Chapter 6
Cattleya's POV'Ano raw? Tama ba ako nang narinig?'
"What?" tanong ko sa kaniya.
"Break with him." Nakatingin na ito sa kalsada. Seryoso at huminga pa muna nang malalim bago nagsalita. "Be my partner... in bed."
Napatutop ako nang marinig iyon.
'Ano ba akala nito sa akin? Kaladkarin?'
"Are you crazy? Gusto mo ko maging bed partner mo? Bakit ako? Saka, nandyan naman ang girlfriend mo. Bakit hindi siya ang ikama mo!" bulyaw ko sa kaniya.
"Bakit? Malalaman ba niya?"
"Fuck you, Steve!" mura ko sa kaniya.
"Hindi ka pwede tumanggi dahil nakapirma ka sa kontrata bilang secretary ko. So, wala kang magagawa kungdi ang pumayag."
"Secretary mo lang ako. Hindi ako puta," galit kong sabi sa kaniya.
"Makukulong ka."
"Ano? Hindi mo pwedeng gawin sa akin 'to, Steve."
"Sir Steve! I am your boss," matigas na sabi nito.
"Pwes, magreresign na lang ako." Akma kong bubuksan ang kotse nito nang pigilan niya ko.
"Bakit ba ayaw mong pumayag? Dahil ba mas masarap yung Dexter na iyon?"
'Bakit ba ang sakit-sakit kapag ganitong pinagsasalitaan niya ako nang mga bagay na ganon? Ganoon ba ako karumi sa paningin niya?'
"Basta ayaw ko," sabi ko. Pinipigilan kong maiyak sa harapan niya. "Kahit konti sana isipin mo 'yung nararamdaman ko."
"At bakit naman?" Walang emosyon na tanong niya sa akin. Napapikit ako.
'Oo nga naman. Bakit ko ba nasabi 'yon?'
"Oo nga pala, wala kang pakielam sa akin. Hindi mahalaga sa'yo ang nararamdaman ko." Mapakla akong ngumiti.
Hindi ito kumibo. Pinaandar nitong muli ang makina nang kaniyang sasakyan. Pumikit na lang ako dahil gusto ko ipahinga ang isipan ko.
NARAMDAMAN KO ang mainit na labi na dumadampi sa aking pisngi. Dumilat ako at laking gulat ko nang makita ko ang nakangising si Steve. Ang gwapong mukha nito at mga mata ay mapungay na nakatingin sa akin.
Masyado siyang malapit sa akin kaya pakiramdan ko ay walang aircon dahil ang init ng pakiramdam ko. Nag-iwas ako nang tingin. Para akong lalagnatin. Lalo na nang hawakan niya ang baba ko upang mapatingala ako at muling magtama ang aming mva mata.
Nanigas naman ang katawan ko nang bigla niya akong hawakan sa bewang at yakapin.
"I missed you, Catt," bulong nito.
Hindi ko alam kung gaganti ba ako nang yakap dito o hindi.
"Please, be my bed partner. Promise, hindi na ako magiging rude sa'yo." Hinawakan pa nito ang pisngi ko dahilan kaya napangiti ako.
'Totoo ba ito?
Talaga bang hindi na siya galit sa akin?'
"S-sige, Sir..."
HINDI NA ako pinapasok ni Sir Steve nang araw na iyon. Guess what?
Nandito kami ngayon sa condo niya. Oo, but don't get me wrong. Ewan ko ba rito. Sinapian yata ng kung sino. Paano ba naman pagkatapos niya akong dalin dito, pinagluto't pinagsilbihan niya ko.
BINABASA MO ANG
LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)
General FictionDate started: January 20, 2017 Date completed: Febuary 27, 2017 All Rights Reserved 2017 (c) EmpressAffy13