Chapter 27
Cattleya's POV
MARAHAN akong napadilat nang maramdaman kong may humahawak sa aking kamay. Malabo pa nung una pero ilang sandali lang ay luminaw na rin. Si Sir Steve pala.
Bigla akong umayos ng upo nang maalala ang huling nangyari na kasama ko siya.
"Don't move," aniya habang hawak pa rin ang kamay ko. Umayos pa rin ako ng upo ko pero inalalayan niya ko. "Dahan-dahan sa mga kilos," malambing na wika niya sa akin. Inayos din niya ang unan ko at tinanong kung komportable na ba ako. Tumango naman ako.
"A-anong nangyari? A-ang b-baby ko? Kumusta siya?" Naramdaman ko na naman ang takot at pangamba sa aking dibdib. Naninikip at nahihirapan na naman ako huminga.
"Shh... calm down. Maayos ang baby natin." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hinalikan niya ako sa akin ulo habang hinahaplos-haplos ang likod ko.
"T-totoo ba 'yan? N-nasa tiyan ko pa rin ang baby ko?" tanong ko sa kabila ng paghikbi. Inilayo niya ako ng kaunti sa kaniyang pagkakayakap saka hinawakan ako sa aking pisngi.
Nakatitig siya sa aking mga mata habang nakangiti. "Baby natin, okay? Yes. Totoo. Mabuti na lang talaga at nadala kita agad dito kung 'di baka may nangyari na sa inyong dalawa ng baby natin. I'm sorry for everything, honey." Muli na naman akong naiyak nang binigkas niya ang salitang 'sorry'.
Wala akong nagawa nung mga oras na iyong kung hindi ang umiyak habang yakap-yakap siya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Tila bumalik kami sa dati ni Sir Steve.
"Babawi ako sa'yo. Babawi ako sa inyo ni baby natin. Babawi ako, huh?" Naluluha niyang sabi. Napayakap na lang ako sa kaniya ng mahigpit.
"P-pero paano 'yung mga babae mo? Baka iwanan ka nila kapag nalaman nilang magkakaanak ka na," nakanguso ko pang sabi.
"Babae?"
"Oo. 'Yung Claui at Max. 'Yung kung halikan ka, wagas. Ang sarap putulan ng dila!" gigil na gigil kong saad.
Tumawa muna ito bago sumagot, "Flings ko lang sila. Ginamit ko sila para pagselosin ka. At mukhang effective naman," ngumisi ito nang nakakaloko kaya siniringan ko lang siya ng tingin.
Yinakap niya ako habang marahan na humahaplos sa aking tiyan na hindi pa gaano halata.
Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang masarap na pakiramdam na kaniyang ginagawa.
Hindi man binigay sa amin ng Diyos ang unang anak namin, binigyan pa rin Niya kami ng isa pang pagkakataon.
"UBUSIN mo ang mga binili kong prutas sa'yo, okay? Kailangan mga fresh at healthy food lang ang kakainin mo. Bawal sa'yo ang mga softdrinks pati na rin ang maaalat at mamantikang pagkain." Parang doktor kung magbilin sa akin ang lalaking ito. Nagbabalat siya ngayon ng ponkan habang ako naman ay kumakain ng mga nabalatan niya. Paminsan-minsan akong napapangiti dahil sobra siyang maalaga ngayon.
Palagi siyang nakaalalay sa lahat ng kilos ko. Ganito pala ang pakiramdam ng maalagaan ka ng taong mahal na mahal mo. Feeling mo ay safe ka palagi.
"Siya nga pala, lahat ng gamit mo sa kwarto mo ay ipapalipat ko na sa kwarto ko," aniya sabay abot nung ponkan na nabalatan na niya.
"Huh, bakit naman?" tanong ko.
"Gusto ko palagi kitang nakikita. Gusto ko ako mismo ang mag-aalaga sa inyo ng baby natin. Okay?" wika nito. Hindi na lang ako umimik. Iyon din naman ang gusto ko.
"Hon..." napalingon ako sa kaniya. Seryoso siya habang nakatitig sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng pagka-ilang.
Bakit ba palagi na lang tinatambol ang dibdib ko sa tuwing kasama ko siya.
BINABASA MO ANG
LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturDate started: January 20, 2017 Date completed: Febuary 27, 2017 All Rights Reserved 2017 (c) EmpressAffy13