*Lessa's POV*
At dahil wala pa akong pasok, naisipan ko munang mag general cleaning ng unit ko.
Nilagay ko muna ang mga labahin ko sa washing machine.
Nagpunas ako ng mga gamit ko.
Pati aircon nilinis ko rin kahit hindi pa masyadong madumi.
Gusto sana ni mama, na kumuha ng katulong at maglinis ng unit ko kapag hindi ako nakakauwi, kaso ako na mismo ang nag insist na ayaw ko kasi first of all,
Privacy ko na yun. Kumbaga personal space ko na itong unit ko. Ayaw kong may ibang pumapasok dito, kasi ito pa lang yung masasabi kong aking pera, nagsummer job kasi ako last year doon sa restaurant nila Mama and walang bias doon, they pay me for what I deserve na nakikita nila sa rating sa akin ng manager doon sa branch na pinasukan ko. After na makabili ako ng unit ko, 18th gift na sa akin nila Mama ang car na ginagamit ko ngayon. Magtatampo daw kasi sila kapag hindi ko tinanggap, so ayun tinanggap ko na lang. That time kasi, nag iipon pa lang ako ng pambili ng kotse. Ayun nag insist na lang sila na, kung ano naipon kong pambili ng kotse, igastos ko na lang or isave for some other things, kasi may car na daw silang binili for me :)
Back to what I'm doing, yung mga natapos nang labhan, nilagay ko na diretso sa dryer para mas mabilis akong makapagpatuyo ng damit na nilabhan.
Yung secret collection ko, inarrange ko din sila per shelves, may para sa shoes, bags, pants, blouses, trousers etc.
In short, sobra akong napagod today, hindi na nga rin ako nakapagbreakfast at lunch eh.
5pm na kasi ako natapos, ayun nagpadeliver na lang ako ng favorite kong lasagna at mashed potato saka lettuce salad.
After kong kumain, may nareceive akong text.
"Onting tiis na lang Lessa... Maliliwanagan ka rin sa lahat"
Unregistered naman number nya.
Kung si Zach to, malabo naman, kasi nakasave na sa akin number nun eh.
Hindi kaya si ano,
HINDI! MALABO!
HUWAG KA NGANG UMASA LESSA! KINALIMUTAN KA NA NYA!
sabi ko nga eh..
Binaliwala ko na lang yung text at nagprepare na ako para matulog.
Himala, hindi ata nagtext si Zach sa akin, baka busy lang :)
Good night world!
*Zach's POV*
Mukhang busy itong si Lessa ah, aga-aga kumakalabog na mga gamit nya sa unit nya.
Hindi muna ako manggugulo. Busy sya mag general cleaning eh.
Nagfacebook na lang muna ako.
May isang tao na ikinagulat kong biglang nagchat sa akin.
"Pre, musta na? May balita ka ba kay Lessa? May number ka ba nya?"
Tama ang hula nyo, Ex ni Lessa ito. Si Zyler.
Bestfriend ko na ito since elementary.
"Mabuti naman ako pre. Ikaw musta na jan? Kelan balik mo dito sa Pinas? Oo may number ako ni Lessa *insert her number*"
Siguro nagtataka kayo kung bakit binigay ko agad ng chance si Zyler na makuha yung number ni Lessa gayong mahal ko si Lessa.
Kailangan ko magparaya. Nangako kasi kami ni Zyler na kahit kailan, hindi kami magkakasira dahil lang sa iisang babae.
Kung nakikita ko namang may pag-asa ako, ipaglalaban ko si Lessa,
Kaso nakikita ko naman kay Lessa, kahit 3 years ago pa yung sa kanila ni Zach, alam kong mahal pa rin nya bestfriend ko.
Sana lang hindi na sya saktan ulit ni Zyler, kung hindi?
Babawiin ko talaga si Lessa sa kanya.
--------------
Hey readers! Ngayon lang po bumalik kuryente namin :) sa school po, wala naman pong wifi na pwedeng kumonnect kasi may passwords eh.Isusunod ko na rin pong ipublish yung 15-16 :) ittry ko pong ihabol yung 17 kung kakayanin :)
Salamat po sa patuloy nyong pag abang sa chapters :) God bless ^^
BINABASA MO ANG
Love Comes Unexpectedly
Teen FictionMay mga bagay talagang akala mo maipapaliwanag, pero kahit anong gawin mo, hindi mo pa rin mahanapan ng tamang salita para bigkasin ito.. Isa na ang Love dyan.. Akala mo, alam mo na sya dahil sa dami na ng napagdaanan mo dito, pero kapag nagmahal...