🌸CHAPTER 11🌸

11.8K 195 4
                                    

Chapter 11

Cattleya's POV

Exact 4 o'clock in the afternoon nang matapos ang pag-iinterview ko sa mga applicants. Grabe! Dumugo ang ilong ko sa kanila. English kung english. Buti na lang marami akong baon.

Bumalik ako sa cubicle ko at naupo pagkarating ko doon. Sinandal ko ang likod ko sa swivel chair saka medyo ginalaw-galaw ang leeg ko. Napadako ang mga mata ko sa pintuan ng office ni Sir Steve.

'Galit pa kaya siya?'

'E, ano naman ang pakielam ko? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya, 'di ba?'

Umigtad ako nang marinig ang telepono ko. Nanginginig kong sinagot iyon. "Hello, Sir Steve."
Walang sumagot sa kabilang linya. Pero bahagya kong naririnig ang mabibigat na paghinga ng lalaki sa kabilang linya. "Sir? May kailangan po ba kayo?"

"Get inside," anito at namatay na ang linya.

'Na naman?'

Para naman akong kinakabahan. Parang nakaramdam ako ng pag-aalala. Hindi maintindihan. Mabilis akong tumayo at lumapit sa pintuan. Huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang seradura.

Halos mapangiwi ako nang maramdaman na mainit sa office nito. Medyo madilim sa labas dahil mukhang may bagyo raw na paparating. Nakababa din ang mga kurtina kaya lalong dumilim sa loob.

Sinubukan kong aninagin kung nasaan si Sir Steve. Wala siya sa swivel chair niya.

Napasinghap na lang ako nang makita ko siya nakahiga sa sofa.  Nakabaluktot ito ng bahagya at medyo nanginginig. Lumapit ako sa kaniya at naupo. Hinawakan ko siya sa braso kaya laking gulat ko nang mapaso ako sa init nito.

"M-may lagnat ka." Natataranta kong sabi sa kaniya. "I-ikukuha kita ng gamot." Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay at hilahin. Dahilan upang mapayakap ako sa kaniya. Naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa bewang ko.

"Much better," narinig kong bulong niya. Hindi ako kumibo. Hinayaan ko lang na ganoon ang gesture naming dalawa.

"Kailangan mong uminom ng gamot," hinawakan ko ang kaniyang noo at pisngi niya. Nakapikit siya at alam ko, masakit ang ulo niya. Halata kasi sa ugat na nasa tapat ng kaniyang sintido.

"Mamaya na, dito ka lang," paki-usap niya sa akin.

Hindi na ako kumibo.

Nag-aalala ako sa kaniya. Kasalanan ko ito e. Kung kanina pa sana ako pumasok at humingi ng sorry, baka nalaman ko na agad na masama na ang pakiramdam niya.

Nakokonsensya ako.

'I'm sorry, Sir Steve'

ILANG MINUTO pa ang lumipas na ganoon lang ang pwesto namin. Alam ko bahagya na siya pinagpawisan. Kinapa ko ang likod niya at tama ako. Basang-basa na ito sa pawis.

Hindi na ito pumalag nung pinilit kong tumayo at kumalas sa pagkakayakap niya. Marahil ay nakatulog na ito.

Lumapit ako sa lamesa nito at dinampot ang telepono. Tinawagan ko ang nurse na naka-duty sa clinic ng company. Pinapanhik ko siya sa dito sa opisina ni Sir Steve upang magdala ng gamot, dalawang towel at basin.

Hindi naman nagtagal at kumatok na sa pinto ang nurse na si Joana. Dala nito ang mga pinadala ko. May dala din itong t-shirt na pamalit ng binata.

"Thank you, Joana," wika ko rito. Naglabas ito ng thermometer upang tingnan ang temperature ni sir Steve. 38 degree pa ang temperatura nito kaya sinabihan niya akong punas-punasan ang katawan nito ng basang bimpo at tuyo hanggang maging normal na ang temperatura nito.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon