Seven

729 8 0
                                    

*Someone's POV*

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala.. Naisayaw ko sya at nalapitan sa personal.

Oo, ako ang huling nakasayaw nya at naduwag na magpakilala sa kanya, kahit alam ng puso ko kung gaano ko na kagustong umamin sa kanya at patunayan ito sa kanya.

Kaya ako tumakbo, dahil ayaw kong guluhin muna ang pananahimik nya at pansamantalang pagmomove on. Mas mahihirapan lamang sya kung dadagdag pa ako sa gugulo sa nararamdaman nya, mabuti na lang at manatili akong ganito na nasa malayo at pinagmamasdan sya at palihim syang minamahal.

*Lessa's POV*

Kumakain kami ngayon sa cafeteria ng lunch namin. Kinukwento ko din kela Khrischa at Sheryl kung ano ang nangyari sa akin kagabi.

"Ano ka ba Lessa! Bakit hindi mo natanong yung pangalan nya? Kung ako sayo tinanong ko muna sya bago ako sumagot sa verse ng tula nya." Sabi ni sheryl sabay kamot sa batok na animoy naiirita sya sa pagiging timang ko.

"Eh sorry naman! Masyado akong nagulantang kay kuya eh! Naghabilin pa sa akin ng mask nya. Hanggang ngayon nga eh, hindi ko pa rin naisip kung paano nya nabigay sa akin yung mask nya nang di ko nakikita mukha nya." Sabi ko sa kanila.

"Malay mo! May superpowers si kuya! Kaya naibigay sayo ang mask nya ng walang kahirap-hirap!" Sabi ni Khrischa na dahilan kung bakit sya nabatukan ni Sheryl.

"Aray! Solid yun ah!" Sabi niya habang nagtitimpi na gantihan si Sheryl.

" kung anu-ano kasi pinagsasasabi mo! Hello?! Millennials na tayo beshie! Hanggang ngayon ba may nag- eexist pa ding superpowers?!" Sabi ni Sheryl.

Napayuko na lamang tuloy si Khrischa.

"Kidding aside Beshie, ano nang balak mo?" Tanong sa akin ni Khrischa.

"Edi kung anong gusto ni kuyang gawin ko, na itago mask nya tapos ipakita sa kanya kapag nagpakilala sya sakin, yun na lang muna gagawin ko. Hindi ko muna tututukan yan. Ang mahalaga, may nakilala akong bagong kaibigan na maaring katulad nyo :)" sabi ko sa kanila.

Tinitigan ko ulit yung mask na binigay nya sa akin,

Paano kita hahanapin kuya kung ikaw mismo, ayaw mong magpakita? Alam mo ang pangalan ko, pero ang pangalan mo hindi mo manlang sinabi :(

-----------------------------
Hey readers! Eto na po ang Chapter 7 and last upload ko for tonight :* salamat po ulit sa suporta nyo :* God bless po ^^
Chapters 8-10 naman po bukas :) Good night and God bless guys! :*

Love Comes UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon