🌸CHAPTER 19🌸

9.3K 155 7
                                    

Chapter 19

Cynthia's POV

ABALA AKO sa pagpili ng mga damit ko rito sa loob ng mall. Kasama ko si Lolita na siyang nagdadala ng aking pinamili.

"Lolita, sa'n ba tayo p'wede kumain?"

'Madam, subukan kaya natin sa Mang Inasal?" suhestiyon niya. Napatingin naman ako sa kaniya. Kay lapad ng ngiti nito.

"Ano ba ang specialty nila roon? Pasta?"

"Pasta? Oo, Madam. Mayroon silang palabok saka pancit. Pero inihaw na chicken ang best seller nila at unli rice."

"Ang cheap mo, Lolita! Gusto ko kumain sa isang mamahaling restaurant." Ismid ko sa kaniya. Napansin ko naman na napakamot siya ng ulo. "Halika sa counter, bayaran na natin itong mga napili kong damit." Nauna na ako sa kaniya at hinayaan kong buhatin niya ang mga damit na nakahanger pa.

Medyo mahaba ang pila sa counter kaya naupo na muna ako sa isang silya.

"Hello po!" Napalingon ako sa isang bata na siguro ay nasa edad lima hanggang pitong taon. Nakasuot ito ng asul na poloshort, maong jagger at nike rubber shoes.

"Hi," tipid kong bati sa kaniya. Nakangiti lang siya sa akin.

Hindi ko siya pinapansin dahil una sa lahat, hindi ako mahilig sa bata. Pangalawa, naiinis ako sa kaniya.

"Tyrone! Kung saan-saan ka na naman nagpupupunta. Baka hindi kita mapansin, mawala ka." Isang babae ang tumayo sa likod nito.

Dahan-dahan ko itong tiningnan. Laking gulat ko na lang ng makilala ang babae na ngayon ay nakatayo sa aking harapan.

"T-tita C-Cynthia?" tanong nito sa akin. Ilang minuto rin ang nagdaan bago ako nakabawi.

"Mommy, kilala mo po siya?" tanong ng bata na kaninang bumabati sa akin. Napatingin ako rito. Bigla akong kinakabahan.

'Hindi kaya....'

"Yes, Tyrone. Kilala ko siya," ani Agatha na ngayon ay nakatitig sa aking mga mata. Hinawakan niya sa mga balikat ang batang malusog na ito.

"Siya ba yung--"

"A-anak ko p-po. S-si Tyrone." Napangiti ako.

Yumuko ako upang maging kapantay ng mukha ko yung batang si Tyrone. "Hello, Tyrone." Ngumiti lang ito sa akin.

.

"ALAM MO bang nagtatrabaho bilang secretary ni Steve ang kaibigan mo?" Napalingon siya sa akin. Nakaupo kaming dalawa ngayon sa isang coffee shop. Sina Lolita at ang batang si Tyrone naman ay nasa kabilang table. "Well, paano mo nga pala malalaman. E, hindi ba't iniwan mo bigla ang matalik mong kaibigan?" Tumawa ako nang mahina. Puno ng sarkasmo.

"S-secretary?" Tila walang alam niyang tanong. Humigop ako ng kape ko bago magsalita.

"Yes," turan ko. "Hindi ka ba magagalit? Baka magkabalikan sila. Hindi ba't mahal mo ang step-son ko?"

Hindi ito sumagot. Nababasa ko sa mga mata niya ang sakit dulot ng balita ko.

"At ang batang iyan," sabay kaming napalingon sa batang tawa nang tawa habang kinikiliti ni Lolita. "Siya ang anak ni Cattleya at Steve, hindi ba?"

"H-hindi po. A-anak ko po si T-tyrone. Ako ang mommy niya. Ako lang!" Natawa ako ng mahina.

"You can't fool me, Agatha. Baka nakakalimutan mo. Ako ang nag-utos sa iyong itakas at ilayo kay Cattleya ang bata." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Tita Cythia, bakit ba pinagpipilitan ninyong si Cattleya ang ina ng bata? Patay na ang batang pinatakas ninyo sa akin. Hindi siya nabuhay." Nag-iwas ito ng tingin sa akin. Napahalukipkip na lang ako ng mga braso ko.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon