Eleven

506 6 0
                                    

*Someone's POV*

"Anong ginawa mo pre! Nakilala nga ako ni Lessa nang nakatalikod ako, pero dapat hindi mo sya tinext ng ganon! Haist, kailangan ko tuloy syang harapin ng wala sa oras!" Naiinis kong sabi kay Chase. Paano naman kasi, ganito ang nangyari...

*flashback*

"Ui pre! Si Lessa yun oh! " nandito kami ngayon ni Jess sa may Telescope ng MOA. May pinabili kasi ang Mama nya kaya ayun, sinama ako.

Pagkaturo sa akin ni Chase kay Lessa, Nakita ko sya, mas lalo syang gumaganda sa natural nyang pagngiti dahil sa mga nakikita nya. Kaso nga lang nung napalingon sya sa direksyon namin, napansin nya ako kaya bigla akong tumalikod.

"Pre! May load kaba? Patext naman oh, hinahanap na ako ni Mama eh!" Sabi ni Chase.

"Oh eto. Wag mong itetext si Lessa ah." Sabi ko sa kanya.
Tumango lang sya.

Pagbalik nya ng cellphone ko, nagtaka ako kung bakit sya nagpipigil ng tawa.

At ayun, nakita ko sa Cellphone ko na nagtext si Lessa.

"Kuya, andito ka po ba sa Moa? Akala ko kasi, ikaw yung nandito sa Hallway papuntang Moa Eye eh. Dala ko po ngayon yung maskara nyo."

At ito ang nakita kong reply ni Chase -_- ...
"Sige pupuntahan kita dyan Lessa. Hintayin mo ako"

*end of flashback*

Haist. At wala na nga akong nagawa kung hindi puntahan sya.

Huwag ka ngang kabahan! Papakilala ka lang naman sa kanya hindi ba? Tapos syempre magkikilanlan kayo sa isa't-isa. Madali lang yan!

Sana nga! Haist.

Pagkatapos kong palakasin ang loob ko, nagpaalam na ako kay Chase, uuwi na rin kasi sya dahil hinahanap na ng Mama nya ang mga pinamili nito.

*bzzt*

"Okay po, Hihintayin ko po kayo sa MOA Eye. Andito lang po ako nakablack long sleeves at pink square pants."

Text ni Lessa sa akin.

Haist Lessa,kung alam mo lang na kanina pa kita tanaw dito...

At nakita ko nga sya doon malapit sa Ferris wheel.

"Uh, Hi Lessa" pagbati ko sa kanya.

"Kuya Mask? Nice to meet you" nakangiti nyang sabi sa akin.

"Zach Marcus Davis ang pangalan ko, nice to meet you again Lessa."

Nanginginig kong sabi kay Lessa sabay abot ng aking kamay.

"Ayuunnn! Zach po pala pangalan nyo. Hindi ko po kasi alam kaya Kuya Mask po ang pinangalan ko sa inyo. Hahaha" natutuwa nyang sabi pagka abot nya sa kamay ko.

"Ah Lessa, gusto mo bang sumakay sa ferris wheel?" Aya ko sa kanya.

"Naku, ayaw ko kuya. Mas gusto kong umupo na lang sa Bay, mas maganda kasing tingnan ang mga bituin habang naririnig ko yung agos ng mga alon." Sabi nya sa akin sabay lakad papunta sa Bay.

"Mas gusto mo pala ng relaxing view noh? Magandang maganda nga" sabay lingon sa langit.

----------
Hey readers! Sorry po at natagalan :( lagi pong nag eerror to publish eh :( ngayon lang po napublish. Sunod ko din pong ipupublish yung Chapter 12. Kung mahahabol ko po, Yung Chapter 13 din :) Salamat po sa inyo :) God bless ^^

Love Comes UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon