Ten

608 8 0
                                    

*Someone's POV*

At dahil gusto kong mapangiti ko ulit si Lessa ngayong araw, naisipan ko syang itext.

"Mag-ingat ka sa pag uwi... Marami pa ang iyong tatahaking daan tungo sa pagngiti at pagiging tunay na masaya."

Alam ko rin kasing pauwi na sya dahil ayun ang kadalasang ginagawa kapag summer classes tapos 1 week before ng prelims.

Ayos lang sa akin kahit hindi sya makapagreply, dahil alam kong masyado syang busy mag empake para umuwi ng condo nya sa Laguna.

Bakit ko alam?

Dahil kung hindi nyo naitatanong, may unit rin na binili ang lolo ko para sa akin doon mismo sa tapat ng unit ni Lessa.

Bakit? Isa lang naman ang dahilan.

Dahil gusto ko syang laging protektahan sa kahit anong sakit na maaring pang makadagdag sa sakit nyang patuloy pang nararamdaman.

8pm na.. Saka ko lang narinig ang pagbukas ng pinto sa unit ni Lessa.

Makalipas ang dalawang oras, 10pm na..

Oras na ito para si Lessa ay matulog. Kaya tinext ko sya ulit.

"Nawa'y mahimbing kang makatulog sa gabing ito, Good night Lessa :)"

Message Sent!

"Salamat po. Good night :)" reply rin nya sa akin.

At mahimbing na rin akong makakatulog :)

*Lessa's POV*

At dahil Friday ngayon, naisipan kong magdrive papuntang Mall of Asia.

Nagtataka siguro kayo kung bakit mag isa lang ako palagi noh?

I have a very busy parents, by the way, their names are, Chef Maria Lara Thompson and Matheo Dale Thompson. They are the owners of Cafe la Daria and The Resort and Restaurant, Casa La Lathessandra, one of the famous businesses that has ever established in the Philippines.

Sa sobra nilang busy, wala na silang time para sa Unica Hija nila. Kaya naisipan ko, ang hirap din pa lang maging mayaman na ikaw lang ang anak, damang dama mo ang lungkot, buti na lang at naging kaibigan ko sila Khrischa at Sheryl, ginagawa nila ang lahat para hindi ko maramdaman na mag isa na lang ako sa buhay dito sa Pilipinas.

Nasa London kasi ang parents ko, balak ko rin namang sumunod doon kapag nakagraduate na ako ng Culinary Arts, 3rd year na ako. Isang taon na lang at mag aaral na ako ng isang taon sa London para sa specialization ko sa baking at pasta making.

After 40mins of driving, finally nakarating din ako :)

Naglibot libot muna ako sa mga make up stall. Hindi naman ako mahilig mag make up, kaso lang minomonitor kasi ng mama ko yung mga make up na meron ako, dapat every deposit nila ng pera sa account ko, may nabibili akong make ups, bags, shoes at damit. Kaya yung condo ko, pinalagyan ko na lang ng secret closet, andun lahat ng collection ko.

Anyways, after kong bumili ng make ups at bags, bumalik muna ako sa kotse ko saka ako pumunta sa isang branch ng restaurant namin dito rin sa MOA.

"Hi miss Sandra! Masaya po kami at bumalik po kayo dito, upo muna kayo para mabigyan na namin kayo ng menu at makakain na kayo" sabi sa akin ni Lia, isa sa mga staff nila Mama dito sa resto.

"Naku, huwag na Lia, kaya ko naman umorder ng walang menu, bigyan mo na lang ako ng isang platter ng Lasagna, Beef and Mushroom Paella, Macaroni Soup at Avocado Salad. Iced tea bottomless ang drinks" sabi ko sa kanya sabay abot ng card.

"Okay po maam, doon ka po ba uupo sa sarili nyo pong table? Iyon po kasi bilin sa amin ng parents niyo eh"

"Ah ganun ba, eh yun ang gusto nila, okay sige" nakangiti ko na lang na sabi sa kanya.

After 15 mins, nasa harapan ko na lahat ng inorder ko, grabe namiss ko ito! Wag kayong mag alala, hindi na ako tumataba simula last year, tinatagtag ko kasi ang sarili ko sa work out kaya mas mabilis na ang metabolism ko compared nung first year pa ako.

After kong kumain, nagpaalam na ako kay Lia at naglibot libot ulit sa Second floor ng Moa. Doon ko nakita ang malawak na view papuntang telescope na pwedeng mong gamitin basta hulugan lang ng 5pesos :) . naglakad muna ako, hanggang sa may nakita akong familiar na built.

Hindi kaya, si Kuyamask yun?

Tinry kong itext si Kuyamask.

"Kuya, andito ka po ba sa Moa? Akala ko kasi, ikaw yung nandito sa Hallway papuntang Moa Eye eh. Dala ko po ngayon yung maskara nyo."

Ilang mins pa...

*bzzt*

"Sige pupuntahan kita dyan Lessa. Hintayin mo ako"

--------------------
Hey readers! Bibitinin ko po muna kayo xD sana po abangan nyo ang first meeting ni Lessa at Kuyamask! Maraming salamat po sa pagsuporta nyo :) bukas ko po ipopost ang Chapters 11-13 :) God bless :)

Love Comes UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon