(A/N: hi readers! sumingit lang po ako saglit. alam kong maraming naguluhan at maguguluhan dun sa last chapter na sinabi ni Zyler na magpinsan sila ni Zach wherein sinabi naman ni Zach nung Chapter 14 na magbest friend lang sila since elem. Dito nyo po malalaman kung bakit. Sige di na ako magiinterrupt. Enjoy reading!)
*Zach's POV*
Nakakaburyo pala ang mahabang pag upo sa eroplano. Actually first time ko lang din kasi magkaroon ng chance na maexperience ang international flight. Sa london pa ah! so much para sa first flight ko! akalain mo yun!
pero eto nga, nanunuod lang ako ng mga facebook videos. wala akong magustuhan sa youtube eh. wala pang update yung pinapanuod kong vlogger kaya sa facebook na lang muna ako... hanggang sa may nakita ako.
*Lessa sent you a message*
*Hi zach! napansin ko kasing busy ka these past few days, gusto sana kita alukin na samahan ako sa mall, attend tayo bookfair. Let me know if pwede ka ha. hanggang fri pa naman yun. Thanks! *Patay! nagmessage sya. paano na to? rereplyan ko ba? ano sasabihin ko?
At naisipan ko na lang na iwan sya ng maikling message...
*Hi lessa! naku pasensya ka na ha. Out of the country ako. may emergency kasi ako. Hayaan mo babawi ako pagbalik ko. Mag iingat ka palagi. Ingatan mo sarili mo ha. Wala ako jan eh hahaha*
*MESSAGE SENT!*sorry at di ko pa masabi sayo ha. masyado pang magulo eh. maiintindihan mo din to balang araw.
At dahil may ilang oras pa naman ako bago makarating sa destination, natulog muna ako...
*Lessa's POV*
At nandito na nga ako sa restaurant ng family namin. Dito namin naisipan ni Jess magkita dahil may sarili akong space na kahit magsigawan kami ng kausap ko ay hindi kami maririnig ng mga tao sa labas though transparent ang walls nya.
hanggang ngayon, di ko pa din lubos maisip kung bakit nangyari yun...
hanggang ngayon madami pa ding tanong sa isip ko na hindi masagot...
Bakit sya sumama kay Zyler?
Bakit sya nagsinungaling sa akin na yung araw na nagchat ako sa kanya?
yun din ang araw na umalis sya dahil sa emergency and turns out, si Zyler pala ang pupuntahan nya..
*Flashback*
YYYAAAAAAAAAASSSSSSS!!!! SA WAKAAASSS!!!!
sa wakas! tapos na din ako sa thesis!! I want to celebrate pero wala yung taong gusto kong makasama..
oo tama kayo, siya nga...
si Zach. wala eh... alam ko namang based sa actions nya, may gusto sya sakin. *ang assuming ko diba*
pero ayaw ko pa ding magbaka sakali kaya hanggang ngayon inaantay ko pa din na sabihin nya sa akin.
pero dahil nga buo na ang desisyon ko, binabalak ko nang umamin sa kanya once na magkita kami ulit.
Inaya ko sya nung araw na iyon na since nakita ko sa social media na may book fair yung paborito naming author, agad ko syang chinat. Masyado na din kasi syang busy sa buhay nya kaya naisip ko baka gusto nyang magunwind man lang...
*Hi zach! napansin ko kasing busy ka these past few days, gusto sana kita alukin na samahan ako sa mall, attend tayo bookfair. Let me know if pwede ka ha. hanggang fri pa naman yun. Thanks! *
*MESSAGE SENT*

BINABASA MO ANG
Love Comes Unexpectedly
Teen FictionMay mga bagay talagang akala mo maipapaliwanag, pero kahit anong gawin mo, hindi mo pa rin mahanapan ng tamang salita para bigkasin ito.. Isa na ang Love dyan.. Akala mo, alam mo na sya dahil sa dami na ng napagdaanan mo dito, pero kapag nagmahal...