🌸CHAPTER 2🌸

16.3K 287 2
                                    

Chapter 2

Cattleya's POV

Hindi ko na namalayan kung paano ako nakauwi sa unit ko. Hindi ko rin alam kung paano natapos ang usapan namin nila Leo at Niccolo basta ang isa lang ang natatandaan ko at malinaw sa isipan ko...

Flashback

"N-no. I can't. I'm sorry," turan ko sa dalawang lalaking nasa aking harapan. Kanina pa nila ako  kinukulit at aaminin ko, nauubos na ang pasensya ko.

"We'll give you high salary for this, Leya. Please, accept this job." Nagpuppy-eyes pa si Leo habang magkadikit ang mga kamay na akala mo ito ay nagdarasal. Umiling ako pero natigilan.

"High salary?"

"Name your price, Cattleya." Seryoso pa rin itong nakatingin sa akin habang nakahalukipkip.

Lumapit si Cattleya sa pinto ng office ni Niccolo at ni-lock ito.

"Teka lang, huh? Can you please enlighten me? Bakit ba ako pa ang gusto ninyong maging secretary ng CEO ninyo, e, pwede namang isa sa inyong dalawa or maghanap kayo." Hindi na ako nakatiis. Nagtagalog na ko.

"We already did the latter, but we always failed. Palagi niyang pinapaalis."

"E, baka masama ang ugali nung boss ninyo,"  pagbibiro ko.

"Sobra. He's the devil of millenial." Naitutop ko ang mga kamay ko nang marinig ang sinabi ni Leo. Hindi ko akalain na totoo pala ang biro ko.

"O, tapos ako ang gagawin ninyong sekretarya niya, e, alam naman pala ninyo na masama ang ugali no'n. Grabe kayo sa akin." Medyo mataray ang nagamit kong tono.

"Are you going to accept the job or not?" Tila napipikon na sabi ni Niccolo. "You can reject it but I'm telling you, you can now look for another job in other company," dugtong pa nito.

"Hala! Unfair naman no'n. Nagpakapagod na kaya ako sa pabalik-balik na interview. May mga requirements na rin akong nakahanda." Pagmamaktol ko. Siniringan sila ng tingin.

"Sa tingin ko magkakasundo kayo ni Steve." Biglang sumeryoso ang aura ko nang marinig ang pangalan na binanggit nito.

"N-nino?" halos pabulong kong tanong sa mga ito.

"Steve Johnson Fill."

End of flashback

I am the new hired secretary of Steve Johnson Fill.

Ang aking first love.

Ang aking first kiss.

Ang aking first sa lahat.

At aking EX.

Napasabunot ako sa aking buhok nang maalala ang lalaking minahal ko nang todo.

"O, bakit para kang baliw d'yan? Anong nangyari sa final interview?" Lumingon ako sa babaeng pumasok sa pinto. Si Janice, matalik kong kaibigan.

"Nice, buti na lang dumating ka. I need you help. I need your fucking help!" Natataranta ko siyang hinila paupo sa harapan ko. Mababakas naman sa kaniyang mukha ang labis na gulat.

"Wala akong pera, Catt! Ako pa nga ang mangungutang sa'yo, e!" aniya sabay ngiti na akala mo isang aso.

"Great! You need money? I can help you, but I need your help muna." Nilabas ko ang laptop ko at may pinindot doon. Ilang minuto pa ang lumipas ay iniharap ko na ito sa kaniya.

"O, ano'ng meron d'yan sa website ng Voice Global Company?" Parang engot niyang tanong. I tapped the 'About The CEO' icon at tama ako. Nanlaki rin ang mga mata niyang singkit nang makita niya't makilala ang nasa picture.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon