Twenty-Three

123 0 2
                                    

*2 years later*

*Lessa's POV*

(yan po wedding dress ni Lessa)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(yan po wedding dress ni Lessa)

Nandito ako ngayon sa garden ng hotel na napili namin sa tagaytay. (nasa taas po :) )

ilang minuto na lang at ikakasal na kami... Hindi pa din ako makapaniwala.


*FAST FORWARD*


(paki play po yung kanta para mas dama nyo <3)

Naglalakad na ako papunta sa harap ng taong mahal ko. Kitang- kita ko sa mga mata ni Zach na masayang masaya sya na ako yung napili nya, gaya ng pagpili ko sa kanya. Hindi sya tumitigil sa pag-iyak kaya kinawayan ko sya habang naglalakad ako. Susubukan ko sanang pigilin luha ko kaso naiyak na din ako dahil sa sobrang tuwa.


Pagdating ko sa harap, binigay na ni Mom at Dad ang mga kamay ko kay Zach. Nag- iyakan na kaming apat nang biglang magsalita si Mom.

"Zach, maraming salamat sa lahat lahat ng ginawa mo para kay Lessa ha? Minsan lang kita nakita at nakilala pero ramdam ko agad ang pagmamahal mo sa anak ko. Sana hanggang pagtanda nyo hindi nyo makalimutan ang mga pinagdaanan nyo para mas lalo kayong tumatag."

" Maraming salamat Ma, pangako ko po sa inyo ni Papa, aalagaan ko ng husto si Lessa."


Lumakad na kami ni Zach papunta sa harap ng pari. Kahit garden wedding ang napili namin, I made sure na Pari pa rin ang magkakasal sa amin.


Maya-maya pa, nagbigayan na kami ng vows sa isa't-isa...


"Zach, alam ko na sa dami na ng pinagdaanan natin, hindi natin mapapangako na walang mangyayari sa ating masama, pero ito ang mapapangako ko; lahat ng bagay na gagawin mo o balak mong gawin, kahit mahirap, pipiliin at pipiliin kitang samahan dahil mahal kita, at alam kong walang impossibleng bagay basta kasama kita. Hindi na ako mangangako ng ibang bagay dahil noon pa man, ipinangako ko na sa sarili ko na ikaw lang ang taong para sa akin at handa akong gawin ang lahat wag ka lang mawala. I love you..." naiiyak kong sabi kay Zach at isinuot ko na sa kanya ang singsing.

"Lessa, unang-una, gusto kong magpasalamat sa iyo kasi ako ang pinili mong makasama sa next chapter ng buhay mo. Wala akong maipapangako dahil ang buhay natin ay puno ng posibilidad kahit para sa mga parang masyadong imposible na mangyari. Pero isa lang ang alam ko; hanggat ikaw yung taong kasama ko na lumaban. I love you so much Lessa." at hinalikan nya ang kamay ko.


"Congratulations Mr & Mrs Davis. You may now kiss the bride". At nagsigawan na ang lahat.

Yun ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay namin...



*3 years later*

"Dada! Mimi!" sabay na sigaw ng mga anak namin. Nandito kami sa may veranda kaya nagulat kami na tumatakbo sila.


"Slow down babies! you'll get hurt!" sigaw ko habang si Zach naman ay sinalubong ang kambal.


"Mama! abawu! (i love you)" sabi ni Raine.

"Mama! lablab!"  sabi naman ni Raiden na ibig sabihin ay gusto nya ng hug.

Sinalubong ko silang dalawa at sabay kong niyakap. 


Oo, nagkaroon kami ng kambal. Gusto nyong malaman kung anong mga pangalan nila?


Aella Raine Davis si baby girl ko, Raiden Zachry Davis para kay baby boy ko.

Dito na kami nakatira ngayon sa bahay na sinurprise sa akin ni Zach dito sa London. Pamana kasi sa kanya ng biological parents nya. Matagal na palang patay ang parents nya kaso hindi sya nasabihan agad dahil si Zyler lang naman nakakaalam kung sino yung mga iyon.

--------------------------------------------------------------------------

A/N: Hi readers! eto na po ang next chapter! hope you'll like it! 

Let me know in the comments kung gusto nyo bang gawan ko ng book 2 ang story na ito and kung kanino nyo sya gusto ibase :) Thank you ulit for your endless support! Happy 14.9K reads! Keep safe everyone!

Love Comes UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon