🌸CHAPTER 8🌸

12.4K 202 4
                                    

Chapter 8 - Flashback 7 years ago -

Cattleya's POV

"Agatha," tawag ko sa matalik kong kaibigan. Kanina ko pa hinahanap. Tama ako, nandito lang siya library at ginugugol ang sarili sa pagbabasa.

"Shhh," suway nung librarian sa akin. Napangiti na lang ako at napa-peace-sign dito. Tumabi ako sa kinauupuan ni Agatha.

"Nandito ka lang pala," turan ko sa kaniya na hindi manlang maistorbo sa kakabasa. "Kanina pa kita hinahanap."

"Ingay mo! Ano ba 'yun?" Iritang tanong niya. Ganiyan talaga siya. Medyo masungit.

"Kasi naman, inimbitahan ako ni Steve magdinner sa kanila." Kinikilig kong balita sa kaniya. Napansin kong sumimangot ito pero hindi ko na lang pinansin. Sanay na ako sa kaniya.

"So?"

"Samahan mo ko bumili ng damit!" Mahahalata sa boses ko ang excitement.

"Ge," tipid na sagot nito.

Napansin ko na maraming libro ang nakapatong sa lamesang nasa harapan niya. Nakidampot ako ng isa roon at binuklat.

"Mystery and triller?" Takang tanong ko.

"Yep."

"Bakit iba na yata ang type mong genre? Nung nakaraan puro horror tapos ngayon, ganito naman." Isa sa kinabibiliban ko sa kaniya ay ang matyagang pagbabasa ng mga aklat. Kung ako kasi ang tatanungin, it seems like boring. Mas gusto ko ang comics dahil may pictures.

"Gusto ko lang," tipid niyang sagot.

Napansin ko na wala talaga siyang balak na magsalita o sagutin ako. Nawawala yata siya sa konsentrasyon. Tumayo ako at tinapik siya sa balikat. "I have to go, text kita later kung saab tayo magkikita huh?" Tumango lang siya saka ako lumabas ng library.

Agatha's POV

SINUNDAN ko nang tingin ang bestfriend ko habang palabas ng silid-aklatan. Lihim akong nainis sa aking sarili dahil nakakaramdam na naman ako ng pagkabwisit sa kaniya.

'Masama ba akong kaibigan? Masasabi ba na plastic ako?'

Naisara ko na lang ang aking libro at saka dumukdok sa lamesa.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko," wika ko ng wala sa sarili. Ilang minuto pa akong nanatili sa ganoong pasisyon bago tumayo at nilisan ang library.

Palihim akong sumunod kay Cattleya na ngayon ay nakasalampak sa bermuda grass sa garden sa loob ng campus. Nagkukubli ako sa isang pader kung saan hindi ako makikita ng kaibigan ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking palda. Matagal ko itong tinitigan bago ako nagdesiyon na idial ang number ng isang tao.

Ilang ring muna ang nagdaan bago may sumagot sa kabilang linya.

"Hello?"

"H-hello, tita Cynthia? S-si Agatha po ito." Pagpapakilala ko. Labis-labis na kaba ang namamayani sa aking dibdib ngayon. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko hindi.

"Agatha? Best of friend ni Cattleya?"

"Y-yes, may ibabalita lang po ako sa inyo tungkol sa pamangkin ninyo at k-kaibigan ko."

"Really? Alright, magkita tayo. I'll text you the place. Meet me there later," anito bago namatay ang linya.

Muli kong sinulyapan ang kaibigan ko. Para namang piniga ang aking puso nang makita ko na kasama na nito ngayon ang boyfriend niya, si Steve.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon