Chapter 7
Cattleya's POV
HALOS mapasigaw ako nang ipasok niya ang kaniyang isang daliri sa aking perlas. I never knew na ganito pala kasakit kahit pangalawang beses na namin itong gagawin.
"Fuck!" Narinig kong mura niya.
Nataranta naman ako nang may dugo akong makita sa daliri niya. Siya naman ay tulalang napasabunot sa buhok niya. "W-what's the meaning of this blood? Mayro'n ka?"
Napailing ako. Next week pa ang schedule ko ng aking menstration. Napatayo siya at naglakad pabalik-balik.
Ang sakit ng ibabang bahagi ko. Para akong nanibago. Kasi naman e, ang tagal na nang huli naming gawin iyon.
"Magbihis ka na," malamig na turan nito sa akin. "Bilisan mo!" Nagulat naman ako nang sumigaw na siya. Mabilis naman akong naupo at kinalas ang pagkakasinturon ng kamay ko.
Wala kaming imikan habang nasa daan kami. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isipan.
"S-saan tayo pupunta?" Hindi ko napigilang tanong.
"Sa bahay mo." Walang lingon niyang sagot. Napatingin na lang ako sa bintana.
Nilibang ko na lang ang aking sarili sa pagtanaw ng mga tao sa kalsadang aming nadaraanan.Huminto ang kotse nito sa parking area ng building kung saan nandoon ang aking unit. Nauna siya bumaba habang ako naman ay hinintay na pagbuksan niya.
Narinig kong kumatok siya sa bintana. Lumingon lang ako sa kaniya at sumenyas naman itong bumaba na ko.
Bumaba na lang nga ako at walang lingon na humakbang papunta sa elevator. Nakasunod naman ito. Nakakaramdam ako ng pagkadismaya. Hindi lang sa hindi niya pagbukas ng kotse, isama pa yung nabitin ako kanina. Ang sakit kaya sa puson.
"What floor?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Pinindot ko na lang ang number five.
Kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator. Naiinis pa rin ako sa kaniya. Kanina akala ko, maayos na kami pero biglang nagbago. Daig pa ang bipolar. Humalukipkip na lang ako.
'Nakakalito ka naman, Steve'
Tumunog ang elevator at saka ako lumabas. Nagpatiuna pa rin ako kaya hindi ko alam kung ano bang ginagawa niya.
"Wait for me!" Hindi ko siya pinansin. Basta dere-deretso lang akong naglakad patungo sa unit ko.
Malapit na sana ako nang may batang lalaki ang bamunggo sa akin. Tantiya ko ay nasa edad apat o limang taon na ito. Nabitawan nito ang laruang kotse pero mukhang hindi nito napansin.
'Steven...'
Napapikit ako nang mariin.
'Naalala ko na naman siya'
"Sorry po, tita." Tila isang anghel ang nagsalitang bata. Tumalungko ako upang maging magkapantay kaming dalawa. Inayos ko ang kaniyang buhok na medyo gulo-gulo pa.
"It's okay. Sorry din, huh? Hindi kita napansin," Nginitian ko ito habang hinahaplos ko ang braso nito. "What's your name? Sinong kas--"
"Tyrone!" halos ma-istatwa ako sa aking pagkaka-upo nang makilala ko ang babaeng nakatayo ngayon sa gawing likod ko. Lumapit ito sa bata.
Tila nagulat din ito nang mapatingin sa akin.
"A-Agatha..." Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harapan ko. All this years, akala ko nasa U.S.A siya.
"C-cattleya," ngumiti ito sa akin mayamaya. "K-kumusta?" Napansin ko na hinawakan niya yung batang lalaki at iginiya sa likuran nito.
"Mabuti naman ako. Ikaw? Baby mo?" Patungkol ko sa batang sumisilip sa akin.
BINABASA MO ANG
LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)
General FictionDate started: January 20, 2017 Date completed: Febuary 27, 2017 All Rights Reserved 2017 (c) EmpressAffy13