko siya ay hindi ako nagalit sa kaniya. Hindi ako nagdamdam o ano. Basta siya pa rin ang matalik kong kaibigan.

"M-may pupuntahan pa kasi kami." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Ty! Let's go," tinawag niya ang kaniyang anak na lumapit naman din sa direksyon namin.

"Aalis na po tayo? Naglalaro pa po ako, mommy." Nakanguso nitong sabi sa kaniyang ina. Napangiti ako kasi ang cute niya. Super.

"Mauna na kami, Cattleya. Pasensya na. Siguro next time na lang tayo magusap." Magsasalita pa sana ako pero mabilis na silang naglakad palayo hanggang sa sumakay sila sa kanilang sasakyan. Nakaramdam ako ng lungkot.

At pangungulila.

'Kung narito sana si Steven, panigurado ganiyan din siya kakulit at kalambing...'

Agatha's POV

'I'm sorry, Cattleya.'

Namumuo na naman ang mga luha ko habang nakatuon ang paningin ko sa kalsada. Na-miss ko ang bestfriend ko. Kaso, sa ginawa ko sa kanila, sa kaniya, alam kong kamumuhian niya ako. 

Wala akong kwentang kaibigan at alam kong nagkamali ako. Nagsisisi naman na ako.

'Pero, kung ang kapalit ng pagiging magkaibigan namin ulit ay ang anak ko, hinding-hindi ako papayag na maagaw niya ang anak ko. Tyrone is my son.'

Napalingon ako sa batang nakasadal sa upuan ng sasakyan. Ang atensyon nito ay nasa labas ng bintana.

'Kamukhang kamukha niya daddy niya.'

Naalala ko si Steve.

Steve Johnson Fill. Ang lalaking una kong minahal at una ring nagwasak nitong puso ko.

Flashback

Excited akong pumasok sa aming room at hinanap ang kaibigan kong si Cattleya. Halos magkanda-haba-haba ang leeg ko kakatanaw sa mga kaklase namin kung kasama ba nila ito pero wala siya.

"Nasaan kaya ang babaeng 'yon?"tanong ko sa aking sarili.

"Agatha!"

"Ay, tipaklong!" Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ang labis na pagkagulat. Sinamaan ko ng tingin si Cattleya na ngayon ay tawa nang tawa. "H'wag mo nang uulutin iyon. Mamamatay ako sa'yo!"

"Sorry, may ibabalita kasi ako sa'yo." Napatingin ako sa kaniya. Hinila niya ako sa aking braso at dinala sa bandang likuran.

"Ano ba iyon?" Parang lukaret kasi itong hinahawakan ang buhok ko. Ewan ko ba rito. Palaging hinahaplos-haplos ang straight natural hair ko. Curly kasi yung kaniya e. Ganon kasi ang style niya kapag sumasali sa pageant.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon