*Lessa's POV*
At dahil wala kaming klase ngayon sa first subject namin, tapos walang assignment sa susunod na subject, kinuha ko na lang muna ang cellphone ko at tumingin ng mga pictures ni Zayn Malik sa gallery ko. (*directioners! Fangirling mode lang po ako pasensya! Haha*)
"Hanggang ngayon beshie, Sya pa din crush mo?" Sabi naman ni Khrischa.
"Ewan ko ba, kahit nagkaboyfriend na ako lahat lahat, iba pa rin hatak ni Zayn eh." Sagot ko.
2011 pa akong nagsimulang maging Fan nila eh.
Naudlot ang aking pagrereminisce dahil sa pagtunog ng cellphone ko.
"Wari ko'y malalim ang iyong iniisip. Maaari bang malaman ang nilalaman ng iyong isip?"
Sabi nung nagtext sa akin.Hala! Parang may kilala akong ganito magsalita!
"Kuya mask? Ikaw ba yan? Sorry hindi ko alam pangalan mo eh. "
Reply ko sa kanya.Kaso lumipas na lang ang buong araw, wala pa rin syang reply. Paasa naman yung nagtext!
Pag uwi namin nila Khrischa sa dorm, napag pasyahan kong magmovie marathon na lang.
Hindi pa natatapos ang pangatlo kong movie na pinapanuod, para na akong hinehele sa antok. Kaya natulog na lang ako.
2am naalimpungatan ako kaya tiningnan ko kung may nagtext ba sa akin habang tulog ako.
"Wag ka nang mangamba, narito lamang ako palagi para sa iyo "
Waaaaa!!! Nagtext ulit si kuya!! Andaya naman nito, kung kelan tulog na ako, saka naman nya naisipang magreply -_-.
"Sino ka po ba talaga kuya? Pwede ba kitang makilala?" Reply ko sa kanya.
3am na, at nararamdaman kong hinehele na naman ako kaya bumalik na lang ako sa pagtulog.
*Someone's POV*
Mabuti na lang at nakita ko sa ID nya kanina ang number nya. Naisipan ko tuloy syang itext.
"Wari ko'y malalim ang iyong iniisip. Maaari bang malaman ang nilalaman ng iyong isip?"
Message sent!
Nakikita ko sya mula rito sa inuupuan ko hanggang sa room nila, ginagamit nya cellphone nya kaya ko sya tinext.
Kitang kita ko ang pagkagulat nya nang mabasa ang text ko.
"Kuya mask? Ikaw ba yan? Sorry hindi ko alam pangalan mo eh. "
Reply naman nya sa akin.Hindi ko muna sya sinagot dahil pinipigilan ko pa ang sarili ko na magpakilala. Dadaanin ko muna sya sa matatalinghagang salita :)
Ang nakakatuwa lang sa set up naming dalawa, magkapitbahay kami at parehas na nakatira sa magkaibang dorm. Dito kasi sa street namin, ang kanang parte, para sa Girl's Dorm. Ang kaliwa, para sa Boy's Dorm. At nasaktuhang magkatapat pa kami ng kwarto kaya mula rito, tanaw kong nanunuod sya ng movie. Mamaya ko nalang sya itetext kapag tulog na sya.
Makalipas ang dalawang oras na panunuod nya, nakita kong niligpit na nya ang kanyang laptop at natulog na sya.
Naghintay pa ako ng another 2hours para matiyak na tulog na nga sya saka pa ako nagreply ulit sa kanya.
"Wag ka nang mangamba, narito lamang ako palagi para sa iyo "
Message sent!
Inaantok na ako.. Makatulog na nga...
Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.
3am na pala.
"Sino ka po ba talaga kuya? Pwede ba kitang makilala?" Reply nya sa akin.
Sa sobrang antok ko, hindi ko na talaga kayang dumilat. Bukas na lang kita sasagutin sa text mo Lessa.
-------------------
Hey readers! Good morning! Eto po muna ang first chapter update ko for today :) to be followed na lang po ang chapters 9-10 :) salamat :*
BINABASA MO ANG
Love Comes Unexpectedly
Teen FictionMay mga bagay talagang akala mo maipapaliwanag, pero kahit anong gawin mo, hindi mo pa rin mahanapan ng tamang salita para bigkasin ito.. Isa na ang Love dyan.. Akala mo, alam mo na sya dahil sa dami na ng napagdaanan mo dito, pero kapag nagmahal...