*Lessa's POV*
Andito na ako sa airport kung saan sinabi ni Jess na magkikita kami para mapuntahan ko si Zach.
halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon...
masaya dahil makikita ko ang taong mahal ko...
galit dahil naglihim sya sa akin...
malungkot dahil hindi pa sya nagigising...
natatakot dahil baka pagkagising nya, hindi nya na ako kilala...
"Lessa! Tara sa backgate! andun na yung plane. Hindi na natin kailangan pang pumasok sa boarding." sigaw ni Jess na nasa loob ng sasakyan.
Pag lapit ko sa sasakyan, sinabihan nya ang driver na ipasok ang gamit ko sa sasakyan at pinapasok ako ng sasakyan...
"Ready ka na Lessa? Lakasan mo lang ang loob mo ha? Magpakatatag ka". sabi ni Jess habang tinatapik nya ang balikat ko.
"Salamat Jess. hindi ko alam kung saan ko malalaman to kung hindi mo sinabi sa akin"
"Andito na po tayo. ipapadala ko na lang po ang gamit nyo sa likod. Ingat po kayo" sabi ni Kuyang driver habang nakangiti.
"Maraming salamat po kuya! kayo din po!" nakangiti ko ding sabi sa kanya.
At sumakay na nga kami sa private plane...
malalapad ang upuan, kulay cream.
may sariling remote ang bawat chair para sa iba ibang pangangailangan.
bago pa man ako makaupo, sinabihan ako ni Jess na pumunta muna kami sa dulo ng plane kung saan nandoon ang dalawang malaking kwarto.
"Etong kwarto sa kaliwa, sayo muna ito. ipapasunod ko na lang mga gamit mo dito ha. kahit dito ka muna stay at magpahinga ayos lang. mahaba haba ang byahe natin kaya makakapag pahinga ka pa."
"Paensya ka na ha, ang dami ng dinala kong gamit. Balak ko kasing magstay muna doon sa London hanggang sa bumuti si Zach. Binilhan na ako ng tatay ko doon kahapon ng bahay dahil may kakilala sya para daw hindi sila matakot kung saan ako magsstay."
"Ayos lang yun Lessa. Basta kapag may kailangan ka, message mo lang ako at ako nang bahala. Sige, andito na mga gamit mo. Pahinga kana muna" at sinenyasan nya ang mga tauhan nya na iayos ang mga maleta ko sa gilid ng kama ko.
Maya-maya ay naramdaman kong umaandar na ang plane namin kaya napanatag na ang loob ko at napag pasyahan ko munang matulog.
16 hours later ...
Mula airport ay may sumundo na sa aking kotse na pinahiram muna sa akin ng Dad ko para magamit ko sa buong stay ko dito sa London.
2 hours later...
Nakarating din ako sa bahay sa wakas. tinulungan ako ng driver na iakyat lahat ng mga gamit ko sa kwarto ko. As usual, ako ulit mag isa dito sa bahay na binigay nila Mom. Gaya nga ng sinabi ko sa inyo dati, ayaw ko ng may katulong sa bahay. Gusto ko kasi na may privacy ako at mas naeenjoy kong maglinis ng bahay kesa ipalinis ko sa iba.
Bukas, ako na lang din ang magddrive ng kotse. pinalusot ko lang na pahiramin ako ng driver dahil pagod ako ngayon sa byahe mula pilipinas.
*ring* *ring*
"Hello? Khrischa?"
"BESHIIIEEEEEEEE!!!!!" sabay nilang sigaw ni Sheryl na dahilan kung bakit nailayo ko ang phone ko sa tenga.

BINABASA MO ANG
Love Comes Unexpectedly
Teen FictionMay mga bagay talagang akala mo maipapaliwanag, pero kahit anong gawin mo, hindi mo pa rin mahanapan ng tamang salita para bigkasin ito.. Isa na ang Love dyan.. Akala mo, alam mo na sya dahil sa dami na ng napagdaanan mo dito, pero kapag nagmahal...