*1 year later*
*Graduation Day*
*Alessa's POV*
Grabe, di ko akalaing graduate nako! Matapos ng maraming paghihirap, hindi ko inakalang makakatungtong ako sa stage at makakatanggap ng mga awards.
Parang ang daming nangyari sa loob ng isang taon.
Andaming pagbabago...
Andaming pinagdaanan
Andaming nawala...
Andaming bumalik...
Andaming nabuong masasayang alaala
Andaming naging memories na lang...
Katulad nya, sinabi nyang maghihintay sya at hindi nya ako iiwan, pero wala man lang syang pasabi na iiwan din pala nya ako...
Kung hindi pako naghanap at nagpatulong sa mga kaibigan ko, hindi ko pa malalamang...
Hindi ko pa din pala kayang mabanggit ang kung anong nangyari sa kanya...
Biglaan eh...
Parang nung pangalawa naming pagkikita, hindi ko aakalaing iyon na pala ang huli.
Sana nagpasabi ka man lang...
Nakapaghanda sana ako...
Sana-
"Lessaaaaa!!!"
Nawala ako sa pagmumuni- muni ko nang marinig ko ang boses na iyon.Si Khrischa, kasama nya si Sheryl na tumatakbo papunta sa pwesto ko.
"Wag ka na nga mag-emo dyan! Graduation natin ngayon girl! wag mong hayaan na pati etong happenings today ay masira ng kung sino man yang iniisip mo. Academic Awardee ka kaya, tapos ang dami mo pang additional awards! cheer up na please?!" sabi ni Sheryl.
kung sabagay, dapat magsaya ako dahil finally nasuklian ko din yung effort at financial support na binigay sakin ng parents ko...
Wala man akong award dahil sa nangyaring iyon, ayos na rin para sa akin atleast matataas lagi ang grades ko sa lahat ng subject.
*after the graduation*
Hay salamat! tapos na rin ang graduation ceremony. matagal din natapos dahil sa guest speaker namin kaya ayun, lahat kami gutom na.
After ko magpaalam sa mga classmates ko, nagcr muna ako para magretouch ng makeup.
Paano kung kasabay namin sya ngayon naggraduate? naging kami kaya? naging masaya kaya ako kung sakali?
Hay nako Lessa! palayain mo na kasi sya, masyado mo lang sinasaktan sarili mo eh! patay na silang dalawa!
Pagkatapos kong mag ayos, lumabas nako ng cr at may lalaking lumapit sa akin.
"Hi! Lessa right? I'm Jess" sabi nya sabay abot ng kamay sa akin.
"Hello. Yes I'm Lessa. paano mo ako nakilala?" nagshake hands kami.
"Bestfriend ako ni zach, he used to tell me things about you. Is it okay if I ask you to hang out sometime? But not as a date ha, I need to tell you something about, your ex and zach's death" nag aalangan nyang sabi sa akin.
Nagulat ako sa sinabi nya kasi ngayon lang sya nagpakita sa akin and bigla nyang sinabi na may alam sya sa nangyari.
Pero there's something I felt na parang nagsasabi sa akin na pagkatiwalaan sya at mabuo ko ang lahat sa isip ko. Kaya pumayag ako.
"Medyo nakakagulat yung sinabi mo pero sure sige. just chat me kung kelan ka available. Bye!" sabi ko sa kanya sabay wave.
Tumango lang sya at tumalikod na. Medyo napaisip tuloy ako sa sinabi nya.
Sana maging available sya agad para malaman ko na ang totoong nangyari.
Nakakagulat ba? Oo, Si Zyler at si Zach namatay sa isang car accident sa London at hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit sila magkasama dahil parehas naman silang walang kinukwento sa akin.
ARGGGHH!! GULONG- GULO NA ISIP KOO!!!
______________________________
A/n: Hi readers! I know it's been a while since my last update dahil sa sobrang daming nangyari sa last year ko as a college student. and yes, may twist na nangyari dito sa chapter na to. nagulat ba kayo? let me know by leaving comments 😊 thank you for supporting this story I really appreciate it. Lovelots ❤
BINABASA MO ANG
Love Comes Unexpectedly
Ficção AdolescenteMay mga bagay talagang akala mo maipapaliwanag, pero kahit anong gawin mo, hindi mo pa rin mahanapan ng tamang salita para bigkasin ito.. Isa na ang Love dyan.. Akala mo, alam mo na sya dahil sa dami na ng napagdaanan mo dito, pero kapag nagmahal...