Twenty-Two

68 0 0
                                    

*Lessa's POV*

*Flashback*

Dahil sa hindi ko na nakayanan na pagmasdan ang sitwasyon ni Zach, nagsabi ako sa guards na pupunta lang akong chapel para makapagdasal para kay Zach.

Nanginig ang mga tuhod ko pagbukas ng chapel...

lumuhod ako sa may harap ng altar at binuhos ko lahat ng gusto kong hilingin kay Lord.

*sobs* Lord, alam ko pong ma-" naputol ang pagdadasal ko nang bigla akong tinawag nung pinagbabantay ko kay Zach.

"Ms Lessa, may nangyari po kay Sir Zach! tara na po!" natataranta nyang sabi.

Lord please... wag muna ngayon... parang awa nyo na po...

*End of Flashback*

Nandito ako ngayon sa room ni Zach at kakaupdate lang sakin ng doctor.

Maya maya daw ay pwede nang magising si Zach at binilin nya na kapag nagising na sya, ay need ko daw tawagin ang mga nurse at doctor para macheck sya agad.

Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Zach habang hawak ang kamay nya. Gumaan na kahit paano ang pakiramdam ko dahil alam kong nasa ligtas na syang kalagayan.


Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nawala sya sa akin. 


Maya-maya, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang hawak ko ang kamay nya. Nagising ako dahil naramdaman kong may humawi ng buhok ko na nakatakip sa mukha ko. At laking tuwa ko nung nakita ko syang gising na at hawak ang pisngi ko.


"Les- sa? Pa-  paano ka nakarating d- dito?" nagtatakang tingin nya sakin kaya napabangon ako.

"Zach? May masakit ba sayo? Ayos ka lang ba? Teka tawagin ko yung doc-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil hinawakan nya ang kamay ko at pinigilan ako.


"Saglit lang, gusto kong sulitin to. Gaano na ba ako katagal na natulog? Ano ba nangyari sa akin?" hawak pa din ang kamay ko habang nagsasalita sya.

Pinilit kong pigilan ang sarili ko na umiyak pero dahil sa sobrang tuwa ko na gising na sya, sinabi ko na ang matagal ko nang dapat sinabi noon pa...


"Zach, bago ko sagutin ang tanong mo, may gusto akong sabihin sayo...."

"Tanda mo pa ba yung sinabi ko noon na gusto kitang kasama pumunta doon sa book fair? may sasabihin ako dapat noon" sabi ko habang nakatingin ako sa mga mata nya.

"An-" "Mahal kita Zach." pagputol ko sa dapat na sasabihin ni Zach na kinagulat nya.

"Sorry kung natagalan akong marealize yun, Masyado akong nagpabulag sa nakaraan ko at hindi ko nalaman agad na para sayo na pala ang nararamdaman ko." 

"Mahal din kita Lessa, matagal ko na din dapat sinabi yun sayo kaso mas inuna ko ang pagkakaibigan namin ni Zyler kaysa sa nararamdaman ko para sayo. Mabuti na lang at binigyan pa ako ng chance na mabuhay" sabi nya habang hawak ang kamay ko.


"Wag mo nang uulitin yan ha, hindi ko kayang mawala ka. " at hindi ko na naman napigilan ang sarili kong umiyak.

"Uy, wag ka nang umiyak. Ilang taon ba ako na-coma? ilang buwan lang naman eh."

"Sinong may sabi sayo? *sobs* 2 years ka pong comatose, ang nakarating pa ngang balita sa akin, patay ka na dahil sa *sobs* accident kasama si Zyler. Hanggang sa sinabi na sa akin ni Jess lahat. At tinulungan nya akong *sobs* puntahan ka dito dahil gaya ko; gusto ka rin nyang mabuhay at magsimula ng bagong chapter ng buhay mo." umiiyak kong sabi sa kanya.


*2 years later*

-----------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Hi readers! sorry for the late update! eto na po ang hinihintay nyong update <3 Enjoy reading po! Anyways, maraming salamat po sa patuloy nyong pagbabasa nitong gawa ko. Sana wag po kayong bumitiw hanggang sa ending nito.

Malapit na itong matapos, let me know in the comments if gusto nyong gawan ko ng part 2 itong book :) Ang mga magccomment po ay ilalagay ko sa dedication for the last 3 chapters <3 Keep safe everyone! God bless!


Love Comes UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon