Chapter 12
Agatha's POV
"Mommy, I want pizza." Sinulyapan ko si Tyrone na ngayon ay nasa harapan ko. Kanina lang ay abala ito sa pagkain ng fried chicken at pasta tapos ngayon pizza naman. "Please...." yumakap pa ito sa bewang ko.
"Baby, marami ka nang nakain. Baka sumakit ang tummy mo." Hinawakan ko pa ang pisngi niya bago ginulo ang buhok.
"Alright. P'wede po ba ako maglaro sa playhouse na 'yon?" Tinuro pa niya ang kamay niya roon sa isang side ng mall. May isang playhouse nga ang nandoon at maraming bata ang naglalaro.
"Let's see, okay?" Pinunasan ko ang bibig niya dahil may sauce pang nakadikit. "Tapusin mo muna 'yang nasa plate mo, I'll call your Mamita Anna bafore tayo magpunta sa playhouse na 'yon." Tumango naman ang anak ko sa akin.
Kinuha ko ang bag ko at kinapa sa loob noon ang phone ko. I dialled my mom's number.
"Hello, anak. Medyo mala-late ako nang dating diyan sa mall. Medyo traffic pa dito e pero on the way na ako."
"Alright, Mom. Gusto kasi ni Tyrone maglaro muna. Doon mo kami puntahan sa playhouse na katapat nung napag-usapan nating restaurant."
"Sige." Iyon lang at tinapos ko na ang tawag.
"Mom, I'm done. Can we go now?" Natatawa pa ako sa gestures ni Tyrone. Kamukhang-kamukha niya ang Daddy niya.
"WHAT DO you mean na nagkita kayo? Nakilala ba niya si Tyrone?" tanong sa akin ni Mommy habang nakaupo kami dito sa waiting area. Nasa loob na kasi ng playhouse si Tyrone at abalang-abala sa paglalaro kasama ang iba pang mga bata.
Umiling ako. "Hindi ko alam, mommy. Saglit na saglit lang kasi." Nakatanaw lang ako sa anak ko. Napapangiti ako kapag nakikita kong masaya siya at nag-e-enjoy.
"Bakit ba kasi nagpunta pa kayo sa lugar na 'yon? Alam mo na may tyansa na makita mo silang dalawa doon," wika ni Mommy habang nakatingin sa phone niya.
"Do'n kasi nakatira 'yung isang kaibigan ko. Akala ko naman kasi hindi na magtatagpo pa ang mga landas namin."
"Pero sabi mo, una mong nakita si Cattleya tapos mayamaya naman noon ay si Steve naman? Sila ba? Nagkabalikan sila?" Nakaramdam ako ng paninibugho.
'Nagkabalikan nga ba sila? Paano?'
"Hindi ko alam. Matagal kaming walang komunikasyon ni Cattleya kaya hindi ko na alam kung ano-ano ang mga nangyayari sa kaniya." Kumaway ako kay Tyrone kasi nakita ko siyang kumakaway sa akin.
"Paano kapag nalaman nila?" Napatingin ako kay Mommy. Hindi na niya hawak ang phone niya at seryoso na itong nakatingin sa akin.
'Paano nga ba kung malaman na nila?'
'Kakayanin ko ba?'
Umiling ako. "Hinding hindi nila malalaman."
"Hanggang kailan mo ba itatago ang bata sa kanila? May karapatan sila--"
"Enough, Mom. Ako lang ang may karapatan kay Tyrone. Ako lang. Wala nang iba."
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag kinuha nila sa akin ang anak ko. Mahal na mahal ko si Tyrone higit pa sa buhay ko. Sa kaniya ko na binubuhos ang lahat ng atensyon at pagmamahal ko.
'Binigay na siya sa akin ni Tita Cynthia.'
'Akin na si Tyrone. Sa akin lang'
Flashback
5 years ago."T-tita, buntis si Cattleya. Paanong gagawin natin?" Umiiyak kong balita kay tita Cynthia. Mahahalata sa kaniyang mukha ang pagkagulat. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop.
BINABASA MO ANG
LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)
General FictionDate started: January 20, 2017 Date completed: Febuary 27, 2017 All Rights Reserved 2017 (c) EmpressAffy13