*Lessa's POV*
Papunta na ako ngayon sa hospital kung saan nakaconfine si Zach. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip sa kanya. Madami kasi akong pagkakataon na pinalampas na pwede kong nagamit sana para maparamdam ko sa kanya yung happiness and contentment na pinadama nya sa akin.
"Excuse me sir? Jess told me that this is Zach's room? I'm a close friend of Zach." sabi ko sa isang guard na nakabantay sa room ni Zach.
"Kayo po ba si Ms. Lessa? Pwede na po kayong pumasok. Nasabihan naman po kami ni Sir Jess. Sabihan nyo lang po kami if magsstay po kayo dito hanggang umaga para po makapag dagdag kami ng magbabantay sa inyo ni Sir Zach." sabi nung isang guard.
"Opo sir. Balak ko po sana na bukas ng lunch pa po ako umalis dito. magbabakasakaling magising na sya. Dala ko na po yung mga gagamitin ko saka makakain ko kaya pagka pasok ko po, hindi na din po ako lalabas. Thank you sa pagbabantay nyo kay Zach ha." nakangiti kong sabi kela kuya guard.
"Walang anuman po Ms. Lessa." sabi din nya habang pinapapasok ako sa kwarto.
(in this part po, pakiplay yung song na nasa taas para mas feel nyo yung scene. Thank you! :* )
Pag pasok ko ng room, bigla kong nabitawan ang hawak kong gamit.
When the rain is blowing in your face....
And the whole world is on your case......
I could offer you a warm embrace......
To make you feel my love......
Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak at maawa at masaktan sa sinapit ni Zach...
Pumasok sa isip ko lahat ng naging memories namin magkasama...
Yung unang pagkikita....
*Flashback*
Last dance na... Sino kaya makakapartner ko?
At pagkaikot nga namin papunta sa katabi namin, nagbow sa akin yung lalaki, hanggang tenga nya lang ako, tapos matipuno yung pangangatawan nya, tapos katamtaman lang kulay ng balat nya...
"Lagi na lamang malungkot ang iyong mga mata, waring lagi itong nangangamba" sinabi nya habang tinititigan nya akong mabuti sa mata.
"Kuya, marunong kayong magtula?" Sabi ko pa sa kanya.
"Oo. Pero pag tingin ko sayo, kakaisip ko pang ng mga katagang iyon." Sabi rin nya na ikinagulat ko.
"Ah ganun po ba-"
"Okay! Let's all remove our masks and see who are our last dance partners!" Sabi ng isa sa mga Emcees ng party."Ah Lessa, hawakan mo itong mask kong ito ha? Wag mong iwawala yan, sana kapag nagkita tayo ulit, sana nasa iyo pa ito."
Habang nagtatanggal pa sya ng tali sa mask nya."Eh teka po ku-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla na lamang nyang binigay sa akin ang maskara nya sabay takbo.
At natapos na lamang ang party ay hindi ko pa rin nakikilala ang lalaking nagbigay ng maskara nya sa akin. Haist.
BINABASA MO ANG
Love Comes Unexpectedly
TeenfikceMay mga bagay talagang akala mo maipapaliwanag, pero kahit anong gawin mo, hindi mo pa rin mahanapan ng tamang salita para bigkasin ito.. Isa na ang Love dyan.. Akala mo, alam mo na sya dahil sa dami na ng napagdaanan mo dito, pero kapag nagmahal...